Kabanata 2

224 45 8
                                    

Expect typos and error. Sorry agad lol.

Samantha pov
-

Tatlong araw nalang at magsisimula na ang klase. Unti onti nang dumarami ang mga estudyante sa dorm.

Napag desisyonan ko na munang lumabas dahil maaga pa naman. 9:00 p.m ang curfew at may 30 minutes pa ako para mag pahangin sa labas.

Maliwanag dito sa labas ng dorm, maraming ilaw subalit sa kabilang bahagi ng gusali ay tila ba hangganan dahil sa dilim nito.

Sabagay, maraming puno at dumagdag ito sa dilim ng lugar.

Patuloy akong naglalakad lakad habang pinagmamasdan ang paligid.
Maganda ang McQueen.
Better than my previous school.
Napakatahimik dito pag gabi, kabaliktaran sa araw.

"15 minutes nalang. Kailangan na nating bumalik sa dorm."


Dinig ko mula sa dalawang babaeng nag-uusap na napadaan sa gawi ko.

Nagmamadali sila at para bang nababahala. Ganun ba talaga ka higpit ang curfew dito?

Psh.

Well, mukhang kailangan ko na ring bumalik.

"Samantha..."

Napalingon ako ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko.

Akala ko ay guni guni ko lang yun kaya nagpatuloy na ako sa paglakad.

"Samantha..."


Sa pangalawang beses ay di na ako maaring mag kamali.

"Sino ka?"

Nagpalingon lingon ako sa paligid, nag babakasakaling makita ko ang pinagmulan ng boses.

D*mn! Who the hell are you?!

Nakarinig ako ng kaluskos sa isang puno malapit sa dorm. Lumapit ako sa pagbabakasaling makita kung sino man yun.

Kung pinaglalaruan nya ako ay gusto ko syang hamunin.

Nang makalapit ako ay wala akong nakitang tao.

Muli akong nakarinig ng kaluskos sa unahang bahagi.

Nakita kong may aninong nagtago sa dakong iyon at nang palapit na ako ay sunod sunod na kaluskos ang narinig ko.

Hindi ko ito maaninag dahil sa dilim. Tanging liwanag lamang na tumatagos sa mga puno na nagmumula sa buwan.

Bahala na.

Alam kung hindi ko kabisado ang lugar para gawin to. Hahabulin ko sya. Baka pinag titripan ako dahil isa akong baguhan dito. Pwes! Ngayon palang gusto ko ng sabihin sa kanya na hindi ako natatakot.

Yeah. Heard a lot about McQueen including those bullies.

Patuloy kong sinundan ang pinagmumulan ng kaluskos ng mga dahon hanggang sa mapag tanto ko na nakakalayo na ako sa dorm.

-

"Aray!"

Natisod ako sa batong nakaharang sa dinaraanan ko.

Ginamit ko ang phone ko para tignan kung gaano kalaki ang natamo kong sugat sa kamay ng gawin ko itong pang suporta sa pagbagsak.

Oh well, buti naman at di malala.

"D*mn!"

Napamura ako ng mapansin ang oras sa hawak kong cellphone. 9:25 p.m.

Paanong nangyaring ganun kabilis lumipas ang oras?

"Samantha..."


Nagpalinga linga ako sa paligid.

Tanging mga puno lamang. Muli akong napamura dahil hindi ko na alam ang daan pabalik.

Masyado ng madilim.

D*mn!

Wala akong choice! Hindi ako pwedeng manatili dito at hintayin na lamang sumikat ang araw.

Si Ciara.
Kailangan nyang malaman na nandito ako.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng jacket ko. I was about to dial her number pero walang signal sa lugar.

Wtf.

Hindi ko mapigilang yakapin ang sarili ko sa lamig. This place... it's weird.

Nagsimula na akong kabahan dahil sa ingay ng mga ibon. Lumalakas ang hangin.

Umatras ako ng pa unti- onti.

Feeling ko may nagmamasid sakin hanggang sa nagulat nalang ako ng may biglang nagtakip ng bibig ko.

I knew it was a man.
D*mn he was so strong. Nagpumiglas ako pero para lang akong batang kinidnap.

"B*tch! Stop? Or I will kill you?!"



B*tch?! Siraulo pala to eh!

Nagtago kami sa isang malaking puno. Or should I say..dinala nya ako don at saka nya ako binitawan.

I was about to face him ng makarinig ako slash kami ng ingay, dahil malamang hindi naman to bingi para di nya marinig yun.

"It's nice to see you again, Lucas."
Wtf? Seriously? Dito pa talaga sa lugar na to sila nag usap?


"Hindi ka na dapat bumalik pa rito, Leo."



Isang halakhak na nagmumula sa isang lalaki ang nag paingay sa lugar.

Wth.

Never pa akong natakot sa mga gantong boses sa horror movies but this is d*mn different.

"You don't want to die yet, do you?"



Muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako.

Humarap ako sa kanya ng mag salita sya. Son of a creepy monster.

This is too close, about 3 inch? Or 2?

He was wearing all black. Hoodie jacket , jeans,and a mask. Aaahh his scent.

Ang bango nyaaaa!

His eyes.. I've seen them before, I just don't know where, when, and whom.

I was stupefied. Hindi ko magawang magsalita lalo na ng makarinig ako ng kakaibang alulong ng aso.

Actually, hindi ako sigurado kung aso nga ba. One thing I know is for sure, delikado sila.

Muli akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko, pero bago pa ako makapag salita bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko hanggang sa nandilim ang paningin ko.

-----End of the chapter-----
Please don't forget to vote and comment♡

McQueen UniversityOnde histórias criam vida. Descubra agora