Chapter 14: Your Man.

23.5K 622 326
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Varis' POV

Kanina pa ko nakaupo sa kama ko pero hanggang ngayon hindi padin nya ko kinakausap. Nakatingin lang ito ng masama sakin na para bang napakalaki ng kasalanan ko sakanya. 

"So hanggang mamaya magtitinginan lang kayong dalawa? Hindi talaga kayo maguusap?" magkasunod na tanong ni Flames saming dalawa ni Frost. Kanina lang kaming dalawang lang ni Frost sa bahay ko ngayon halos lahat ng barkada nandito. 

Kung hindi dahil kay Flames ay hindi malalaman ng mga barkada na nandito nako. Nasa bahay pala ni Frost si Flames kanina pa at nagising daw sya dahil sa suntok ni Frost. Sinuntok kasi ni Frost ang pader ng hindi ko sya sagutin sa tanong nya. 

HIndi nya kinagagalit na ngayon lang nya ko nakita kundi ang ikinagagalit nya ay ang hindi ko pagpapakita at pagsasabi sakanya na nakauwi nako. Matagal na pala nyang alam na nakauwi nako pero hindi nya ko pinupuntahan dahil sa ayaw nya kong pangunahan, ang gusto daw nya ay ako ang lumapit o magpakita sakanya.

Hindi ko alam na may ugaling ganito si Frost, may pagkatantrums sya parang bata, but still I find it amazing. Ang cute lang kaya ng nagtatantrums sya sa harap ko na parang bata.

At nang tawanan ko sya doon lalong nagdilim ang mukha nya dahilan para mapatakbo ako pababa ng bahay saktong pagbaba ko naman ay ang saktong pagbukas ng pinto at pagpasok ng barkada sa pangunguna ni Flames. 

Nagpalipat lipat ang tingin nilang lahat saaming dalawa ni Frost, kaya naman ng sigurong hindi na makatiis si Sparks ay umirap ito saka tumayo.

"Haii nako, lets go na kaya baka need lang ng dalawang yan ng privacy para makapagusap." 

"Hihirit kapa e, tara na!" magsasalita pa sana si Flames kaya lang nahila na sya ni Blind. Humalik muna sakin ang mga babae saka sumunod na lumabas sa mga lalake, at ngayon kaming dalawa nanaman ni Frost ang mag-isa.

Hindi ako naguiguilty at ngayon lang ako nagpakita sakanya or sakanila, pero may something sakin na parang gusto ko magexplain sakanila, pero alam kong hindi pwede dahil wala naman talaga ako sakanila, kaibigan lang nila ako, so why bother explaining my side to them.

"Speak." malalim na sabi nito sakin. Napatingin ako sa tapat ko kung san sya nakaupo ngayon. Ang dilim ng aura nya. Mukhang pagod ang mga mata nya pero hindi mo padin maikakaila na gwapo padin sya. Hindi sya katulad ng iba na boy nextdoor ang dating o flower boy nextdoor, manly na manly ang dating nya at compare sa mga lalake sa barkada, sya lang talaga ang humatak ng attention ko pagdating sa itsura. 

Although may itsura din si Dynamite at parang magkaugali sila ni Frost dahil sa tahimik din ito, mas nakakatakot kausapin si Frost. Ni hindi mo alam kung bigla ka ba nyang susunggabin o di kaya naman ay susuntukin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Black HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon