LAS 14

2.5K 109 3
                                    

Kakatapos ko lang maligo at hindi parin mawala sa isip ko ang aking ginawang kahihiyan kanina sa harapan ng taong mahal na mahal ko.

Napabuntong-hininga ako at naglakad kung nasaan ang lagayan ng mga towel. Pero laking gulat ko ng wala akong makitang towel o kahit anong damit doon.

Saka ko lang naalala na wala pala akong dala kanina ng pumasok ako dito sa loob para mag shower. Kinakabahan akong napahawak sa aking dibdib habang napasandal sa likod ng pintuan.

'What am I going to do now.' I muttered under my breath.

Halos mapasigaw naman ako ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan at alam na alam kung si Sea lang 'yon.

Huminga ako ng malalim at hinanda muna ang aking sarili bago naisipan buksan ang pintuan habang hubo't hubad parin ako at basang-basa pa.

Nang bumukas na ang pinto ay andoon na si Sea na may dalang towel habang iniaabot ito sa akin. "I think you forgot this?" Sabi nito.

Pilit naman akong ngumiti at kinuha sa kanya ang towel. "Ahh yeah I totally forgot it... thanks."

At dahil tapos narin naman akong naligo ay binalot ko na kaagad sa katawan ko ang tuwalya dahil nilalamig narin ako dulot sa aircon sa loob ng kwarto ni Sea.

At tsaka baka hindi ko na mapigilan ang pamumula ng aking pisngi dulot sa mga titig ni Sea na ibinibigay sa akin lalo na sa aking katawan.

Kung hindi lang baby sister ang turing niya sa akin, iisipin kung pinagnanasahan niya ako dahil sa paglunok at pagtitig niya sa akin ng mariin.

Nagpasya narin akong lumabas ng bathroom at lalampasan na sana si Sea pero napasinghap ako ng pinigilan niya ako at mariin itinulak sa dingding.

Kinakabahan naman akong napatitig sa kanya habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang aking tuwalya at nagpakawala ng sunod-sunod na paglunok.

"Never ever do to anyone else like what you did earlier." Her voice is so stern and so her eyes while looking at me. "You understand me Landielle Violet?"

Wala sa sariling napatango ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig na ibinibigay niya sa akin at tinawag na niya ako sa aking buong pangalan. Which means she's really serious.

Tumango naman siya at napangiti rin kalaunan. Bipolar talaga.

"Okay, good. Now get dressed... don't want you to catch a cold."

Nang binitawan na niya ako ay doon lang ako nagpakawala ng hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nagsimula narin akong naglakad papunta sa walk-in closet niya upang magbihis.

Pagkatapos kung magbihis ay nag-blower muna ako sa aking buhok habang si Sea naman ay kanina pa nasa loob ng bathroom.

Kakatapos ko lang sa pagbo-blower ng lumabas si Sea na nakatapis lang ng towel, hindi ko maiwasan mapalunok ng maraming beses dahil sa hinaba ng panahon ngayon ko na lang ulit siyang nakita nakatapis lang ng towel at walang kahit anong suot sa ilalim nun.

Nagsimula narin uminit ang katawan ko, pero bago paman ako makain ng apoy ay umiwas na ako ng tingin at nagmamadaling sumampa sa kama ni Sea at nagtalukbong.

Nagiging manyak na ata ako. Naughty thoughts and images of her are keep on running on my mind.

Ilang sandali na ang lumipas pero hindi parin ako dinadalaw ng antok, bagkus ay nasa isip ko parin ang katawan ni Sea.

Nararamdaman ko narin ang pawis sa aking noo, ramdam ko ang init kahit de aircon naman ang kwarto.

And I know by that, that I was turned on and I don't know how to kill this fire.

Land and Sea (GxG) 💍Where stories live. Discover now