46 NR

308 8 8
                                    

Zavia

"Gusto mo na ba si Yangyang?"

"Huh?"

"Anong nararamdaman mo kapag nasa tabi mo siya?"

"Huh? Siguro masaya. Tapos bumibilis yung tibok ng puso ko. Para bang kami lang dalawa yung tao tuwing kasama niya ako. Bumibilis yung tibok ng puso ko saka nagba-blush ako hehe."

"Confirmed!"

"Anong confirmed?"

"Gusto mo nga siya! Saka hindi ka ba nakakahalata?! May gusto rin sa'yo si Yangyang!"

"Ha?"

"Ewan ko sa'yo kung ayaw mong maniwala! Bahala ka diyan." Sabi ni Ree at unti-unting umalis.

Paulit-ulit na nagrereplay iyong pag-uusap namin kanina sa utak ko. Si Yang daw may gusto sa akin? Imposible! Saka bakit naman ako magugustuhan no'n? Sus! Guni-guni lang iyon!

Nasa park na nga ako at bumibili ng ice cream. Malapit ito sa fountain. Inaantay ko na lang si Jaemin kasi hindi ko alam kung bakit may pa-meet up pang nalalaman!

"Ang tagal naman."

Unti-unti ko nang nauubos ang ice cream ko nang may mapansin akong dalawang pamilyar na nakaupo sa bench. Unti-unti kong napagtantong si Jaemin pala iyon! Atsaka si Kaira! Ang babaeng linta! Naghahalikan sila?! So ano Jaemin?! Am I a joke to you?! Nahulog ko ang ice cream ko at tumakbo ng tumakbo ng hindi ko na alam kung saan ako nakarating and then everything went black.

Rivalry [WAYV YANGYANG]Where stories live. Discover now