Chapter 13: Empress Varis Imperial

15.9K 525 158
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3rd Person's POV

Hapon na ng makabalik si Varis sa bahay nya. Wala syang pinagsabihan kahit kanino na uuwi na sya ngayon. Napaaga kasi ang uwi nya ng isang linggo, may pinapaasikaso kasi ang lolo nito sakanya kaya naman bumalik na ito.

Mula sa bintana nya kita nya kung paano halos paliparin ni Frost ang sasakyan nito. Patay lahat ang ilaw nya sa bahay at sinugurado nyang hindi mahahalatang nasa loob na sya nito. Kasunod na dumating ang mga sasakyan nila Flames at ng grupo. 

May laban ba?

Tanong nya sa sarili ng mapansin halos lahat sila may pasa, lalong lalo na sila Frost at Flames. Napatingin sa gawi nya si Alexa pero inalis din agad ang tingin nya dito. Napangiti syang magisa saka umupo sa kama para magawa na ang dapat nyang gawin.

*******

"Sh*T!" 

"Aray! T*ngna!" 

"Gosh! Ouch!"

Kanya kanyang daing sila Sparks sa sala ng bahay ni Frost habang naggagamutan sila ng mga pasa at sugat nila. Hindi nila inaakalang maglalakas ng loob si Ess na sugurin silang lahat, at dahil sa mabilis gumalaw si Ess ay lahat sila natamaan nito.

"Kapag yun nakita ko sa susunod, tngna! Mata lang nya walang latay!" inis na bulalas ni Flames habang sinisipat ang mukha sa salamin.

"G*go talaga!" naiiling na sabi ni Dynamite habang dinadampian ng yelo ang bibig ni Alexa ng marinig ang malakas na suntok ni Frost sa pader ng bahay nya. 

Galit na galit si Frost. Alam nyang konti nalang makakapatay na talaga sya. Una, wala pa ang mahal nya. Pangalawa ay ang pagsulpot ni Ess na hindi nya makuha kung sino, sa lahat ng mga tumatayong matataas na teens sa Three Kingdoms, sya ang makapangyarihan sya ang nakakaalam sa lahat ng gusto nyang malaman pero itong bagay na ito hindi nya makuha, hindi nya mahanap kung sino ba talaga si Ess.

"Ess is someone who knows something and someone knows Ess." out of the blue na sabi ni Alexa na tulalang ginagamot ni Dynamite. Alam nya at ramdam nyang may kakaiba sa mga taong nasa paligid nila ngayon. Alam nyang may nagmamanman sakanila ngayon.

"Yeah, hindi kaya ikaw yun Empress?" prankang tanong ni Sparks sakanya.

"Anu ba Sparks! Hindi kaya, diba Empress?" pagtatanggol naman ni Scintille kay Empress. Nagtinginan naman silang lahat kay Empress na para bang sya ang pinagduduhanan nila.

The Black HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon