Chapter 10

4.5K 151 8
                                    


NANG nagdaang gabi lang sila naging opisyal na mag-boyfriend-girlfriend pero pakiramdam ni Bianca ay parang napakatagal na ng pinagsamahan nila ni Radd. Ayaw pa sana niyang humiwalay rito pero madaling-araw na at kailangan na niyang pumasok sa bahay dahil curfew na niya. But before he let her go out of his car, he kissed her once again, a kiss that could make every nerve in her body tremble.

Halos hindi siya nakatulog. Yet, she woke up early and with an unerasable smile on her face. She couldn't remember waking up in the morning as happy as that. Ganoon pala ang feeling ng may boyfriend. Ganoon din pala ang feeling ng totoong in love.

Ipagbe-bake niya si Radd ng chocolate cake gaya ng request nito kaya dumiretso siya sa pad nito pagkagaling sa flower shop. Nagdala pa siya ng fresh flowers para ilagay sa empty flower vase ni Radd. She found him still asleep. Nasa kanya pa rin ang duplicate key ng pad nito kaya iyon ang ginamit niya sa pagpasok doon nang hindi nito namamalayan.

Pagkatapos mag-bake ay nagpunta siya sa kuwarto nito. Pinagmasdan niya at tinabihan ito sa kama. He hugged her as soon as he woke up. Nanatili sila nang ilang minuto sa ganoong posisyon bago nila naisipang kumain. They ate breakfast together, watched TV together while hugging each other on his couch and shared a few kisses.

She was so happy.

"Hmm... sarap," sabi ni Bianca nang kinakain na nila ang b-in-ake niyang chocolate frosting sa pamamagitan ng pag-dip ng hintuturo niya sa bowl ng tinimplahang frosting para sa topping ng cake.

Tumaas ang kilay ni Radd. Kinuha nito ang kamay niya. He dipped her finger in the frosting and to her amazement brought it to his mouth and sucked it. That was erotic. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Nakaramdam siya ng déjà vu. Ginawa na rin nito iyon. But he just nipped her finger then, while he sucked it boldly now.

"Ang sarap nga," he said, smiling lopsidedly, his eyes teasing.

She creased her nose. Inihagod uli niya sa frosting ang kanyang hintuturo at ipinahid iyon sa magkabilang pisngi at ilong nito. She laughed at his face. Gumanti ito. Hanggang sa maghabulan na sila sa kusina at maglagayan ng chocolate frosting sa mukha. They laughed at each other's face afterwards.

Nang biglang may nag-doorbell. Nagkatinginan sila at kapwa nahinto sa pagtawa. May dumating na bisita. Radd moved swiftly towards the door. Sumilip ito sa peephole.

"Si Bernard!"


"PARE, ano'ng nangyari sa iyo?"

Narinig ni Bianca ang tanong na iyon kay Radd ng Kuya Bernard niya. Nasa kusina siya at sinabihan ni Radd na huwag lalabas. Wala pang alam ang kuya niya tungkol sa bago pa lang nilang relasyon kaya hindi makakabuting makita siya nito sa pad ni Radd.

"Ah... mud pack?" sagot ni Radd na sinundan pa ng tawa.

Natawa rin si Bianca pero agad tinakpan ang bibig. Ipinagpatuloy niya ang maingat na paglalagay ng natirang chocolate frosting sa ibabaw ng cake na kanina pa na-bake.

"Pambabae lang iyan, ah!"

"Pare, this is the mud pack for men. Ba't nga pala naligaw ka?"

"Napadaan lang ako. Gusto ko lang na personal na magpasalamat sa pagtupad mo sa pabor na hiningi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo pero kaninang umaga, my sister is so happy. Ang akala ko, dahil kay Raf kaya kinompronta ko siya na tigilan na ang pakikipagkita sa lalaking iyon. Sukat ba namang sabihin na wala na raw siyang gusto kay Raf. Ang akala ko nga, nanloloko lang para hindi ko na awayin. Pero nangako siyang hindi siya nagsisinungaling. My sister might be the most spoiled brat in the world but she's not a liar. And I trust her.

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now