Confrontation

Magsimula sa umpisa
                                    

“I’m sorry, Ramcel. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Nabigla ako sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano ka haharapin,” paliwanag nito sa wakas. “I should have talked to you first. I’m sorry kung mas nakinig ako sa sabi-sabi ng iba kesa tanungin ka.”

“Problema ba ang pagiging lesbian ko?”

“I got scared, Ram. Inaamin ko, nailang ako sa nalaman ko. I wasn’t comfortable about it. May nakarinig sayo about how you feel about me. That you’ve been fantasizing about me. Someone heard you saying improper throughts about me…”

“Ano?! Wait…stop right there, Vi.” Pigil ni Ramcel sa kaibigan. “Improper thoughts? I’m fantasizing over you? Anong pinagsasabi mo?” Victoria didn’t answer. She started crying instead. Pinagmasdan ito ni Ramcel at naalala nya kung paano sya tignan nito noong huling beses syang pumasok sa kwarto nito. Kung paano ito biglang nagtakip ng hubad nitong katawan. Kung paano sya nito ipinagtabuyan. Ramcel finally understood. “May nagsabi sayo? And you believed it!?” She tried to refrain herself from shouting at Vi, who kept crying. “Pakiramdam mo pinagsamantalahan kita? Is that how you feel? That I took advantage of you?!”

“I’m sorry, Ram.” Lalo pang humagulgol si Victoria.

Ramcel was so disappointed and hurt. How could Victoria believed such hearsay? “Naniwala kang pinag-iisipan kita ng ganun? Sobra-sobra ang respeto ko sayo, Vi. Magkaibigan tayo ng ilang taon. Paano mo nagawang maniwala sa ibang tao?” Gusto nyang sigawan ito sa galit pero nagpigil sya. “Mahal kita, Vi, pero ni minsan hindi ko naisip na pagsamantalahan ka. Kontento na akong mahalin ka ng palihim. I could have taken my love for you to the grave. Kasi mas mahalaga sakin ang friendship natin. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. I value your friendship so much. Nakakalungkot na kaya mong itapon ang pinagsamahan natin ng ganun lang. Mas pinaniwalaan mo ang sinasabi ng mga bago mong kaibigan kesa sakin. Nagkamali ako ng inakala na bestfriend kita at mahalaga ako sayo.” 

Tumayo na si Ramcel. Ayaw na nyang ipagpatuloy pa ang pag-uusap nila. Nasabi na nya ang dapat nyang sabihin. Itinapon na ni Victoria ang lahat nang pagdudahan nito ang intensyon nya. Napatitig sa kanya si Victoria. Nakita nya ang pagsisisi sa mga mata nito. May bahid din nang takot sa mukha nito. Kahit gustong lapitan ito ni Ramcel at yakapin para tumahan na ito sa pag-iyak, hindi nya ginawa. Iniwan nya ito. Dahil sa ngayon, galit ang namamayani sa puso nya.

Antok na antok kinabukasan si Ramcel dahil hindi sya nakatulog kagabi. Wala syang na-absorb na kahit ano sa mga diniscuss ng teacher nila. Buti na lang nagpatawag ng practice si Ms. Rivera kaya kahit papano ay nagising ang diwa ni Ramcel. Hindi sila nagpapansinan ni Victoria, pero alam nyang pareho silang kulang sa tulog. Nasita kasi ng Math teacher nila si Vi, na nakatulog habang nagso-solve ng math problem during their seat work.

Mas naging mahigpit si Ms. Rivera during their practice. Perfectionist kasi ito at kahit konting pagkakamali lang ay napapansin nito. Sabi ni Samantha, pressured ito sa Principal nila. Napapaisip tuloy si Ramcel kung sino ang importanteng bisita na manonood ng play nila. Bago matapos ang araw, nasatisfy nila si Ms. Rivera. Mas mapapadalas na ang practice nila habang papalapit nang papalapit ang araw ng pagtatanghal nila.

Kusa nang pumipikit ang mga mata ni Ramcel pagkatapos ng practice. Pagod na pagod sya at antok na antok pa. Ginamit nya ang play para madistract sya kay Victoria. Para hindi nya ito maisip. Ngunit bumigat muli ang pakiramdam nya pagkatapos ng practice, bukod sa naubos ang lakas nya sa practice lalo syang na-drain nang maisip na naman si Vi.

Kung pwede nga lang na lumayo muna sa lugar na nakakapagpaalala kay Vi, ginawa na nya. Gusto nyang takasan ang lahat. Gusto nyang layuan muna ang bagay na nakakasakit sa kanya. Pero saan sya pupunta?

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon