Chapter 10

5K 123 17
                                    

Author's Note : Heto na po ang karugtong. Huwag kalimutang mag vote at comment

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Niel's POV


"Pahingi ka ng tubig babe" ani Niel na humihingal sa harapan ni Arthur. Pinunasan niya ng towel na dala nito ang kaniyang mukha sabay ngiti ng maluwag.

"Antagal naman ng practice niyo" sambit ni Arthur na tinawanan lang niya.

Nilagok niya ang tubig sa bote at muling iniabot ito sa binata. Hinawakan niya ang kamay ni Arthur at mabilis na dumukwang upang halikan ito sa labi. Dahilan para magsigawan sa kilig ang mga nanunuod sa kanilang practice.

"Ano ba beh. Nakakahiya sa mga teammates mo oh"

Tumawa na lang ng bahagya si Niel sa nakitang pamumula ng kaniyang partner. Hinding hindi siya magsasawang pagmasdan ang iba ibang ekspresiyon nito kahit ilang taon pa ang lumipas.

"Eh sa mahal kita may magagawa ba sila" aniya

"Bumalik ka na nga dun oh..mamaya batukan ka naman ni Anthony dahil pinapatagal mo ang laro. Tingnan mo oh..ang dilim na naman ng tingin sa atin"

"Inggit lang yun. Isa pa nga"

Mabilis ang takbong bumalik sa court si Niel pagkatapos halikan muli si Arthur. Kinindatan na lang niya ito ng makita niyang nakabusangot dahil sa kaniyang ginawa.

Inikot niya ang kaniyang paningin sa mga nanunuod. Simula ng maging sila ni Arthur dalawang linggo na ang nakakalipas sa beach ay nagbago na rin ang kaniyang buhay. Dati rati ay pumapasok lamang siya sa school dahil gusto niyang makapaglaro ng basketball at maka graduate. Pero ngayon ay parang mas nagkaroon siya ng buhay na pumasok dahil araw araw niyang nakikitang naghihintay sa may gate ang kaniyang nobyo -si Arthur.

Si Arthur ang una niyang minahal. Kahit si Anthony na best friend niya ay hindi alam na hindi pa siya nagkaka girlfriend kahit kailan. Sadya niyang itinago rito ang katotohanan dahil ayaw niyang mapahiya sa iba. Ngunit ngayong alam na niya kung paano magmahal, wala siyang pakialam kung may naririnig man siyang hindi maganda dahil nakipagrelasyon siya sa kapwa niya lalaki.

"Niel ang bola!" sigaw ni Anthony na agad din naman niyang  narinig sapat para hindi siya matamaan ng bola sa mukha.

Walang siyang segundong sinayang at agad itinira ang bola sa ring.

"YES!" sigaw niya bago tumunog ang orasan.

Panalo ang team nila laban sa mga bagong freshman ng eskwelahan na kakapasok pa lamang sa team. Agad siyang niyakap ng kaniyang mga teammate pero agad din siyang kumawala. Puro na sila pawis at halos nagkikiskisan na ang kanilang mga braso.

Alam niyang ayaw na ayaw ni Arthur ng pawis dahil dugyot daw ito kaya agad siyang umalis.

"Nice shot 'tol" ani Anthony na umakbay sa kaniya.

Tumango na lamang si Niel at pumunta sa upuan kung saan niya inilagay ang towel na ibinigay ni Arthur kanina. Pinagmasdan niya muna sa kabilang bahagi ang nobyo at ngumiti.

"Musta na kayo ni 'insan?" tanong muli ni Anthony.

"Okay lang..so far so good"

"Buti naman. Teka dun na lang tayo sa may kaniyang puwesto mag ayos para makapagpanunas na rin ako ng likod dahil sa pawis"

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now