I became one of the most successful businesswomen in the world with a large number of restaurants around Asia. Namamayagpag ang pangalan ko sa business world dahil sa mga nakuha kong plaques and awards dahil sa mga competitions and successful restaurant out of all restaurants in the world. One more thing is our Wine Company na nabibilang din sa isa sa mga pinaka-matayog na Wine Company. Kaya tinagurian kami ni Dad na Father and Daughter tycoons in Asia.

Lahat ng pagod namin ni Dad were paid off. Na kahit kaming dalawa lang ay kaya naming maabot lahat ng ito. Kabi-kabilang parangal, kilala ng marami, and most successful businesswoman and businessman. Kontento na ako sa buhay namin ngayon. Pero bakit hindi ko magawang sumaya ng sobra? I've got the best things in this world pero may kulang and that is the best Mom na kung nandito lang sana siyang sumusuporta ay ako na siguro ang pinaka-masayang tao sa buong mundo.

But unfortunately, I don't have one. Sa kabila ng lahat ng tagumpay na naabot ko, nangungulila pa rin ako sa pagmamahal ng isang ina na kailanman hindi ko na mararanasan ulit.

Biglang nawala ako sa mood.

Habang naglalakad ako at chinecheck ang mga empleyado ko ay todo bati sila sa akin at yuko. I admit, ako na siguro ang sa tingin nila ay pinaka-masungit at strict na lady Boss pero ayos lang iyon for them to do their job well and respect me.

Napatigil ako sa paglalakad when someone approached me.

"Excuse me Miss Suarez, may isang VIP po na naghahanap sa inyo. Gusto raw po kayong makausap."

Tumaas ang kilay ko. VIP? Who would it be?

"Okay sige. Thank you, Ann." Pumunta ako sa sinabing pwesto.

It was Mr. Fernandez. Kalaban ni Dad sa pagtakbo bilang Mayor ilang taon na ang nakakalipas. Before kasi tumakbo si Daddy sa panigng Senador ay naging Mayor din ito ng ilang taon sa bayan namin. Kilala ko siya of course dahil chinicheck ko rin ang mga taong nakakasalamuha ng Daddy ko, lalo na ang mga kakampi niya sa pagtakbo at maging pati ang mga makakalaban nito.

Ngumiti ako when he saw me coming near them. Yes, he was with the man na iniiwasan ko ilang linggo na rin. What the hell is he doing here? Obviously eating pero bukod doon alam kong mayroon pa siyang pakay.

Napansin ko rin na marami silang bantay na bodyguards. At syempre hakot atensyon ito sa mga iba ko pang customers. Some of them maybe know them yung iba naman ay walang pakialam.

"Good morning Mayor Fernandez." I greeted. He's now the Mayor in town. He smiled and the man in front of him is currently staring at me. Patay na patay talaga itong lalaking ito sa akin. Nakakakilabot!

"Gorgeous as ever hija."

Ngumiti ako ng peke. He knows me dahil anak ako ni Dad at maraming beses na ring pinakilala ako ni Dad sa publiko.

"May sasabihin raw kayo sa akin. What is it Mr. Fernandez?" Deretso kong tanong. I don't know kung saan nanggaling itong inis sa dugo na nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi dahil kalaban siya ni Dad, I just can't point out.

"Oh yes, gusto lang kitang i-congratulate for a job well done hija, ang sarap talaga ng mga pagkain. Katulad ka ng ama mo na napaka-successful ngayon at hindi basta basta nagpapatalo."

I don't know kung masaya ba siya sa sinabi niya sa akin o may bahid ng kapaitan iyon. Tsk.

Wala akong time makipag-plastikan. I did my best para ngumiti ng pilit. I also did try my best to not arch my eyebrow in front of him.

"Thank you. Ginagawa lang po namin ni Dad kung ano ang dapat."

Tumango-tango siya.

"Anyway bukod doon, I also want to you to meet my son." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, son?! Si Alvin Fernandez na aking manliligaw ay anak niya?!

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now