Chapter 12

4.2K 109 5
                                    

Author's Note: Updated na po :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Arthur, buksan mo naman ang pinto oh" 

Itinakip ni Arthur ang kaniyang dalawang palad sa kaniyang tainga. Hinayaang kumatok ng kumatok si Anthony sa kaniyang kuwarto. Ayaw niya itong makita. Ayaw niya itong makasama sa iisang lugar. 

"Arthur! Arthur ano ba?" sigaw ni Anthony na naiinis ang boses. 

Nagtalukbong ng kumot si Arthur. Walang pakialam pagpawisan man siya dahil nakalimutan niyang buksan ang aircon. 

"Bahala ka diyan..manggagamit.." aniya na pumikit. 

Hindi namalayan ni Arthur na nakatulog na pala siya. Pinunasan niya ang namamanhid na mga mata at tinanggal ang kumot na nasa kaniyang mukha. Nakabukas na ang aircon kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaniyang pagpapawis. 

Inayos niya ang kaniyang pagkakahiga ng maramdaman ang mainit na katawan sa kaniyang tagiliran. 

"A-Anthony?" bulong niya sa lalaking tanging brief lang ang suot. Nakataas pa ang dalawang kamay nito sa uluhan habang nakabuyangyang ang pagaari nito sa manipis na telang puti. 

Napaupo si Arthur sa kaniyang kama habang pinagmamasdan si Anthony. Kanina lamang ay galit siya dito dahil wala man lang sinabi kung anong meron sa kanila ngayon pagkatapos ng nangyari. Tapos nakuha pa nitong manghalik ng ibang lalaki sa harapan niya ng walang sorry o kung anuman. 

"Ugh-" 

Napahiga si Arthur sa bisig ni Anthony ng bigla siya nitong hilahin pahiga sa katawan nito. Sinubukan niyang tanggalin ang braso nito pero agad itong pumatong sa kaniya. 

"Bat hindi mo ako pinagbuksan ng pinto?" anito 

"Bitiwan mo nga ako" 

"Bakit nga?" tanong nitong muli. 

Inilayo ni Arthur ang kaniyang mga mata kay Anthony. Gusto man niyang sabihin dito na "Ano na ba tayo? Nakuha mo na virginity ko so ano na?" pero hindi niya magawa. Isa siyang mahinang tao sa harap ng mga bisig nito. 

"Nagseselos ka ba dahil hinalikan ko si Leigh?" biglang bulalas ni Anthony na nagpatigil sa pagiisip ni Arthur. 

"H-hindi ahh" tanggi niya 

"Tang ina. Halik lang yun Arthur nagselos ka agad? Eh sayo nga may ginawa na tay-" 

"STOP!" sigaw ni Arthur na ikinatigil ni Anthony.  

"Huwag na nating pagusapan ang nangyari. Hindi ko naman yun ginusto dahil pinilit mo lang ako kaya kalimutan na lang natin yun" dagdag ni Arthur na tumingin sa mga mata ni Anthony na nakadungaw sa kaniya. 

"Tingin mo ba talaga pinilit kita?" tanong ni Anthony 

"O-Oo" sagot ni Arthur 

"Sorry hindi ko alam na pinilit pala kita." 

Napaupo sa kama si Arthur ng biglang tumayo sa pagkakapatong niya si Anthony. Naglatag ito ng comforter sa sahig at humiga duon. Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit kailan talaga ay hindi niya maiintindihan ang iniisip nito.  

Inayos niya ang kaniyang higa at humiga muli sa kama. Sinadyang tumagilid upang mapagmasdan ang hubad na katawan ni Anthony na nakatalikod sa kaniya. Ilang minuto rin siyang ganoon. Hindi siya mapakali sa kaniyang kinahihigaan. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now