Iyan lamang ang mga napapansin sa amin noong pumasok na kmi sa isang food chain. Hindi naman ganoon karami ang mga tao pero napapansin pa rin kami.


Ilang oras rin ay nagpasya na kaming umuwi.


"Hatid ko na kayo, Kath" alok ko 

"Huwag na, Daniel. Tumawag na ako sa driver namin at papunta na siya rito" 


"Babe, let's go na" aya ni Julia habang hila sa braso ko.


Nginitian lang ako ni Kath. Wala namang akong magawa kundi magpaalam na rin.


"Bye Tito Daniel! Thank you for buying me this" pagpapasalamat ni Sky. 

Nilapitan ko ito at saka ginulo ang buhok, "No problem"




ILANG araw na rin ang nakalipas at marami na rin ang nangyari. Masaya ako kasi mabuti na rin ang pakikitungo ni Kathryn minsan pero yun nga lang ang pinag-aawayan namin ni Julia.


"Nak, bumaba ka na diyan at kumain na rito dahil baka ma late ka pa sa interview mamaya." tawag ni Mama


Nang bumaba ako nakita ko si Mama na naghahanda sa mesa.


"Ano nga pala oras yun Ma?" tanong ko

"7:00 sabi ng manager mo. Kanina ka pa non hinihintay " sabi ni Mama. 


Hindi ko na sinagot si Mama at nagsimula na rin akong kumain.

Ilang sandali pa ay umalis na rin ako at nagpaalam.



(DRESSING ROOM)


"Tol!" 


Si Quen.

Nagulat ako. Bakit nandito ito?

Andito siya. So meaning andito rin si Kath?


"U-y pre, bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ha? Hindi mo ba alam? May interview kaya tayong apat. Ikaw, ako, si Julia at si Kath" 


Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. 

Bumalik ako sa realidad ng napansin kong naguguluhan si Quen sa expression ng mukha ko.

"A--h ok-ay. Akala ko kasi ako lang" pa-inosenteng kong sagot.


Ilang saglit pa ay may pumasok.


"Daniel!!"


Paglingon ko..

Si Robi Domingo, isa sa mga kaibigan ko.


"Robi!" tawag ko at saka nakipagmanly-hug.

"Kamusta na kayo?" tanong nya. 

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now