Chapter 8 : Confess

Start from the beginning
                                    

“Don't worry. Matatapos na din ito.” ang sagot ko at nginitian ko siya. Ang gaan ng aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay namutawi ang aking isipan dahil sa kanya.

Sobrang saya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at muntikan ng magtama ang aming mga labi. Ewan. Sabay kaming napatingin sa isat isa at parang ang aming mga mata ang nag-uusap ng mga sandaling iyon. Kahit ako na lalaki ay walang magawa.

“Ang ganda.” ang pag iwas niya ng tingin sa akin at itinuon iyon sa sketch pad na hawak ko.

Tila naman hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatingin lang sa kanya hanggang sa hindi ko namalayang hinawakan ko ang kanyang baba at marahang iniharap sa akin.

Dahan dahan siyang tumingin sa akin na para bang nahihiya.

“Mister.” ang mahinang sambit niya.

“Cristine, gusto kita.” ang nahihiya ko pang sabi.

“Mister---”

Siniil ko siya ng isang marubdob na halik. Halik na punong puno ng aking pag-irog.

“Mister!” ang saway niya sa akin at itinulak ako. Natauhan ako sa aking ginawa.

“I'm sorry.” ang paghingi ko ng paumanhin.

“Please stop.” ang malumanay niyang sabi. Seryuso ang mga tingin niya sa akin na para bang nangungusap ito.

“Hindi ko alam Cristine. Sinubukan kong ikubli pero ito yung sinisigaw ng aking puso. I like you. Mahal na nga yata kita.”

“Stop! Please!” ang pagmamakaawa niya sa akin. “Loving me is like killing yourself. Mister, wag mo namang gawing tanga ang sarili mo. Soon mawawala din ako. Mamamatay ako. Anong kwento ang meron tayo?! Tragic story! Ha! 'Yan ba ang gusto mo!”

“No. All I know ay mahal kita. I don't care about your situation. Cristine I'm inlove with you.” ang seryuso kong sabi at hinawakan siya sa kanyang kamay. “Alam kong gusto mo rin ako. Sa nakikita ko sa mga mata mo, alam ko---”

“No.” umiiling pa siya. Alam ko naguguluhan siya sa ginagawa ko.  “Ayuko! Ayaw kitang masaktan pag nawala ako. Yes I admit! Gusto kita. Pero mali. Maling mali! Ang isang kagaya ko ay hindi deserve na mahalin. 44 days? Anong gagawin mo?” ang emosyonal niyang sabi sa akin.

“Hayaan mo akong ipadama sayo kung gaano kita kamahal. Please?”

“Mister! Ayuko ng ganito. Okay naman tayo ah.”

“I will take care of you sa ayaw at sa gusto mo. Hayaan mo akong mahalin ka. Gusto kitang makitang masaya bago ka mawala.” ang emosyonal ko na ding sabi.

Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang luha. Parang tumigil ang sandaling iyon habang nakatingin naman ako sa luhang dumadaloy sa kanyang mukha. Innocence!

Ilang sandali pa ay humagulhol na nga siya dahilan para yakapin ko siya.

“Nandito lang ako. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ko ng lubusan. Sapat ng nandito ka sa tabi ko. Hayaan mong mahalin kita.” ang tugon ko pa habang hinahaplos ko ang likod niya.

Wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang mahalin siya. Umaasa ako na may pag-asa pa, na hindi pa huli ang lahat. Alam kong hindi pa dito magtatapos ang kwento naming dalawa.

Simula pa lang ng makita ko siya, alam kong kakaiba na ang naramdaman ko. Marahil iniisip ko na matagal ko na siyang kakilala. Kakilala na hindi ko lang matandaan.

***

Love?

That's the only thing na nararamdaman ko ngayon. Alam kung kakaiba. Alam kong mali sa tingin ng marami pero ito yung nadarama ko. Ito ang tinitibok ng aking puso. Dito ako masaya. Masaya akong nakikita siya. Everything change simula ng sumama ako sa kanya. Sobrang bilis pero ito yung totoo. Mahal ko na siya.

Napahiga ako sa buhanginan at tahimik na napatingin sa langit. It's four o'clock in the afternoon at naisipan kong maligo sa dagat. Gusto kong lubusin ang gandang likha ng diyos sa lugar na ito. Wala akong humpay sa paglangoy at pagsisid sa ilalim ng dagat. Napakaganda ng ilalim, para bang iilang tao pa lang ang nakakakita nito at maswerte ako. At some point ay nalungkot ako dahil siguro 10 years from now ay hindi na ganoon kaganda ang lugar na ito. Wag naman sana. Gusto ko din naman makita ng mga susunod na henerasyon ang lugar na ito. Kung gaano ito kaganda.

Nakatingin lang ako sa langit habang nakahiga sa buhanginan. Kahit paano ay hindi ko naiisip ang mga naiwan ko sa Maynila. Ang negosyo. Si Papa. Ang mga kapatid ko. Lahat iyon ay hindi ko na iniisip. Sapat ng nakatuon ako kay Cristine.

Ngayon lang ako naging malaya kung tutuusin. Puro stress kasi ang nakukuha ko sa kumpanya. Ngayon lang ako naging ganito. Naging simpleng nilalang kapantay ng mga taong nandirito.

Ewan ko ba pero bigla ko na lang naisip si Cristine. Bigla na lang siyang lumitaw sa aking paningin. Yung mga ngiti niyang kaysarap tingnan. Isang bagay na sobrang napaka priceless at kailanman hindi iyon mapapantayan ng kahit na sino.

Paano pa kaya pag nawala siya? Paano na? Sa ngayon, ayuko munang isipin ang bagay na iyon. Mahaba ang panahon na makakasama ko siya at gaya ng pangako ko gusto kong nasa tabi niya ako.

Isang sigaw ang narinig ko mula kay Nurse Mary. Dali dali akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Nasa labas siya ng kubo at halatang nag-aalala.

“Hector!”

Agad akong pumasok sa loob ng kubo. Sa tawag pa lang ni Nurse Mary ay alam ko na ang ibig niya. Kahit basa ako ay dali dali kong tinungo ang silid niya. Doon ay nadatnan kong sumisigaw si Cristine!

“Cristine!” ang tawag ko at nagtama ang aming mga tingin. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

“I can't move.” ang mahina niyang sabi sa akin. Tumingin siya sa kanyang paa na hindi niya maigalaw.

Agad kong hinawakan ang binti niya at hinilot hilot ito.

“Masakit ba?” ang tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.  “Kaya mo pa ba? Kasi kung hindi na ibabalik na kita sa ospital.”

“No! I can't!” sabay iling pa niya.

Sa nakikita ko sa kanya ay alam kong hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong hirap na hirap na siya ngayon ngunit sa kabila noon ay pinapakita niya pa din sa akin na okay lang siya, na lumalaban pa siya, na hindi siya susuko.

Sa ginagawa niya ay ako ang nahihirapan.

May ibinigay sa akin si Mary na isang bote ng langis. Gamitin ko daw iyon para mawala ang pamamanhid ng binti ni Cristine.

“Kasama sa mga symptoms ng isang brain tumor patient ay ang makaranas ng pamamanhid sa anomang parte ng kanyang katawan. Maaari siyang maparalisa o mawalan ng balanse sa kanyang paglalakad. Hector, Ma'am Cristine, malubha na po ang sakit ninyo mas makakabuti sigurong dalhin ka na namin sa ospital.” ang paliwanag at alalang sabi ni Nurse Mary.

“No! Para niyo na rin akong pinatay kapag ginawa niyo iyon. This place! This is the only place na gusto kong makita bago ako mawala. Nakahanda na ako anytime.” ang sagot niya at tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang mga luha ngunit hindi sapat iyon para kaawaan namin siya. Instead hindi niya iyon pinansin.

“I'm sorry Ma'am.” ang paghingi ng paumanhin ni Nurse Mary.

Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Kung anong sasabihin ko.

Tumingin siya sa akin na para bang may hinihintay siyang isasagot ko. Tumango ako bilang sang ayon sa kanyang nais.

Kung ito talaga ang kapalaran ng babaeng pinakamamahal ko. Ay hanggang dito na lang din ako. Kahit malungkot, kahit masakit.

Sana.

His MillionaireWhere stories live. Discover now