PAK!


"Ouch!" Nasampal ulit sya. Bumaling sya sa cellphone. "I'll call you back later, H."


"Wow! That's..." he laughed. "Okay, phone me." Nawala na ito.


"What?! Why?" He looked at Angelica.


Pero tumayo na ito at umalis na sa kanyang harapan, dali itong nagbihis.


"Who's Cynthia?" she asked, angrily.


He shook his head.


"I'm leaving." Nang makatapos ng magbihis si Angelica, agad itong lumabas ng pintuan.


Napabuntong-hininga na lang sya.


Bakit ba ito ang nasa isip nya? Damn. Napasalampak sya sa kama.


Maya-maya'y bumukas muli ang pinto. Si Angelica, nakasimangot ito.


"Really, Leo? Hindi mo man lang ako hahabulin?"


Napayuko na lang sya. "I'm sorry..."


"We're done!" Sabay sara ulit nito ng pinto.


Oh, damn! Ano bang nangyayari sa kanya?


Sex was boring. His flings were boring. Everything's boring. Whew! Sana sumapit na ang kinabukasan. He wanted to see her-


Cynthia.


***


TANGHALI NA nang matapos ang orientation ni Cynthia. Tiningnan nya ang kanyang cellphone na naghihingalo na, naka-ilang missed call na pala ang best friend niyang si Camilla. Ito na lang din ang itinuturing nyang pamilya. Ulila na kasi sya at wala na syang kamag-anak. Pansamantala muna syang nakikituloy sa maliit nitong tirahan.


Nakikitira lamang sya sa mga anak ng umampon sa kanya noong bata pa sya. Eh, kaso pinalayas na sya ng mga ito kahapon. Sanay naman na sya, pinagpapasa-pasahan na lang sya ng mga ito. Simula kasi ng mamatay iyong tinuring nyang ama, at tinuring syang anak, para na syang pusang ligaw na kung saan-saan nakikitira sa mga anak nito.


Tumunog ang tiyan nya.


Nagugutom na kasi sya. Mabuti na nga lang at nakapasa sya dito as encoder sa SAAVEDRA-MONTEMAYOR Company.


Sapat na ang sahod nya rito para mapakain ang sarili. Sa kamalasan, wala pa syang pera na pangsimula.


Dumukot sya sa wallet nya. Nine pesos na lang pera nya. Kulang pa ng piso pamasahe sa jeep. Kapag minamalas nga naman.


Umupo na lang sya sa bakanteng mesa doon. Lilinga-linga sa mga kumakain. Grabe naman kasi ang canteen na iyon, akala mo mamahaling restaurant na.

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now