Chapter 2

4.6K 153 5
                                    


IKAY, sabi ni Bianca sa isip. Si Radd lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. She hated that childhood nickname. She hated that freaking monster Radd! Ang bastos na iyon, hinawakan ang likod ko. Kaya pala kakaiba ang paghaplos na naramdaman niya. Hindi na nga lang niya masyadong binigyang-pansin dahil inaantok siya at masakit ang kanyang ulo. Oh, no. He even touched my butt! She wanted to scream and cry. Wala pang lalaki na nakahawak sa katawan niya.

Padabog na umakyat siya sa fitness room ng Kuya Bernard niya. Malamang ay nandoon si Radd dahil wala namang magiging sadya ito sa kanilang bahay kundi ang kanyang kuya. Buhay pa pala ang hudas at bastos na iyon. Ang akala niya ay hindi na niya ito makikita kahit kailan na siya naman talagang pinakahiling-hiling niya.

Hindi pa rin niya nakakalimutan ang napakaraming atraso ni Radd sa kanya at ang mga walang awang pang-aasar nito sa kanya noon. She hated him to the core. And she would scratch his face off if she saw him again.

Malayu-layo pa siya sa pinto ay naririnig na niya ang halakhak ni Radd. Pero naka-lock ang pinto kaya pinagbabayo niya iyon. "Open this goddamn door, you freaking asshole!" nanggagalaiting sabi niya. Halos gibain na niya ang pinto sa lakas ng pagbayo niya roon. "I said open this door! You freakin' sonofabitch! I'm going to kill you, you fucking—" Natigil siya sa pagmumura nang bumukas ang pinto. Ang kuya niya ang bumungad sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito.

"Since when did you learn to curse like that?"

"Since I met that bloody bastard who happens to be your friend." Tumingkayad siya at sinilip sa loob ng kuwarto ang hinahanap. "Papasukin mo ako, Kuya. I'm gonna kill that fucking—"

"Enough of cursing, Bianca. Malalagot ka kapag narinig ka ni Daddy."

"Daddy's at the country club."

"Si Mommy?"

"Nasa kitchen, nagluluto," napipikon nang sabi niya. "Ngayon, since sinagot ko ang lahat ng tanong mo, baka puwede mo na akong papasukin?"

"Ano na naman ba ang nangyari sa inyo ni Radd? Ngayon na lang uli kayo nagkita, nag-away kaagad kayo?" usisa nito, binale-wala ang pag-usok ng mga butas ng ilong niya.

Napapikit sa inis si Bianca. Lumapit pa siya nang husto at pinilit na hawiin ang kapatid. Napapailing na nagpahawi naman ito. Sa wakas ay nakita niya ang nakangising si Radd. Hubad-baro ito habang nakaupo sa lat machine at abala sa paghatak paibaba ng isang bahagi niyon.

Napatingin siya sa katawan nito... sa six-pack abs nito. He was trimly muscled all over. Ano naman ngayon kung wala siyang laban dito? Isang suntok lang yata nito ay tulog na siya. Wala siyang pakialam. Basta gagawin niya ang lahat, masaktan lang ito.

"Of course, Ikay. Feel free to touch me," nakangising sabi nito. Mukhang napuna nito ang paghagod niya ng tingin sa hubad na dibdib nito.

"You—" Naudlot ang pagsugod niya nang mula sa likuran ay hawakan siya ni Kuya Bernard bilang pagpipigil sa kanya.

"Drop-dead handsome hunk?" pagsu-supply ni Radd sa sinasabi niya. "Oh, come on, Ikay. Hanggang ngayon ba naman, eh, patay na patay ka pa rin sa akin?"

Napanganga siya sa sinabi nito. "Excuse me?" sabi niya nang makabawi.

"Yeah, excuse you. Mamaya na tayo mag-away. Busy ako."

Napanganga uli siya. Hindi siya makapaniwala sa pambabale-wala nito sa galit niya. "Ang kapal ng mukha mo!" Nagpumilit siyang makakawala mula sa kuya niya. "Kuya, bitiwan mo ako!"

"Bianca, will you stop acting like crazy?" saway naman nito sa kanya.

"Alam mo ba ang ginawa sa akin ng beast na iyan?"

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя