Chapter 10

2 0 0
                                    

Akala niya ay agad siya ihahatid ng binata sa kanila. Pero isinama muna siya nito sa isang lugar. Ito daw ang madalas niyang puntahan kapag masaya siya o di kaya ay malungkot. Ang lugar ang nasa mataas na bahagi. Pagkababa nila sa sasakyan ay iginiya siya ng binata paupo sa hood ng sasakyan nito. Agad na bumungad sa kanya ang mga ilaw galing sa mga gusali sa ibaba ng lugar na kinaroroonan nila.

"Ang ganda..." Nabibughaning sambit niya habang nakatingin sa malakalawakang tanawin sa ibaba.

"Yeah... So beautiful..." Narinig niyang sabi nito at nang binalingan niya ito ay sa kanya ito nakatutok. Ang tingin na katulad ng kaninang binigay nito sa kanya. Naramdaman niya agad ang init na nanunulay sa buong katawan niya hindi lang sa mukha.

Napakalaki ng epekto ng binata sa kanya. Uri ng epektong kapag pinagpatuloy niya at madarang ay hindi na siya basta-basta makakaahon.

Lumapit ito sa kanya at pinakatitigan siya. Ang mga mata nito ay may sinasabi sa kanya at parang naiintindihan iyon ng kanyang puso. Hinawakan nito ang magkabilang mga kamay niya at masuyong kinintalan ng halik ang bawat isa habang ang mga mata nito'y nakatitig sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung sa antisipasyon o kaba. O baka pareho.

"Aya.. The first time I laid my eyes on you, you caught something inside me. I maybe rude to you on our first day. But hell, I can't believe that my heart is saying the opposite. You've made a big impact in my being. I can't get you out of my mind. The next days I spent it searching the whole campus just to see you.. I maybe crazy, yeah? But damn! Who cares? I want to know more of you. I want to get close to you. And God answered my prayers. I bumped into you again and I took that opportunity and stay beside you even if it means I pissed you off sometimes." Natawa siya sa sinabi nito. Pero ang hindi niya alam ay nag-uunahan ng pumatak ang mga luha niya. "I love you Amaya. I didn't know I could love a woman like this big. I want you to know that this love is forever. I want to keep you forever baby. So please. Let me take care of you. Let me be your man. Please...?" Umiiyak na siya ng sobra. Hindi niya alam ang gagawin. Mahal na mahal niya si Achilles. Pero iniisip niya ang ina nito. Baka magalit na naman ang ginang sa kanya.

"Pero Achilles... Ang mama mo..." Agad pinutol ng binata ang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik. Mabilis na halik lang iyon pero umabot iyon sa pinakasulok ng kanyang puso.

"Huwag mong isipin ang sasabihin ni mama. Malaki na ako. May sarili na akong isip at kaya ko nang magdesisyon ng mag-isa. Ako ang bahala kay mama. Magtiwala ka lang sa'kin." May pagsusumamo sa boses nito. Tama ba ang gagawin niya? Okey lang bang isugal niya ang kanyang puso? Worth it ba ito sa dulo? Pero paano mo malalaman ang kahihinatnan kung di ka susugal? Saka lang naman natin malalaman ang kasagutan kung tama o mali ang desisyon kung nasa kalagitnaan na tayo.

Agad niyang tinawid ang natitirang espasyo sa pagitan nila at mariin niya itong hinalikan sa mga labi. Mabilis naman siyang nahapit sa bewang ng binata at pinalalim nito ang halik niya. Nangunyapit siya dito at sinagot ang maaalab na halik ng binata. Naramdaman niya ang kamay ng binata na umangat sa gilid ng kanyang dibdib. Idiniin siya nito sa sasakyan at naramdaman niya ang 'bagay' na iyon naa nabuhay sa pagitan ng mga hita nito. Napaungol siya dahil sa sensasyong hatid ng bagay na iyon sa katawan niya. Naramdaman niyang namasa ang pagitan ng kanyang mga hita at parang kumibot pa iyon. Ngayon niya lang naramdaman iyon. Wala siyang karanasan sa bagay na iyon pero nagugustuhan niya.

Mabilis naman siyang niyakap ng lalaki. Alam niyang malapit ng mapigtas ang kontrol nito sa kanya. Mabuti nalang at ito ang unang bumitaw. Baka kung nagtagal pa sila ay baka pareho silang nakalimot. Baka dito pa silang dalawa magkalat. Nahihiya siya at naisubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata.

"I want to take you so bad baby. But I want our first to be memorable and I want to be gentle on you. You don't know how hard for me to control it." Sabay kuha sa isa niyang kamay at ipinahawak nito sa kanya ang umbok na nasa pagitan ng mga hita nito. Napamulagat siya dito. Hindi niya akalain na ganito kalakas ang epekto niya sa binata. Agad niyang itinaas ang mga mata dito. Nakita niya sa mga mata nito ang naghalo-halong emosyon. Paghanga, respeto, at pagmamahal.

"Let's get you home. Baka di ko na talaga makontrol ang sarili ko." Sabay bigay ng mabilis na halik sa kanyang mga labi. "Baby, let me remind you. That the moment you kissed me earlier, is the same moment I have a claim on you. You are mine now. Ok?" Pagkaklaro nito sa pagitan nilang dalawa.

Napatawa siya sa turan nito. "Opo... Ano bang iniisip mo sa halik na yun? Goodnight kiss?" May panunudyo ang kanyang turan dito. Ngayon lang siya sumaya ng ganito. Akala niya ay mapupurnada na ang unang pag-ibig niya. Mabuti nalang at sumuway at sumalungat muna siya sa gusto ng nanay nito.

Ngayon lang po ako sumaya ng sobra. Please Lord, pagbigyan Niyo na po muna. Dalangin niya sa maykapal.

"That's good then! I love you baby.." Sabay halik ulit sa kanya.

"I love you too Achilles... Forever..." May ngiting sabi niya dito at siya naman ang dumukwang at mabilis na hinalikan ang binata sa mga labi.

"Wow! That's a first! Mukhang hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi." Nakangising saad ng binata sa kanya. Siya din naman. Hindi malabong makatulog din siya ngayong gabi. Mabuti nalang at siyang pasok bukas.

"Tara na. Uwi na tayo.... Baby..." Halos pabulong niyang sambit dito pero alam niyang narinig nito iyon dahil kumikislap ang mga mata nito nang bumaling ito sa kanya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at tinahak nila ang daan pauwi sa lugar nila. Habang binabaybay nila ang daan pauwi sa kanila ay nagkukwentuhan naman sila. Marami siyang nalaman dito. Mahilig pala itong magtravel. Nangako pa itong dadalhin siya nito sa susunod nitong pupuntahan at itataon na sembreak para matagal ang magiging bakasyon nila. Ayaw niya naman noong una pero nagpumilit ito kaya pumayag na rin siya. Matagal-tagal pa naman yun dahil halos nasa kalagitnaan palang ng pasukan.

Pagkatapat niya sa kanilang eskinita at inawat na niya ang binata at sinabing siya nalang ang maglalakad papasok. Natatakot siya para dito dahil hindi naman lahat dito sa kanila ay mga basagulero pero agaw-pansin pa rin ito kahit gabi na. Lalo na at mag-isa lang itong babalik sa kotse nito mamaya. At isa pa, baka makarne ang kotse nito kung basta nalang ipaparada sa gilid.

"Ako nalang ang uuwing mag-isa. Maraming tambay dyan sa looban baka mapahamak ka pa. Isa pa baka nakawin itong sasakyan mo." Pagpapaliwanag naman niya dito ngunit nanatiling nakatitig ito sa kanya.

"No. I won't let you. Babae ka at mag-isa ka lang ng maglalakad pauwi. Ayokong ikaw naman ang mapahamak. Hinawakan siya nito sa mga kamay at hindi hinihiwalay ang tingin nito sa kanya.

"Ayoko rin namang ikaw nalang ang lumabas na mag-isa dito. Oo kilala ko ang mga tao dito at mababait silang lahat pero may mga dumadayo dito para sa mga kahayupan nila. Kaya ayoko din. Ok? So ako nalang." Matamis siyang ngumiti dito pero parang hindi tumalab ata sa binata.

"Ok. Let's deal with this. I'm coming with you. No more buts." Pinal na sabi nito sa kanya at nauna ng lumabas sa kanya. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto at inalalayan siyang lumabas. Pagkalabas niya ay hinawakan siya nito sa kanang kamay at inilabas naman ang cellphone nito sa kabila at may tinawagan.

"Hello Jun. Pwede mo bang kunin ang sasakyan ko dito?" Ibinigay ng binata ang lokasyon nila at pagkatapos ay pinatay ang tawag. Bumaling naman ito sa kanya.

"Problem solved!" Proud pang sabi nito. Ano bang ginagawa nito? Nagtataka ang kanyang mga matang nakatitig dito. Agad namang sinagot ng binata ang katanungan ng isip niya.

"I will be sleeping in your house." Lumaki ng bahagya ang kanyang mga mata sa sinabi ng binata.

Story Of My LifeWhere stories live. Discover now