"Jaycee.." Paninimula ako "Pwede bang pakisabi kay Nathan mawawala muna ako?"

"H-ha? Bakit hindi ka magpunta sakanya?" Sabi niya

"Uhmm.. A-ayoko kasing maistorbo siya." Sabi ko "Pwede ba ikaw na lang magsabi?"

"O-oo sige." Sabi niya "Magbabakasyon ka ba?"

"Oo. K-kasama ng magulang ko." Sabi ko

"Sige sasabihin ko na lang. Mukhang agaran ata 'yan." Sabi niya

"Kaya nga e." Sabi ko "Baka bukas ng umaga wala na ako dito."

"Sige sige. Text mo na rin siya bukas pagkaalis mo para alam niya ha?" Sabi niya

"Sige." Sabi ko "Salamat."

Uminom ako ng kape at napaisip na naman. Alam kong hindi magiging maganda ang resulta kapag umuwi ako sa Sweden. Natatakot ako, oo, dahil hindi naman ako anak ng Tatay ko. Napabuntong hininga ako at inubos na lang ang kape para makatulog na.

KINABUKASAN natigilan ako nang makita ko si Nathan. Napatulala ako sakanya habang siya ay malapit ang mukha sakin..

"Gising ka na?" Nakangiting sabi niya "Bumangon ka na eleven na--"

Hinalikan ko at niyakap "I missed you."

Tumawa siya "I missed you too." Hinarap niya ako "Bakit nanghahalik ka agad?"

"Masama ba?" Tanong ko

"Aalis ka daw sabi ni Jaycee a?" Sabi niya at ngumuso "Akala ko ba wala ka ng magulang?"

"A-akala ko nga wala na sila e." Napayuko ako "Hinahanap pala nila ako. Ang tagal naming hindi nagkita.."

"Hindi ka ba malalate?" Sabi niya

Kumunot ang noo ko "Paaalisin mo ko? Papayag ka?"

"Oo naman. Sabi mo nga di ba? Ang tagal mo ng hindi nakikita mga magulang mo.. Hihintayin na lang kita." Nakangiting sabi niya

Ngumiwi ako "Paano kung anim na buwan akong mawala?"

"Edi.." Nag isip pa siya at ngumiti "Okay lang. Atleast ang haba ng bonding niyo, di ba?"

Napangiti ako "Alam mo? Tabihan mo ko." Saka tinulak siya pahiga, inunan ko ang dibdib niya

"Ang sweet mo ata ngayon?" Sabi niya

Pumikit ako "Malamang.. Six months kita hindi makikita."

"T-totoo ba 'yon?" Sabi niya

Tumingin ako sakanya at nilapit ang mukha ko "I-i'm sorry. Kailangan ko lang talagang gawin 'to.." Hinawakan ko ang kamay niya

Ngumiti siya "Okay lang. Basta tawagan na lang tayo."

"Sige." Sabi ko at dinampian siya ng halik "Thank you."

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya

"Sa Sweden. Sa linggo na ako aalis." Sabi ko at ginawa na namang unan ang dibdib niya

"Agad?" Tanong niya

I've change my mind.. Sa linggo na lang ako aalis.

"Meron pa tayong three days." Sabi ko "Gusto ko sa tatlong araw na 'yon ikaw lagi ang nakikita ko." Humarap ako sakanya "Pwede ba 'yon?"

Ngumiti siya "Pwedeng pwede!" At dinampian ako ng halik

MAYA maya bumaba na kami ni Nathan. Dahil si Jaycee at Caleb lang ang tao dito hindi ganon kaingay at tahimik silang kumakain. Habang kumakain kami napatingin ako kay Jaycee na nakasimangot na naman..

"Huy!" Tawag ko "Ano bang mukha 'yan?"

"Nakakainis kasi 'tong si Caleb!" Inis na sabi ni Jaycee

"Lagi ka na lang naiinis." Natatawang sabi ko

"May sakit ata 'yan e." Sabi ni Caleb

"Sabat pa!" Sigaw ni Jaycee

"Hey, guys, chill." Natatawang sabi ni Nate

"You know what, Baby? Let's go. We should leave them para makapag usap sila." Sabi ko at tumayo, ganon rin si Nate "Uuwi na kami. Thanks by the way." 

Pagkatapos non inuwi na ako ni Nate sa bahay. Hindi ko pa kayang harapin si Patricia pero parang hindi ko ata siyang kayang iwasan dahil sabay kaming pumapasok sa trabaho. Pagkatapos kong maligo pumunta muna ako sa sala para manood, nasa ganong posisyon ako nang dumating si Paolo.

"Oh? Kamusta?" Sabi ko "Upo ka--"

"Hi!" Masayang sabi ni Patricia "I miss you!"

Napangiwi na lang ako sakanilang dalawa nang magyakapan sila sa harap ko. Kanina parang ang tahimik ni Patricia pero nung dumating si Paolo ang ingay na niya. Nilipat ko ang channel ng tv at napatingin na naman kay Paolo.

"Uhmm.. S-salamat nga pala sayo, Espen." Sabi ni Paolo at tumayo saka yumuko saakin 

Nagkatinginan kami ni Patricia "H-how did you know?" Tanong ko

"Nung una sinabi saakin ni Prince Ferounzel, Princess, nacurious ako kaya nagtanong ako kay Patricia." Yumuko ulit siya "Sana 'wag mo siyang parusahan. A-ako na lang ang parusahan mo."

Natawa ako ng mahina "Ano ba? Yuko ka ng yuko. It's fine, you know. And don't worry-- even if i'm the supreme commander i can't beat my friend." Tinuro ko  siya "Even you. Kung nandoon lang ako patatakasin pa kita." Ngumiwi ako

"Umupo ka na nga, Paolo, naiinis na ko." Sabi ni Patricia 

Umupo si Paolo "Grabe. Ang lupet mo." Sabi ni Paolo

"Wag ka na uling yuyuko sa harap ko kokotongan kita." Sabi ko at mahinang tumawa

"P-paano nga pala si Nate?" Sabi ni Paolo at saglet na tumingin kay Patricia "Nasabi kasi saakin ni Patricia na iiwan mo na siya. Sigurado ka na ba sa plano mo?"


---

The ending is near everyone!

Charot.


Back at OneWhere stories live. Discover now