SPECIAL CHAPTER

257 2 25
                                    

TEAM BABY OR TEAM BABE????

Third Person

Nasa perya ngayon sila Haechan at Yang. Kasama nila ang mga nililigawan nila. Bigla kasing nagkayayaan. Kasama rin nila ang barkada. Pero humiwalay ang barkada kaya sila Yang at Haechan ang magkakasama.

Habang nag-iikot sila ay napansin nilang dalawa na nakatingin ang mga babaeng mahal nila sa mga stuff toys. Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Babe, do you want one?" Sabi ni Yang at napatango naman si Zavia.

"Which one?" Tinuro naman ni Zavia ang Black Widow stuff toy.

"I'll get it okay?" Nagningning naman ang mata ni Zavia.

Napatingin naman si Haechan kila Yang at bigla ring umakbay kay Zatara.

"Baby, which one do you like?" He asked. Zatara pointed at Spiderman.

"I'll get it for you okay?" Sabi ni Haechan at natango naman si Zatara.

"P50 po per person. 3 balls po. Kailangan po ay mapatumba ninyo ang lahat ng lata na nandito."

Tumango naman ang dalawa at nagstretching kuno pa. Nagtinginan muna sila at nagsimula na silang maghagis.

Si Yang, isang bola lang ay agad na napatumba lahat ng lata. Si Haechan naman ay wala parin kahit naubos na yung 3 bola. Napa-smirk naman si Yang ng makita si Hyuck. Si Hyuck naman ay nainis lalo sa ginawa ni Yang.

"Here you go Sir. Congrats po." Sabay abot nung Stuff toy kay Zavia. Napangiti naman si Zavia at hinalikan si Yang sa cheeks.

"Miss, isa pa nga." Nakailang bato na si Hyuck pero mahina talaga siya sa pagbato.

"Babyyyy, tama na 'yan. Marami png games dito." Sabi ni Zatara pero walang tigil si Hyuck.

"No baby, kailangan kong makuha yun." Napa-face palm naman si Zatara at hinintay si Hyuck.

Rivalry [WAYV YANGYANG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon