Mayamaya ay may lumapit sa kanyang waiter. Sosyal, ha? Canteen lang ng kompanya pero may mga waiter- take note, naka-uniform si kuya!


"Mam, menu po."


Kinuha nya ang menu. Pinasadahan nya nang tingin ang listahan. Seventy five ang pinakamura, hotdog at itlog lang iyon with rice and drinks. Kahit ang mga junkfoods, yung tig-se-seven pesos sa tindahan... dito eh, twenty pesos. Muntik nya nang maibato iyong menu sa waiter.


"Ah, waiter, tubig na lang." Sabay abot nya sa waiter ng menu.


Napasimangot naman ang waiter. "Ma'am, twenty pesos po ang water dito. Mineral kasi."


"Okay! Wag na. Makiki-upo na lang ako." Inirapan nya ito.


Napapailing na lang 'yong waiter.


"Wag mong sabihing pati ang upuan dito eh, may bayad?" Napahalukipkip sya.


Iniwanan na sya nito. Ngingisi-ngisi.


Biglang may humawak sa balikat nya. "Cynthia?"


"Ay, palakang bungi!" Gulat na bulalas niya.


Napaatras naman itong lalaking tumawag sa kanya. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.


"Sorry. Nagulat yata kita."


Biglang nyang itong naalala. "Ikaw 'yong Mister sa elevator, 'di ba?"


Ngumiti ito. Infairness, ang puti ng ngipin at ang pula ng mga labi. Pati ang itim na itim nitong mga mata ay tila nakangiti sa kanya. Perpekto ang hugis ng mukha ng lalaki, prominente ang panga at makinis ang kutis.


Bakit parang bigla syang kinabahan nang makita ito?


"So nakapasa ka pala."


Naalala niya ang kanyang gutom. Nginitian niya ang lalaki.


Bahagya nyang nahawi ang kanyang buhok, kailangan nyang magpa-cute malay niya bigla siya nitong yayain ng free merienda.


"Oo, sinuwerte lang."


Lumawak ang ngiti ng binata.


"Kumain ka na ba?" Tanong nito.


"Hindi pa nga, eh." Bakit pa siya mag-iinarte, wala pa siyang almusal.


"Kain tayo?" yaya nito sa kanya.


"Sure! Basta libre mo."


"Oh, by the way. I'm Leo." Inilahad nito ang kamay sa kanya.


Hinawakan nya ang kamay nito pero hindi para kamayan, kundi para hilahin paupo sa table. "Kain na tayo, Leo."


Natigagal si Leo sa ka-prangkahan niya.


Tumawag sya ng waiter. Lumapit naman ito agad. Ito rin iyong waiter kanina.


"Iyong menu?" Maangas nyang tanong.


Ewan nya kung bakit bahagyang napayuko itong si Leo nang mapatingin dito yung waiter. Kibit-balikat na lang sya, naka-focus sya sa pagkain.


"Anong order mo?" tanong nya kay Leo.


"Same as your order," sagot nito.


"Okay." Bumaling sya sa waiter. " Pa-order nga nito. Nito at saka nito. Then pa-take out nito. Nito at saka nito. Then WATER ah, pa-order na rin."


Well-sorry na lang kung mauubos niya ang pera nitong si Leo, ito naman ang nagyaya.


Tumango lang yung waiter at tiningnan sya ng masama. Pagkatapos ay umalis na ito.


Nakangiti lang sa kanya si Leo. Parang naaaliw itong pagmasdan sya.


"Bakit, Mister? May problema ba?"


"Natutuwa lang ako sa'yo. Malakas ka palang kumain."


Ang lakas talaga ng dating nito sa kanya. Ang pogi kasi! Artistahin ang Leo na 'to! Machong Mario Maurer! Mga ganern!


Ngumiti siya rito. "Kanina pa kasi ako nagugutom. Eh, wala naman akong pera."


Napapailing na lang ang binata sa kanya. Tila namamangha.


"Alam mo, kung sino man ang CEO ng kompanyang ito..." aniya.


Parang biglang nagka-interest ang lalaki sa iku-kwento nya about the CEO. "What?"


"Ang tanga nya!"


"Huh?"


"Bobo sya!"


"Why?" tanong agad ng guwapong binata nang may pag-aalala.


"Eh, kasi, kaya nga nagtatrabaho tayong mga empleyado nya rito, eh para kumita ng pera, hindi para gumastos sa canteen nya na akala mo'y may ginto ang pagkain sa sobrang mahal. Hindi nya ba naisip yun?"


Napatango na lang ito. Hindi makatingin sa kanya nang deretso.


"Anyway, wag mo na akong gugulatin, ah. Kapag ginugulat kasi ako, kung anu-ano nasasabi ko, hehehe."


Natawa naman ito na parang aliw na aliw sa kanya.


"Ah sya nga pala. Meron pang isa."


"What is it?" tanong agad nito.


Lumabi siya. "Pengeng piso, ah. Kulang kasi ng piso ang pamasahe ko pauwi, eh."


JF

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now