"Hi fans!"

"Nasan ang babae?"

"Eh boplaks din pala kayo eh, kauri niyo ba yung babae na 'yon ha? Nakikita niyo namang wala siya tatanungun niyo pa." 

"Aba gagong 'to! Hoy umayos ka!" Sigaw nung isang kalbo.

"Tsk. Kayo ang umayos tignan niyo nga mga itsura niyo, mas maganda pang tignan ang mga alaga kong daga sa bahay eh," sagot ko ulit.

Nakatutok ang baril sa akin. Isa lang naman. Akala ko tatlo, tsk. Pero nakamamatay parin ang isa kaya dapat mag-iingat ako. Kasalanan talaga 'to nung babae, pahamak kahit kailan!

"Patahimikin niyo nga 'yan!" Sigaw nung acting leader.

Sumugod sa akin yung dalawa naiwasan ko yung mga suntok at sipa nila pero yung suntok at sipa ko ay hindi nila naiwasan. Tumabingi pa nga yung panga nung isa. Ouch!

Akmang babarilin na ako ng unggoy pero hinagis ko sa kanya yung kasama niya at tumba sila pareho, pumutok ang baril pero sa taas ang direksyon. Inagaw ko sa kanya ang baril.

Naagaw ko naman ito at tinanggalan ng magazine tapos tinapon sa malayo, pinokpok ko naman ang baril sa ulo niya ayon tumba ulit. Nawalan ng malay.

"Hoy babae takbo!" Sigaw ko.

Nagising iyong dalawa, shet mahirap nga namang patumbahin ang may makapal na taba.

Ilang segundo na nang sinigaw ko ang takbo pero hindi pa lumalabas yung babae sa pinag tataguan niya. Ano na namang problema non? Sakit niya sa ulo.

Dahil sa inis ko pinatulog ko ng bongga ang tatlo, binali na rin ang ilang nga buto nila. Mabuti nalang at hindi ako tinamaan sa mukha o sa kahit saang parte ng katawan kundi hindi lang pilay ang aabutin nila.

Bumalik ako sa pinagtaguan namin kanina at nakita kong nanghihina si Miss dahil hindi siya makahinga ng maayos. Shet naman!

Narinig ko na ang serena ng mga pulis. Maraming tao na rin pala ang nakikibalita ni hindi ko man lang napansin kanina.

Binuhat ko si miss.

"Hoy! Huwag ka munang mamatay babayaran mo pa ang mga itlog kong nabasag!" Tinampal niya ako ng mahina sa braso. Tamo to may gana pang manakit kahit ganito ang kalagayan niya.

Nagsibabaan ang mga pulis at hinuli ang mga pinatumba ko. Agad naman akong nilapitan ni... teka kilala ko to ah. Isang Senator 'to!

"Amira!" May pag-aalalang sabi niya nang makalapit sa amin.

"Thank you for saving my daughter, hijo."

Shet na malagkit, anak pala ng Senador itong babaeng hawak ko. Tumango lang ako. Bakas talaga na nag-aalala siya sa anak niya. Kung paanong nalaman niyang nasa panganib ang anak niya at kung paano kami nahanap ay hindi ko na alam.

"Dad.." Bulong ni Amira daw. "O-Oxygen..." Gusto kong matawa. Oo nga pala, baka malagutan pa siya ng hininga sa mga bisig ko mahirap na.

Wala akong nagawa ng hinila na pati ako ng Ama niya sa sasakyan at pinagmaneho ng sobrang bilis ang driver nito papunta sa ospital.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na kinabitan siya ng oxygen. Shit akala ko mamamatay na siya. Akmang aalis na sana ako kaso tinawag ako ni Senator Rafael Suarez.

"I have something to tell you." 

Naptingin ako sa kanya at tumango nalang ako pagkatapos ay lumabas kami ng kwarto ni Amira.

Amira

I BREATHE and breathe like I forgot how to breathe for days. Ito ang pinaka ayoko ang aatakihin ng asthma. Maluha-luha ako habang meron pa ring oxygen mask. Inuubo pa ako na mas lalong nagpahirap sa sitwasyon ko ngayon. Kinakalma ko rin ang sarili ko.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now