"My name is Rayanne Michelle Villarances. You already know me," medyo masungit na sabi ni Ramcel nang pumunta sya sa harapan ng klase para magpakilala sila isa-isa kahit iisang mga mukha lang ang nakikita nya. She always dreaded the "introduce yourself" part. Uupo na sana sya nang tanungin sya ng adviser nila kung anong hobby nya. "I love reading comics and books," sagot nya.

"What's your favorite book?" Tanong ulit ni Ms. Tolentino, na sya ring English teacher nila.

"A Little Princess," sagot nya. "Because I can relate to Sara. Like me, she loves reading. I love going places even if it's only in my imagination," dugtong ni Ramcel dahil alam nyang yun ang sunod na tanong sa kanya.

"Very good," napangiting sabi ng teacher. "You may take you seat."

Sinikap nyang huwag ngumiti dahil bakas sa mukha ni Victoria ang paghanga sa kanya. Nakatitig ito sa kanya at kulang na lang pumalakpak ito. Inulan din ito ng tanong ng teacher nila at ng mga kaklase nang si Victoria naman ang nagpakilala sa harap. Kulang na lang pasukin ng langaw ang bibig ng mga boys dahil napanganga ang mga ito sa kagandahan ni Victoria.

Madaling nakapag-adjust si Victoria sa school dahil mabait ito at friendly. At kagaya nang inasahan ni Ramcel, si Victoria nga ang naging Muse ng klase nila nang magbotohan ng class officers. Such a waste. With her intelligence, Victoria could have been the President. Laking inis naman ni Ramcel nang sya ang i-nominate ng mga itong class Vice President. Mas gusto sana nyang Health Officer na lang para wala syang gagawin. O kaya Peace Officer para may excuse syang sigawan ang mga magugulo nyang kaklase.

"Anong gagawin ko? Tagadasal na mamatay yung president?" Reklamo ni Ramcel habang kumakain silang tatlo nina Jenny during recess. "Palit tayo." At itinulak ang baon nyang corned beef at kanin sa gawi ni Jenny, na willing ibigay sa kanya ang baon nitong spaghetti. "Parang masarap yan," baling nya kay Victoria, na kumakain ng ensaymada na maraming cheese sa ibabaw.

"G-Gusto mo?" Parang nahihiyang offer ni Victoria.

"Syempre gusto nya yan. Cheese monster to eh." Si Jenny ang sumagot.

"Baka kasi hindi masarap. Ako kasi ang nagbake nito kagabi. Nagpaturo ako kay Ate Gemma."

"I'm sure, masarap yan," sabi ni Ramcel at hindi na nakapaghintay na kumuha ng isang ensaymada sa baunan ni Victoria. Nakakatakam kasi ang dami ng cheese sa ibabaw. Hindi nakapagsalita si Ramcel sa unang kagat pa lang. Napatitig sya kay Victoria, na noo'y naghihintay ng reaction nya. "A-Ang sarap." Saka nya inubos ang ensaymada sa isang iglap.

"Patikim din ako," nainggit na sabi ni Jenny at kumuha rin ng isa. "Vi, ang sarap!"

"Sayo na lang to." Ibinigay ni Ramcel ang kinakaing spaghetti kay Vi saka inangkin ang natitira pang tatlong ensaymada. Natatawa lang syang pinagmasdan ni Victoria habang kumakain.

"Basta may cheese, gusto ni Ramcel. Kaya nyang ubusin ang isang buong Eden cheese sa isang upuan lang. Kaya madalas na itinatago ni Tita Jo ang mga keso nila sa bahay," kwento ni Jenny.

Mula noon, madalas nang magbake si Victoria para kina Ramcel at Jenny. They were also inseparable until they reached Grade 5. Kahit prefer ni Victoria ang magpang-umagang klase, mas pinili nitong makasama sina Ramcel kaya panghapon na rin ito. Syempre, magkaklase pa rin silang tatlo. Kapag may activity sa classroom, sila lagi ang magkaka-grupo. Kinaiinggitan ng lahat ang samahan nilang tatlo. Sabay silang pumapasok at sabay-sabay din silang umuuwi.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon