Chapter 1

11K 238 26
                                    


NAPATAKIP ng bibig si Bianca nang mabasa ang text message ng best friend niya na si Sandy. Nang hindi na nakayanan ang nararamdaman ay tumili siya nang ubod-lakas. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan at iwinagayway sa ere ang hawak na cellphone. Pagkatapos ay binasa uli niya ang text message.

Girl, it's confirmed. Single na uli si Raf. His ex ditched him for an actor. And I'm pretty sure, wala nang mangyayaring balikan.

Tumili uli siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilang mapasayaw. "At last! At last!" Sa ganoong eksena siya naabutan ng Mommy Lora niya. Nanlaki ang mga mata nito at halos mabitiwan ang hawak na tray nang sugurin niya at yakapin. "Mommy!" sabi niya, sabay tili.

"Ano'ng nangyayari sa iyo, anak?" usisa nito. Ibinaba nito sa mesa sa ilalim ng pool umbrella ang tray na may laman na isang basong juice at sandwich. "Kanina lang, tahimik kang nakahiga sa pool bench at parang wala sa mood. Kaya nga ipinaghanda kita ng merienda. 'Tapos ngayon, halos magsasayaw ka sa galak habang naka-bikini."

"Mommy, I'm so happy!" Niyakap uli niya ito at inilayo uli, nanatiling nakahawak sa magkabila nitong balikat. She was grinning from ear to ear. "Mom, break na sina Raf at Sophie! Puwede nang maging kami ni Raf!"

"Really?" Maski ito ay halatang natuwa rin sa nalaman.

Alam ng mommy niya na si Raf ang first love niya. Dating schoolmate niya si Raf sa high school at college. First year high school pa lang siya ay crush na niya ito. Raf was a senior then. Nang g-um-raduate ito ay nalungkot siya. Pero mabilis ding nawala iyon nang sa unibersidad na pinapasukan ng Kuya Bernard niya nag-enroll si Raf. Kaya naman nang magkolehiyo siya ay doon din siya nag-aral.

Raf was an Engineering student and a guitarist-vocalist of his band. Natalo pa nga ng banda nito ang banda ng kuya niya sa kompetisyong sinalihan. Iyon ang dahilan kung bakit bad trip dito ang kuya niya.

Tutol din ang Kuya Bernard niya sa pagsunud-sunod niya kay Raf. May girlfriend ito, si Sophie, isang beauty titlist. Ilang libong beses na yata niyang hiniling na sana ay magkahiwalay ang mga ito para makapasok na siya sa eksena. Nasa kolehiyo pa lang kasi sila ni Raf ay kasintahan na nito si Sophie.

She had been stalking Raf even after he graduated from college. Kasama niya ang best friend niya na si Sandy. Kahit nang sumikat sa music industry ang banda ni Raf at hanggang sa ma-disband iyon ay hindi pa rin nawala ang damdamin niya para dito. Ngayon ay may-ari na ito ng isang bar sa Makati na parati niyang pinupuntahan para makita lang ito.

For Bianca, it was true love, that they were really meant to be. Hindi pa rin nawawala sa puso niya si Raf. Ito rin ang dahilan kung bakit sa edad na beinte-tres ay hindi pa rin siya nagbo-boyfriend. Wala siyang sinagot isa man sa mga manliligaw niya. She wanted her first true love to be her first boyfriend. She wanted her first boyfriend to be her last. And she wanted it to be Raf.

"Oh, I'm so happy for you, baby," tuwang-tuwang sabi ng mommy niya. "Siguradong mapapansin ka na ni Raf dahil hindi na nakapako ang atensiyon niya kay Sophie."

"Oh, yes, Mommy. I'm gonna work my way to make him notice me."

"Pero, baby, huwag mong kakalimutan ang mga paalala ko sa iyo, ha? Babae ka. Hindi magandang tingnan na maging aggressive ka."

"Of course, Mommy," sabi niyang nginitian ito.

"COME on. Work your way, girl. Good luck!" sabi ni Sandy kay Bianca.

Napahawak si Bianca rito. Halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. She was having cold feet.

"Come on, Bianca. Ngayon ka pa kakabahan? Gosh!" maarteng sabi nito. Kumurap-kurap pa. "It's the perfect time to enter the scene. Ngayong vulnerable pa si Raf dahil sa ginawa sa kanya ng ex niya, he needs a shoulder to cry on."

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now