Chapter 3: Central Academy

90 5 0
                                    

Chapter 3: Central Academy

Aurora

Bumungad sa amin ni Isla ang malamig na hangin ng Hilagang Kaharian at ang halos puting puti nitong kapaligiran.

The Northern Kingdom is known for its climate. Mahaba ang panahon ng taglamig dito. Its environment is almost all white for half of the year. Ibang iba sa halos kalahating taong tag-init sa Eastern Kingdom.

Pagkababa namin ng barko na naghatid sa amin papunta sa Florence, bumungad sa amin ang sasakyang maghahatid sa amin sa paaralan. Lulan na nito ang iba pang Easterner na nakapasa sa examination katulad namin ni Isla.

Mula sa daan daang labing-pitong taong gulang na mga nephilims na kumuha ng entrance exam para sa Central Academy ay halos wala pa sa dalawampu ang nandito.

Mabilis ang aming naging biyahe papunta sa lokasyon ng Central Academy sa isla ng Florence. Nadaanan namin ang downtown nito saka namin tinahak ang kabundukan kung saan nakatayo ang paaralan.

There is a cemented road on the way to the academy surrounded by hundreds of pine trees. Sapat na ang dalawang sasakyan upang makaraan.

Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kami ng isang lalaking nagpakilalang staff ng academy. He was wearing a black suit under a black coat.

Ipinaiwan din niya sa amin ang aming mga dalang gamit dahil ihahatid na lamang daw ng iba pang staff ang mga 'yon sa aming dorm. Binanggit din niyang siya rin ang maghahatid para sa aming orientation na magaganap ngayong araw bago magsimula ang klase kinabukasan.

Actually it was hard for me to focus on him. Masyadong marangya ang paaralan kahit nasa tarangkahan palang kami nito. The gate of the academy was looming over us.

Inilibot ko ang paningin ko matapos nilang magsalita. Una kong napansin ang crest ng paaralan nang pinagmasdan ko ang napakataas na tarangkahan nito.

Pagkabukas ng tarangkahang nakakabit sa malahiganteng mga pader na nagiging division ng academy mula sa mga naglalakihang puno ng kabundukan na nakapaligid dito ay bumulaga sa amin ang isang napakalawak at napakahabang driveway.

Mula sa kinatatayuan namin ay makikita na ang isang napakalaking gusali. Sa tayog nito ay halos natatakpan na nito ang maaliwalas na kalangitan. Ang gusali ay parang isang palasyo sa gitna ng kawalan. Nakakamangha.

Mula rito sa tarangkahan ng paaralan ay naglakad kami papuntang main building ng academy. Ang main building daw ang nagsisilbing main entrance ng academy.

Napapalibutan ng iba't ibang halaman, puno, fountain, statues, at iba pang dekorasyon ang dinadaanan namin. Napakagarbo. Driveway pa lang ito.

Nakangangang naglalakad si Isla habang ang iba naman ay halos lumuwa ang mga mata sa mga nakikita. Kahit ako'y namamangha sa napakarangyang architectural design ng paaralang ito. Nagmukha itong isang kastilyo sa kabundukang nasasakupan ng Florence. It stood in the middle of the almost deserted island like a sore thumb.

Dahil sa pagkamangha ay hindi ko naramdaman ang haba ng aming nilakad. Ilang minuto lang ay mabilis na kaming iginigiya ng staff paakyat sa malawak at may katamtamang taas na hagdanan papasok sa main building ng Central Academy. Sa tuktok naman nito ay bumulaga sa amin ang kulay kahoy at higanteng double doors ng paaralan.

Pagkabukas ng malahiganteng pintuan ay bumungad sa amin ang napakaliwanag na hallway na napapalamutian ng naglalakihang chandelier kada metro at kulay pulang carpet. Ang mga pader din nito ay nasasabitan ng mga naglalakihang picture frames ng mga nephilims na may importanteng katayuan sa paaralan at sa buong Argus.

I pat my forest green winter coat. Kahit papa'no, nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Thank the heavens that it was also warm inside the building.

Nagsimula na kaming maglakad sa malawak na hallway. Matapos ang ilang minutong paglalakad narating din namin ang silid kung saan magaganap ang orientation para sa mga bagong mag-aaral ng Central Academy. Mabilis kaming iginiya ng staff papasok dito.

Argus: Angels and CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon