7

1.1K 62 0
                                    

"MISS Lovely, may kailangan po ba kayo? Baka po nauuhaw kayo?" tanong ng staff nang mapansin na ubos na ang laman ng mineral bottle na nasa table ni Laurice.

Ngumiti lang siya at saka umiling. Patapos na siya sa pagpirma ng libro kaya sa fastfood na lang siya kakain. Paborito niya ang Happy Kids, isa iyong sikat na fastfood chain na may maraming branches sa buong Asia.

Ilang minuto siyang naging abala sa pagpirma ng libro bago siya biglang natigilan nang may maamoy siyang pamilyar na amoy ng mens cologne na dumikit sa ilong niya. Mula nang magbuntis ay naging sensitive na ang pang amoy niya at ang ganoong klase ng amoy ay hindi pwedeng makaligtas sa kaniya.

Kilalang kilala ko ang amoy na iyon..

Natitigilang nag angat siya ng tingin at suminghot singhot pa. Napatingin siya sa matangkad na lalaking nakatayo sa harap niya na may hawak na libro. Biglang tumigil sa normal na pagtakbo ang oras nang magtama ang mga mata nila ng lalaki.

Gulat na napasinghap siya at nabitiwan ang hawak na ballpen. Hinigop yata ng asul na mga mata nito ang lahat ng lakas niya kaya nakaramdam siya nang panghihina.

Mariing pinisil niya ang nanginginig na mga kamay. Nagsimula nang gumalaw at sumipa ang bata sa tiyan niya. Napapangiwi na siya dahil sa tuwing sisipa ang anak ay lalo siyang nanghihina.

"Friend, ano na ba? Nakatunganga ka na lang diyan kay mister pogi? May mga naghihintay pa sa pila." Saway ni Bunny sa kaniya.

"A-ah...." Naikurap ni Laurice.

Kahit parang gusto nang sumabog ng dibdib niya ay pilit na umakto siya ng pormal sa harap ng lalaki. Kinuha niya ang libro at basta na lang pinirmahan iyon. Hindi na siya nagtanong pa ng dedication dahil gusto niyang umalis na agad ito. Pero hindi naman nangyari ang hiling niya dahil kasunod pala nito sa pila ang pamangkin. Para na siyang mahihimatay sa kaba ng hindi pa rin ito umalis.

"Hi, naaalala mo pa ba ako?" tanong ni Gabrielle.

"Oo naman." Pilit ang ngiting sabi niya.

"Sinamahan ako ni tito Calvin sa booksigning mo dahil may gusto daw siyang itanong sa'yo."

"Gabrielle!"

Shit!

Hindi niya tiningnan ang lalaki nang marinig ang pagsaway nito. Nataranta siya kaya sumama na ang pakiramdam niya. Napansin ng mga naroon sa pila ang pagngiwi at paghagod niya sa noo.

"Ate Lovely, okay ka lang po ba? Kung masama po ang pakiramdam mo maiintindihan naman po namin. Willing naman po kaming magpapirma na lang sa sunod, mukhang namumutla ka na po kasi." Sabi ng isa sa mga fans. Sumang ayon naman ang mga kasabayan nito sa pila.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay nagmamadaling tumayo siya.

"Salamat sa inyo ha? Babawi
ako sa sunod, promise." Kinuha niya ang bag at nakayukong umalis na.

Sumunod sa kaniya si Bunny na panay ang kulit na pumunta sila sa doktor niya para masiguro na maayos ang lagay niya. Hanggang sa parking lot ay nangungulit ito. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at pasakay na sana ng bigla na lang may pumigil sa braso niya.

"We need to talk." Mariing sabi ng tinig na narinig niyang nagsalita sa bandang kaliwa niya.

"Hoy, mister, harassment ang ginagawa mo. Hindi porke gwapo ka pwede mo nang gawin 'yan!" pasigaw na sabi ni Bunny.

Napilitan itong bumaba mula sa driver's seat nang makita ang nangyari.

"Kakausapin ko lang itong kasama mo, anong harassment doon?" supladong tanong ng lalaki.

"Huwag ka nang magdeny! Bitiwan mo ang kaibigan ko, may cctv dito, ipapapulis kita!"

"Sure, pero bago mo ako ipahuli, kailangan ko na munang malaman kung sino ang ama ng batang ipinagbubuntis ng kaibigan mo."

"What? Don't tell me na-oh-my-God!" tili ni Bunny.

Hindi kinaya ni Laurice ang matinding pressure. Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki ay umikot bigla ang paningin niya. Ilang segundo lang ay nawalan na ng lakas ang mga tuhod niya at tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon