But did he really wait? Celine told me about what he did while I was gone. Pero sapat na ba iyon? Ang sabi niya ay maghihintay siya. Ang sabi niya, kahit kailan at kahit anong mangyari ay nandito lang siya pag balik ko. Pero nanggaling na mismo kay Celine na tumigil siya at tila sumuko.

Nag-iinit na ang mga mata ko kaya nagpasya na akong balingan si Celine at mag-aya nang umalis.

Vans bid goodbye to Celine's family and I even heard him promising Tito Enrico that he would bring Celine in her condo safely. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay umalis na kami.

I did not dare look back where Conrad was standing and watching us leave. A lot has happened today. I know that I don't have the right to feel angry and hurt but I cannot help it. Masakit pala at hindi ko pala kayang tanggapin na ganoon na lang magtatapos ang lahat. I wasn't even able to explain myself.

Tumabi sa akin si Celine sa likod ng sasakyan. Hindi naman nagreklamo si Vans na nagmistulang driver namin.

Celine was talking to me the whole time about what we need to do for the upcoming wedding. Apparently, I should be with her during the final plannings of her wedding. Hindi ko akalain na marami pa palang mga kailangan. And since I am the maid of honor, I should be the one with her.

"May pag-uusapan pa tayo pero next time na lang," ani Celine nang makitang papasok na kami sa loob ng aming subdivision.

I agreed to her. It's late already and I still have work tomorrow. Kung hindi lang ako maaga bukas ay pwede ko pa siyang imbitahan sa loob ng bahay at doon kami magkwentuhan.

"Oh, and Elaine, we'll have a short vacation before the wedding," balita niya sa akin. "Magbe-beach tayo!"

Si Vans ay pasulyap sulyap lamang sa amin. Celine instructed her where to go before we entered the village. Napansin kong medyo nalilito na siya sa daan.

"Diyan lang Vans. Black gate," usad ko habang nakikinig sa sinasabi ni Celine. "Kailan 'yan?" baling ko sa kaniya.

Vans stopped the car outside our gate. Hindi pa kami lumalabas at lumingon na lang muna siya sa amin.

"Next week. Friday night ang alis natin and then we'll spend the weekends there," aniya.

Ngumuso ako at nag-isip. "I'm not sure. Bago pa lang ako sa trabaho at hindi ko pa alam kung anong sasalubong sa akin doon," alinlangan ko.

Sumimangot si Celine. "Sigurado wala pa 'yan, Elaine. Bago ka pa nga lang 'di ba? Imposible namang tambak agad ang gagawin mo," giit niya.

Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya. "During the interview, nasabi sa akin na kailangang kailangan nila ng bagong editorial assistant. That only means that they badly need me for the job and that I have a lot of work waiting for me," paliwanag ko sa kaniya.

Ayoko sanang tumanggi. Hindi ko naman iyon ginagawa. Ang sinasabi ko lang ay hindi pa ako sigurado.

Kahit na malungkot ay tumango na rin si Celine. Nangako na lang ako na gagawin ang lahat upang makasama ako.

Si Vans ang nagbukas ng pinto para sa amin. I thanked the both of them.

"Vans, take care of her," I told Vans. "Sundin niyo 'yong sinabi ni tito," I teased and Celine's face immediately turned red.

Humagikgik ako dahil sobrang apektado siya sa pang-aasar ko. Kahit na si Vans ay napansin kong medyo nabalisa roon.

What's up, huh? Para namang guilty silang dalawa.

"Hay naku! Ang dami mong sinasabi, Elaine. Pumasok ka na at good luck sa trabaho mo bukas," aniyang hindi na pinatulan ang pang-aasar ko.

Vans laughed at Celine's reaction but then he stopped when my best friend glared at him.

Could Have Been Better (Crush Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن