Chapter 5

4.1K 144 5
                                    


"BET?" NAKAKUNOT ang noong ulit ni Radd sa sinabi ni Bianca. "What do you mean?"

"I mean, magpustahan tayo kung magugustuhan din ako ni Raf," paliwanag niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito at nawala ang pagkaaliw sa mga mata. Then he snorted uninterestedly. "Wala akong panahong magsayang ng oras."

"Talaga bang minamaliit mo ako? Puwes, ipapakita ko sa iyo na puwede akong magustuhan ni Raf. Na kaya lang niya ako hindi napapansin noon ay dahil kay Sophie. Pero ngayong single na uli siya, ako ang susunod na magiging girlfriend niya. Hindi ako naghintay nang ganito katagal para sirain lang ng isang katulad mo ang faith and determination ko. He's gonna fall hopelessly in love with me. Makikita mo!" Inirapan pa niya ito bago ibinalik ang tingin sa chords book.

"Trust me, Raf won't even look at you."

Parang nagpanting ang magkabilang tainga niya sa sinabi nito. Napasinghap siya. Sobra na ito sa pangmamaliit sa kanya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo siya at inihampas dito ang gitara pero nasalag naman nito iyon ng braso pero bahagya ring nasaktan. Inagaw kaagad nito mula sa kanya ang gitara.

"That's an addition. Childish but violent. Ang sakit n'on, ah." Dinama nito ang ipinansalag na braso. Pagkatapos ay tinawanan siya, siguro ay nakita ang galit sa mukha niya.

"I hate you!"

"Tell me something I don't know."

"How dare you say Raf won't even look at me!" Nanggagalaiti na siya sa galit.

"Hinding-hindi ka niya magugustuhan. Kung sa akin nga, wala kang epekto, sa kanya pa kaya?"

"Excuse me?" Lalong umigting ang galit ni Bianca. Sinasabi ba ni Radd na pangit siya? Parang gusto niyang ulitin ang paghampas dito kung hawak lang sana niya ang gitara. Hindi siya pangit. Mayroon bang pangit na maraming manliligaw? Binasted niya ang mga nanliligaw sa kanya dahil si Raf lang ang gusto niyang maging boyfriend.

"Yeah. Wala kang appeal sa akin. Kaya malabo ring magustuhan ka ni Raf."

"At ano naman ang kinalaman ng taste mo sa chance na magustuhan ako ni Raf?"

Ngumisi ito bago sumagot. "Naging girlfriend ko si Sophie."

Napasinghap siya sa rebelasyon nito. "What?"

Tumango ito. "Yeah. Bago naging sila ni Raf, naging kami muna ni Sophie. But before that, dalawa sa naging girlfriend ko, naging girlfriend din ni Raf. So, I therefore conclude na—"

"Magkapareho kayo ng taste sa babae?" she supplied.

"Hindi. Gaya-gaya siya sa akin."

"How dare you say na ginagaya ka ni Raf!"

"Dahil nagtayo rin siya ng banda no'ng college. Alam niyang may banda kami ng kuya mo noon pang high school."

"Wait. Hindi naman kayo schoolmates noong high school, ah. Schoolmate ko siya," nagdududang sabi niya.

"Matagal na kaming magkakilala ni Raf. Kapitbahay ko siya noong nakatira pa ako sa bahay ng parents ko."

Napamaang dito si Bianca. Bakit hindi niya alam ang bagay na iyon? "Ang ibig mo bang sabihin, enemies kayo?"

"I don't know. Hanggang ngayon, parang gano'n pa rin siya. No'ng nagtayo ako ng bar, nagtayo rin siya. Hindi ko alam kung ina-idolize ba niya ako o nakikipag-compete siya sa akin," he snorted.

"Ang yabang nito," asik niya. Naglaro sa isip niya ang mga sinabi ni Radd. Nagkataon nga lang ba o talagang sinadya ni Raf ang pagkakatulad ng taste ng mga ito sa babae? At pati ang pagtatayo ng banda at bar? Pero bakit gagayahin ni Raf si Radd? "Sa tingin mo, bakit siya nakikipag-compete sa iyo?"

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now