Chapter 17

16 1 0
                                    

“You really don’t always have to be super nice; sometimes you have to show your bad side, so that you can sort out who can accept you at your worst.”

 

 

 “Hi! Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam mo bang nasasaktan si Jake sa ginagawa mo?”

 

[“Talaga? Wala kang alam sa totoo sa hindi. Hindi mo alam ang nangyari noong high school pa lang kami. Hindi mo alam kung gaano niya ako pinasakitan. Kaya bago ko pa man ilabas ang bitchy side ko manahimik ka dyan.”]

 

“ Gusto lang niya na maging maayos kayo. Ang maging legal kayo sa pamilya mo. Mahirap ba iyon? Mahal ko siya kaya ko ito ginagawa. I just want to make him happy...”

 

[“What do you know about love? Matagal ko ng alam ang tungkol sa’yo, ang tungkol sa pagkikita niyo. Did I confront you about that? Hindi naman di ba? Nanatili lang akong tahimik kahit alam kong mali na iyong mga pinaggagawa niyo.”]

 

“Hindi mo rin alam ang nangyayari at ang nararamdaman ko. Look, I’m trying to be nice here. I’m defending myself like what Jake can’t do. He would say the sweetest words in me but when he’s talking to you it’s like that I am the dumbest girl on earth. He would always dumb me over and over again. And now, say anything!”

 

[“Walang pupuntahan itong pag-uusap na ito.”]

 

“What I am trying to say is, sa tingin mo hindi ka rin niya niloloko? Who would believe on such scrap? Naglolokohan na lang tayong tatlo dito, don’t you think so?”

 

Matapos ang ganoong usapan sa pagitan namin ay hindi parin natigil ang pakikipagkita ko kay Jake. Ang ipinagbago na lang ay alam ko ng hindi siya single pero wala na akong pakialam doon. Basta naging masaya ako sa mga nagdaang araw at buwan na kasama siya. Mali, maling-mali pero ano bang mali sa pagmamahal?

Nagpatuloy ito hanggang sa dumating din ang punto na si Jake ang bumitaw. Katulad lang ng paulit-ulit na ginagawa niya sa akin. Una, pangalawa, pangatlo, pang-apat? Ilang beses na ba? Hindi ko na alam. Pero sa ilang beses na iyon, ilang beses ko rin siyang pinatawad at kalimutan na lang ang nangyari at magpatuloy. Pero ngayon?

Like the usual... He would always say sorry, pero that doesn’t change the fact that I am hurting. I’d been hurting.

Mahal pa nga ba kita? Nagiging masaya ako kapag kasama kita, napapatawa mo ako ng walang patid. Nagiging isang simpleng tao lang ako. Sa kabila ng magagandang naidulot mo sa pagkatao ko, kasabay niyon ay ang pagiging makasarili ko. Nakagawa ako ng hindi maganda sa kapwa para lang ipaglaban ka. Maging sa sarili kong ama ay nakapaglihim ako. You would have thought that I can make such thing? Ngayon tatanungin ko ang sarili ko.

 Pagmamahal pa nga ba ito?

Dapat pa ba akong magpatuloy sa paghabol sa’yo kung nagdudulot na  ito ng hindi maganda sa aking pakatao?

 

“Ate Yoona...” It was Marie. Dinalaw ko siya sa bahay nila para kausapin at kamustahin narin, ngayon ay nasa isang gazebo kami sa loob ng bakuran ng kanilang tahanan.

I smiled. “Ate hindi ka masamang babae. Nagmahal ka lang at isa pa hindi masamang magpaka tanga sa pagmamahal. Okay lang naman din kung maging martir ka pa. Hindi nga ba’t doon mo mapapatunayang tunay kang nagmamahal dahil sa kabila ng pasakit at hirap na idinudulot ng taong minamahal mo ay nandyan ka parin, patuloy at handang bigyan siya ng walang katapusang pagkakataon. Iyon nga lang sinayang niya..,

...nakagawa ka man ng hindi maganda, ito ay dahil sa ipinaglaban mo lang ang gusto at nararamdaman mo. Kaya nga lang ate lahat ng bagay may limitasyon. Ate stop hurting yourself, I don’t to see you hurting.” Masuyo at may pag-aalala sa tono nito. Tahimik lang akong nakikinig at paminsan-minsang tumatango.

Nagpatuloy ito. “About him, bahala na siya sa buhay niya. Patunayan niya ang mga sinasabi niya. Malaki na siya para mag-isip bata at maging immature. Hayaan mo siyang gawin ang gusto niyang gawin. Hindi mo na siya kailangan pang intindihin. Sa iba mo na lang ate ituon ang atensyon mo. I’m not saying na magmahal ka agad, just enjoy yourself. Darating din ang tamang panahon at muling titibok ang puso mo sa taong karapt-dapat. Balang araw nga kahit  sumagi siya sa isipan mo ay hindi na kailanman mangyayari. Iyon ang panahon na totoong naka move-on ka na. Tutulungan kita ate, kami ni tito lahat ng mga kaibigan mo, guluhin din natin si Kuya Cy.” Bahagya pa itong napapatawa habang binabanggit ang huli salitang binitiwan.

Hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti. Tama naman siya, maraming nagmamahal sa akin ng totoo. Mas marami sa iniiyakan kong iisang tao. Bakit nga ba ako naghahabol na mahalin ng iisang tao lamang kung marami diyan na handang mag-alay ng pagmamahal nila sa akin.

“Sa tingin mo Marie mapapatawad pa niya ako?” Hindi ko man direktang masabi, pero alam ko namang alam na ni Marie ang tinutukoy ko.

“Of course ate... I think she’s kind. Ynna has a good heart too, parehas lang kayong nagmahal sa iisang lalaki. Hindi man ngayon, alam kong in time kusa na itong mabubura just like it never happend. Kaya don’t torture yourself of what have you done wrong. Look forward tayo sa what will you do to make it right.”

“I’m hoping...” I murmured.

“You can count on me ate, we will both hope that this will end very soon. Ate I’m telling you this because you don’t deserve this.”

I nod my head twice. “Just like before.”

“Just like before, ate.”

We, then, shared a warm and comforting hug.

 

 

**************************************

Meeting with a strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon