: sixty_60

857 49 31
                                    

Minkyu.




6:59 am, one minute. Nandito na ako sa may pintuan papuntang rooftop, sina Wooseok naman ay naghiwa-hiwalay ng pagbabantayan. Ni hindi ko din magets bakit nagdala ng mga kumot yung mga 'yon at nagbantay sa pinakababa ng building sa labas. Anong bang iniisip ni Dongpyo?


7:00 am, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nilibot ko ng tingin ang rooftop pero walang bakas ni Haruto. Pumasok na ako at saka naglakad ng may maramdaman akong pumalo sa likod ko. "A-aray.." agad akong nanghina at napaluhod sa sahig.


"Shibal.." pagmumura ko ng maaninag ko ang mukha ni Haruto at nakitang hawak-hawak niya ang isang bakal na tubo. Tangina ng batang 'to. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at saka tuluyang nawalan ng malay.




























"Daerim.." pag-ungol ko ng maramdaman ko ng nagkakamalay na ulit ako. Yah! Hindi yun wet dream oh ano, naalala ko lang talaga siya. Tss.



Ginalaw-galaw ko naman ang mga kamay ko pero nakatali ang mga iyon. Napakatalino ng batang 'to bwisit. "Gising ka na pala." sabi naman ng lalaking nakatalikod sa akin na mukhang nagpapahangin pa. "Akala mo ba talagang tutupad ako sa usapan?" humarap naman siya sakin at saka ko ulit nakita 'yung pamalo niyang bakal.



"I will never let you have my Daerim." sabi niya at saka naglakad papunta sakin.




"Walang sayo, Haruto. Tigilan mo na si Daerim!"




"Hindi din naman siya sayo, hindi ba? Kaya bakit ka ba nangengealam?" ngumisi naman ako sa sinabi niya.




"Hindi PA sa akin. Pero doon din naman kami pupunta for sure." mukha naman siyang napikon sa sinabi ko. "Hindi na mangyayari 'yon kung patay ka na." sabi niya at saka tuloy na lumapit sa akin.





Ako? Patay?!




Winasiwas niya yung tubong dala niya, "Kita mo 'to? Ito ang papatay sayo, Kim Minkyu hyung."





"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.




"Hindi ako baliw! Sadyang ako lang ang tunay na nagmamahal kay Daerim! Now, say sayonara, hyung!" agad akong pumikit ng itaas niya na ang tubong hawak-hawak niya at aktong ihahampas 'yon sa akin.


















Pero wala akong naramdaman na kahit ano.


















"NOONA!" sigaw ni Haruto at saka ko minulat ang aking mata at doon ko nakita si Daerim.



Duguan, sa harap ko.

STRANGER 'ᵐⁱⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon