"You were Conrad's first love," aniyang nagpahinto sa pag-iisip ko.

Sa sinabi niyang iyon ay may makirot akong naramdaman sa aking dibdib. I didn't react. Although I could tell that he's seeing my reaction through my face. Mahirap talagang itago lalo na kung nag-uumapaw ang bawat pakiramdam ko kapag si Conrad ang pinag-uusapan.

Higit sa lahat, nagtataka ako kung paano niya nalaman iyon.

"Do you know that he already has a girlfriend?" tanong ni Lorenzo na pumatay sa mga pangarap na hawak ko pa rin sana hanggang ngayon.

Natulala ako sa kaniyang harap. I could feel my eyes burning and I couldn't control the tears anymore. Pinalis ko agad ito nang may kumawala.

Bakit niya ito sinasabi sa akin?

At bakit hindi ito nabanggit ni Celine? Dahil ba sa pag-iwas ko tuwing siya ang paksa ay pati ay nakaligtaan na?

"What if he has a girlfriend?" matapang kong sabi habang ang kaluluwa ko ay sinusunog na ng apoy ng sakit.

Ngumisi si Lorenzo. Hindi iyon nang-aasar at iba ang dating niyon. Mapait at tila nakikisimpatiya pa siya sa akin.

"It's that girl," turo ni Lorenzo gamit ng kaniyang daliri. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

I didn't want to look but I was so tempted. Gusto ko pa ring makita. Gusto kong makumpirma kung tama ba ang hinala ko kaninang hindi ko na sana pauunlakan pa.

So I moved my head to their direction. And then I saw the two of them. I saw the girl who's laughing at whatever Conrad was saying. Malayo na si Celine sa kanila. Marahil tapos na silang mag-usap. Conrad was now with the girl. Hindi ko makita ang kaniyang mukha pero sa hitsura ng babae, sa paraan ng pagtawa niya, alam kong masaya si Conrad sa piling nito.

"I know her," I whispered particularly to myself.

Pero sumagot si Lorenzo. "Really? Kilala mo siya?" tanong niya.

Mapait akong ngumiti. "She's Shayne, right?"

Ang tanga lang pero sarili ko ang kinakausap ko. Sarili ko ang kinukumbinsi ko. Na baka namamalikmata lang ako. Baka nananaginip lang ako. Baka hindi naman ito totoo. Niloloko lang siguro ako ni Lorenzo.

"Yes, that's her. Hindi ko alam na kilala mo pala siya," usad ni Lorenzo.

Pareho naming pinapanood ang dalawa habang sila ay nag-uusap.

Did I do the right thing? Noong pinakawalan ko siya, naging tama ba ang desisyon ko? I could see and feel that he's happy. He's probably the happiest man right now because he has a pretty girl with him. Kung mabuting tao ang babae ay mas lalo siyang maswerte.

But then I remembered his promises. The day when he confessed his feelings for me. The day when I was crying on his shoulder because of what my father did to our family.

He promised that he would wait. He promised that no matter what, he would be there when I came back.

I came back.

I came back seeing him in another girl's arms.

Naalala ko rin kung paano niya sinagot ang mga tanong ko noon sa kaniya. Mariin niyang itinanggi na walang namamagitan sa kanila ng babaeng iyan. But then that was a very long time ago. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng maraming taon.

Pinalis ko ang aking mga luha. Lorenzo cursed when he saw me crying hard but silently. Umiwas ako ng tingin sa kaniya ngunit naramdaman ko pa rin ang palad niya na hinahaplos ang likod ko.

"Fuckng love, right? Malulunod ka lang pero walang handang sumagip sa'yo," sarkastiko niyang sambit.

I glanced at him. He's staring at the altar. May kakaibang emosyon sa mga mata ni Lorenzo. I had a hint but I didn't know the whole story. Ang alam ko ay nagkagusto si Lorenzo kay Celine. But I was not very much sure about what happened. Tungkol kaya ito kay Celine?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now