xxxx

3.7K 78 0
                                    

Palaban at walang inuurungan si Laurice. Dahil sa pagiging masipag at positive niya kaya naging matagumpay siya at sumikat bilang si DJ Lovely. Naging matunog sa buong bansa ang pangalan niya dahil sa talento niya sa pagbibigay ng love advice.

But her simple life suddenly changed when she met Calvin Herrera. Nang gabing pinakawalan niya ang lahat ng angst niya sa Macau ay buong pusong ipinagkaloob naman niya ang sarili sa binata. Para sa kaniya ay ‘One Night Stand’ lang ang nangyari kaya hindi na siya muling nagpakita pa sa lalaki.

Tama na ang isang gabing hinayaan niya ang sarili na maging malaya siya. It was a beautiful mistake, iyon ang paniniwala niya.

Pero nagbunga ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Calvin. Pitong buwan na siyang buntis ng muling magkrus ang landas nila. Mapilit ito na paaminin siya kung sino ang ama ng batang ipinagbubuntis niya.

Sinubukan niyang mag-deny pero wala siyang takas kay Calvin. Ginamit nito ang impluwensiya at yaman nito para lang mabantayan siya. Hindi siya nito tinigilan sa panunuyo nito kaya mabilis na napalambot nito ang mailap na puso niya.

Pero isang sikreto ang natuklasan ni Laurice na halos dumurog sa puso niya. Nagkamali siya nang pangarapin niya ang isang masayang pamilya kasama si Calvin. Hindi pala pwedeng mangyari ang pangarap niya dahil sa una pa lang ay may nagmamay ari na sa binata, at alam niyang hindi sila iyon ng baby niya.

______________

Follow. Read. Vote

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon