Chapter 1

21.8K 271 5
                                    

Sofia Says: This is the unedited version. If you have problems or bothered with how I write this, refer to the published book or ebook. Pagpasensiyahan na po ang nakayanan ko. 


Hinango ni Imhan ang mainit na brownies mula sa oven at hinayaan munang lumamig. Hindi na magkamayaw ang mga bata sa labas habang nanonood sa clown. Bawat bisita ay nakasuot ng party hats at puro lobo din. Ang mga bata ay pawang nasa ilalim ng Sulong Kababaihan, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga kababaihan at batang naapi at naabuso.

"Pwede na bang ilabas ang cake ko, Imhan?" tanong ni Yolie, ang directress nila at siyang may kaarawan ngayon. Forty-eight years old na ito at isa ring professor sa University of Sto. Tomas. Nagmistulang birthday party iyon sa halip na kaarawan ng isang babaeng forty-eight years old na.

"Opo, Tita. Ready na po iyan." Siya ang in-charge sa baked goodies at cake. Passion talaga niya ang pagluluto. Kaya kapag may pagkakataon ay nagluluto pa rin siya kahit na isa siyang pharmacist sa isang private hospital sa Manila.

Kasunod ni Yolie ang nakabusagot na anak na si Prinzess na nagvo-volunteer din para sa Sulong Kababaihan. "Mommy, bakit naman children's party pa ang pinili mo? Hindi na lang ballroom party para may mga guwapong mga dance instructor. O kaya nag-gay bar na lang tayo."

Pinanlakihan ng mata ni Yolie ang anak. "Prinzess! Nakakahiya kay Imhan. Baka sabihin ganyan kita pinalaki."

"Sus! Malaki na si Ate Imhan. Malapit na iyang mag-twenty seven." Lumapit sa kanya si Prinzess. "Ate, mas okay ang idea ko, di ba? Mas masaya kung nag-hire na lang ng stripper si Mama."

Magaan niyang tinapik ang pisngi ni Prinzess. "Hindi iyon mae-enjoy ng mga bata. At baka ma-trauma din ang mga residents nating babae dito."

Ilan sa mga residents na kababaihan at batang naabuso ay takot pa nga sa mga kalalakihan at hirap magtiwala. Hindi magandang ideya ang magpalabas ng di disente na show para sa mga ito. Mabuti na ang clown na taga-entertain sa labas. Pang-General Patronage. Safe na safe.

"Killjoy naman ninyo!" angal ni Prinzess. "Ma-kidnap nga si Mommy minsan at maidala sa gay bar." Humagikgik ito at binitbit ang cake. "Ano kaya ang itsura sa loob ng gay bar? May mga fafable kayang mga lalaki doon?"

" Prinzess! Kung gusto mo akong matuwa, ipasok mo ako sa Stallion Riding Club o kahit saang may mga Stallion Boys. I am sure mag-e-enjoy ako," pabirong sabi ni Yolie. "I am sure mag-e-enjoy ako doon."

Ang Stallion Riding Club ay isang sikat na riding club na eksklusibo lang sa mayayaman, guwapo at successful na kalalakihan ng bansa. Di basta-basta makakapasok ang sinuman na walang permiso mula sa isa sa mga miyembro. Sumikat ang naturang riding club at ang mga miyembro nito matapos maging location ng commercial ng Stallion Shampoo and Conditioner. Mula noon ay naging pangarap na ng bawat kababaihan ang makapasok sa naturang riding club.

"Ambisyosa ka, Mommy! Aagawan mo pa ako ng boylets," sagot pa ni Prinzess bago tuluyang lumabas.

Naiiling na lang si Yolie. "Hay! Ang mga Stallion Boys na iyan. Kahit ako hindi ko maiwasan na magustuhan sila. Dahil sa mga lalaking iyon naniniwala ako sa fairy tale. Kailan kaya ako makakapasok sa riding club?"

Napailing na lang siya. "Tita Yo, nadala ka na yata diyan sa fairy tale theme ng birthday mo. Parang napaka-imposible naman yata noon."

"Anong imposible? Di ba may kinakapatid ka na member daw doon sa kabubukas pa lang na Stallion Island? Sabi mo Nanay mo guwapo daw iyon."

Awtomatiko siyang sumimangot at padarag na isinalang ang mga chocolate muffins sa oven nang maisip ang tinutukoy ko. Si Jayson Alden Arcega-ang guwapo, mayaman, henyo at ang peste sa buhay niyang kinakapatid. Miyembro ito ng bagong bukas na Stallion Island, ang bagong sangay ng Stallion Riding Club. Kwento daw ni Alden sa mga magulang niya ay nagmistulang luxurious resort ang Stallion Island. O mas tamang nagmistulang kaharian ni Prince Rostam, ang prinsipe ng kaharian ng Al Ishaq na siyang pinuno ng may-ari ng isla. Wala pang lumalabas na balita kung ano ang itsura sa isla at ang mga miyembro nito pero marami nang kababaihan ang naghahandang lumipad at lumangoy makatapak lang sa isla.

"SI Jayden po ba? Wala lang iyon, Tita Yo! Gasoline boy lang ang kumag na iyon sa Stallion Island."

"Gasoline boy? Di ba apat ang gasolinahan ng pamilya niya sa Cavite? Pero under siya ng RENGY Powers. Katulong siya sa nagde-develop ngayon ng renewable energy sources dito sa Pilipinas. Siya rin ang kinontrata ni Prince Rostam para sa power station ng Stallion Island nang di gumagamit ng fossil fuel. Ganyang lalaki ang kailangan ng bansa natin." 

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedWhere stories live. Discover now