Chapter 18: Goodbye

16 0 0
                                    

 “I usually give people more chances than they deserve but once I’m done, I’m done.”

 

Nakatulala at malayo na ang nararating ng diwa niya sa mga oras na ito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa batong upuan sa may gilid ng simbahan. Simula ng maging abala siya ay itong lugar na lamang na ito ang pinaka madalang niyang mapuntahan o mabisita man lang.

 

And now she’s here, dahil sa bigat na dala-dala niya sa kanyang dibdib.

 

She let out a heavy sighed before she speaks her hearts out.

 

“Life is so unfair. Oo, alam ko naming may dahilan ang lahat ng nangyayari pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito.” Pansamantala siyang tumigil at muli ay malalim na bumuntong-hininga. Pinakiramdaman niya ang paligid at nang mapansin na siya lang ang nasa paligid ay itinuloy niya ang pagsasalita.

 

She faked a smiled when she realized what she was doing. Kinakausap niya ang sarili niya.

 

“Masyado ba akong nagpakakampante?”

Pagkasabi niya noon ay mabilis pa sa isang kisap matang nagbalik ang lahat... ang mga sandaling magkasama pa sila. Masasayang sandali na ni sa hinagap ay hindi mo aakalaing panandalian lamang pala.

 

Nag-iinit na ang kanyang dalawang mata kasabay noon ay ang pamumuo ng likido sa paligid nito. Na sa isang sandali lamang ay mag-uunahan na itong bumagsak patungo sa kanyang pisngi.

Tumingala siya sa kalangitan at pilit na ngumiti kasabay na sunud-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha. Nasusundan na rin ito ng mahinang paghikbi. Maaliwalas ang asul na asul na langit at kapansin-pansin rin ang isang kawan ng ibon na lumilipad nang malaya sa ibabaw ng isang mataas na puno. Paikot-ikot na animo ay mga walang kapaguran, mababakas din sa paraan nang paggalaw ng mga ito ang kasiyahan sa ginagawa.

 

Kabaligtaran iyon sa nararamdaman ng dalaga.

 

“Life is—life is ... really unfair.” She blurted out. Umiyak lang siya nang umiyak pero kahit anong iyak yata ang gawin nito ay animo walang katapusan ang paglabas ng mainit na likido mula sa  mata niya,

 

She, then, again talk to herself while sobbing para siyang bata kung umiyak.

 

“A—all I did is to love you. Kung mayroon man sanang kulang a-at kung mayroon man akong mpagkakamali sana sinabi mo na lang hindi iyong ganito.” She cried out in deep sorrow.

 

Ramdam na ramdam sa bawat katagang binibitawan niya ang hapdi ng nararanasan niya. Pawang ang nasa isip lang niya ay ang ilabas ang gusto niyang sabihin. Nagbabakasakaling may sasagot sa mga katanungan niyang iyon.

 

She’s so hopeless at this very moment.

 

“J—Jake!” Sigaw niyang habang umiiyak. “How can I able to forget you if you given me a lot of moments to cherish?”

Pinaninikipan na siya ng dibdib at bahagya na rin niyang hinahabol ang paghinga niya. Kinalma nito ang sarili, nakakalimutan niya atang may sakit siya. Marahas niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya gamit ang likod ng kanyang palad. Muli siyang huminga nang malalim at siniguradong walang ng anumang bakas ng likido ang matatanaw sa kanyang mukha. Pagkaraan ay tumayo ito, itinuon niya ang paningin niya sa imahe ng sto.nino sa tuktok ng simbahan. Tahimik siyang umusal ng panalangin,

"God alam ko marami akong naging pagkukulang, humihingi ako ng pagpapatawad niyo. Nakagawa man ako ng ilang mga bagay na salungat sa turo niya, hinihingi ko po ng papapatawa niyo. Lord, alam ko po at naniniwala ako sa kagalingan niyo. Sana pag dating ng panahon, darating ang araw na masasabi ko ang salitang salamat dahil muli ay nalagpasan ko na naman ng matiwasay ang kabanata ng buhay ko. Alam ko po na hindi pa ito ang katapusan. You had great plans for me. I will use this to share it with others in my own little way. Kayo na po ang bahala sa kanya Lord, may he chose to be good and to be loyal with his girl... I don't want to be a burden to anyone... I don't want to... Thank you po." ipagpapasa-Diyos niya na lamang ang sakit na nararamdaman ... at saka naglakad palayo ng lugar.

 *********************************************

Meeting with a strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon