26 NR

371 10 27
                                    

Yangyang

Breaktime. Isang rinig ko lang naman sa mga lessons, kabisado ko na agad. You know, ganon talaga ako. Not to brag but I have brains & handsomeness. Lol!

"Hoy Yang. Ang bagal mo. Leche ka." Sabay kalabit ng isang asungot sa akin. Alam niyo na. The one and only Haechan.

"Pake mo ba." Sagot ko ng wala sa mood.

"Woah, dude chill! Ang ganda-ganda ng araw na 'to pero siyempre mas maganda siya." Napatingin naman ako bigla sa kan'ya.

"Mahiya ka nga. Nakakasuka amputa."

"Ang kapal mo naman. Bitter ka lang kasi hindi ka makagalaw kay Zavia." Sabi niya sabay batok sa akin.

"Hoy! Yang, hindi ba't si Zavia at Nana yun?" Sabi niya sabay turo dun sa isang table.

"PDA. H'wag mo ngang pansinin 'yan." Sabi ko sabay pila.

"Sus. Bitter ka lang kasi hindi ikaw yung kasama ni Zavia."

"Tumigil ka nga."

"Hoy Hyuck."

"Oh?"

"Si Zatara oh. Kasama niya ata si Mark na naman as usual. Pero dapat sila ni Zavia ang magkasama diba?" Sabi ko.

Agad namang napatingin si Hyuck sa pwesto nila Zatara at iyon, ang laki ng ngiti ng gago!

"Hoy, gago. Ikaw na susunod."

"Tangina mo ahh! Minura kita?!"

"Tangina."

Agad na siyang umorder at umupo na kami. Tumapat ako sa kung saan kita ko sila Nana at Zavia.

"Hoy Yang! Maawa ka diyan sa manok mo!" Sabi niya pero wala akong pakialam. Nakita ko na umaangat yung kamay ni Nana at unti-unting lumalapit sa buhok ni Zavia. Wala akong pakialam kung anong gusto nilang sabihin pero agad na akong tumayo. Hindi ko alam pero naiinis at naiirita ako.

"Hoy! Yang, tignan mo! Si Nana may gagawin ata kay Zavia! Teka! Saan ka pupunta?!"

Agad kong hinawi ang kamay ni Nana at tinitigan siya ng masama. Nagtataka naman si Zavia nang tignan kaming dalawa ni Nana. Napaismid ako kay Nana at agad niyang tinaas ang kilay niya na para bang inaasar ako.

"Nang-aasar ka ba?" Sabi ko. Hindi siya sumagot. Kaya naman kinuwelyuhan ko siya at itinayo. Nagsigawan naman ang mga tao sa loob ng Cafeteria.

"Hoy Yang!"

"Last, tigilan mo si Zavia. H'wag mo akong binabangga Na Jaemin." Sabi ko ng pabulong para hindi marinig ni Zavia.

Binitawan ko siya at agad na nag-walk-out sa Cafeteria. Nakakawala ng gana.

"Hoy Yang sandali!" Sumunod si Hyuck ngunit wala rin siyang imik.



METEORIGHTS HMMMMMMMM

Rivalry [WAYV YANGYANG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon