Chapter 27

2K 67 1
                                    

Author's Note: Three more chapters to go. Ano na sa tingin niyo ang mangyayari? Sana naman mag comment kayo. Hahah . Salamat

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Arthur's POV

"Anthony mag usap tayo!"

"Anthony!"

Paulit ulit niyang kinatok ng malakas ang pintuan. Hindi nagsawang ipukpok sa malapad na kahoy ang kaniyang kamao kahit namumula na ito.

"Mag usap naman tayo" nakikiusap niyang sambit.

Nakatayo si Arthur sa harapan ng mismong kuwarto niya. Dala dala ang pagkain na para kay Anthony. Ngunit tila walang balak ang lalaki na pagbuksan siya o papasukin sa kaniyang sariling kuwarto.

"I know sinabi ko na nakapag move on na ako..pero nasabi ko lang yun ka-"

"Umalis ka na Arthur! Wala na tayong dapat pag usapan!" sigaw nito na pinutol ang kaniyang sinasabi.

Napayuko na lamang si Arthur. Umalis upang dalhin sa kusina ang pagkain ng makasalubong niya ang ina ni Anthony.

"ANTHONY! BUKSAN MO NGA ITO!" sigaw ng babae.

Walang gatol itong nagii-ingay sa loob ng bahay na parang kaniya ito. Nagkatitigan silang dalawa ngunit agad din nagbawi ang babae at kinatok muli ang pintuan.

"Hindi mo ba talaga ako pagbubuksan o kailangan ko pang sirain ang door knob?!" banta nito na sisipain na sana ang pinto ngunit agad itong bumukas.

"Magsama sama kayo sa loob" ani Anthony.

Dire-diretso itong bumaba at titigan siya ng masama.

"Bumalik ka dito Anthony!" wika ng kaniyang tita.

"Arggh.. ano ba 'ma? Kayo ang gustong pumasok kaya kayo ang pumasok. Mahirap ba y-"

Pumailanlang ang tunog ng nabasag na pinggan at baso sa paligid ng masagi ng kaniyang pinsan ang hawak hawak niyang tray ng pagkain.  Ngunit tila wala lang dito ang nangyari at tuloy tuloy lang na lumabas.

Hindi na nag aksaya ng panahon si Arthur. Sinundan niya si Anthony at pinigilan itong makalabas ng gate. Sapilitan niya itong iniharapa saka sinuntok sa mukha. Napatumba na lamang ang lalaki sa gulat ng muli niya itong suntukin at pagbabayuhin sa dibdib.

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Nagpapakababa na ako para sayo!" ani Arthur na napaiyak ng todo.

"May hangganan din ang kaya kong gawin Anthony. Nauubos din ang pagmamahal ko!"

Nanatili lang na nakatayo ang lalaki sa kaniyang harapan. Tinatanggap ang kaniyang mga suntok habang nakamasid lang sa kanilang dalawa ang ina at kaniyang  Lola.

"Nasisiyahan ka ba na nakikita akong naghihirap? Masaya ba para sayo na naghahabol ako sayo na parang aso? HA?!"

Nagsisigaw siya sa harapan nito. Hindi na niya kaya.Hindi na niya kayang ipagpilitan ang kaniyang sarili kung ayaw naman nito sa kaniya.

Nais niyang malaman ngayon kung ano ba talaga siya dito. Kung talagang mahal pa siya nito o totoo ang sinabi ng lalaki na hindi na siya nito mahal. Dahil kung ganuon, nais na rin niyang mag move on. Nais na rin niyang pakawalan ang kaniyang sarili sa pagmamahal na hindi naman nito susuklian.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now