Espen's POV
KINABUKASAN nagising ako ng wala na si Nate sa tabi ko. Kumunot ang noo ko saka tumayo at saka naghilamos. Pagkababa ko nakita ko siyang nag aayos ng pagkain at kumindat sakin. Ngumiwi ako saka lumapit.
"Ano 'to?" Tanong ko
"Pinaghanda kita ng agahan." Nakangiting sabi niya at niyakap ako
"Ehem Nate.." Tawag ko sakanya
Lumayo siya sakin at ngumiti "Sorry. Sinusulit ko lang ang pagiging mabait mo."
"Grabe ha?" Natatawang sabi ko at umupo na
"Malay mo pagkadating natin sa Manila.. Wala na naman." Sabi niya
"It depends, Nate." Sabi ko
Kumunot ang noo niya "Paano?"
"It depends kung may ginawa kang kalokohan o kaya ininis mo ko." Sabi ko
"Hindi naman ako gagawa ng kalokohan. Promise." Nakangiting sabi niya
"Hmm.. Let's see." Sabi ko
PAGKATAPOS namin kumain sakto nagising na sila Patricia kaya umingay na naman. Paano ba naman hindi iingay, nagsama si Patricia, Kiray at Edren. Isama mo pa si Caleb.
"Gaga! Kaya ka nahulog sa kama kasi ang gulo mo matulog! Wag mo isisi sakin." Sabi ni Edren kay Kiray
"Hindi kaya!" Sabi ni Kiray
"Tanga, sila Caleb kasi pinagtripan kayo kagabe." Natatawang sabi ni Patricia
"Huh? Anong kami? Ikaw kaya 'yon!" Sabi ni Caleb
Naguguluhang tumingin si Kiray "Ano ba talaga mga 'te?"
"Si Patricia yon, girl." Sabi ni Edren
"Nilagyan ka nga niya ng glue sa kamay e!" Sabi ni Jaycee at tumawa
"Kaya nagbabalat mukha mo ngayon." Natatawang sabi ni Patricia
"Espen, oh!" Sumbong ni Kiray
"Wag niyo na uulitin 'yon." Natatawang sabi ko
"Pati ba naman ikaw, 'te?" Sabi niya
Napatingin ako sa pisngi niya na nagbabalat. Napailing iling ako saka tumayo at pumunta sa dagat. Pagkalabas ko ay nakita kong naghahalikan sila Mariane at Luis kaya natigilan ako.
"E-Espen." Gulat na sabi ni Luis
Ngumiwi ako saka lumapit "It's okay." Saka nilagpasan sila
"Espen!" Tawag ni Luis
Tumaas ang kilay ko at tumingin sakaniya "What?"
"I'm happy for you." Nakangiting sabi niya saka niyakap ako
"Miller!" Sabi ng familiar na boses, si Nate. Agad niyang tinulak si Nate
"I already warned you, right? Don't. Touch. Her!" Sigaw ni Nate
Tumawa ako "Hey! Shut up."
"Nagyayakapan kayo sa harap pa ni Mariane?" Di makapaniwalang sabi ni Nate
Nahiya ako kay Mariane kaya naman hinila ko siya papalayo sakanilang dalawa. Nakasalubong ang kilay niya habang nakatingin sakin kaya natatawa ako.
"Stop being immature--" Sabi ko
"I'm not being immature! Kung sana hindi mo rin niyakap si Luis, edi sana hindi ako magseselos!" Inis na sabi niya
"Nate, yakap lang 'yon. You're paranoid." Sabi ko at ngumiwi
![](https://img.wattpad.com/cover/172817403-288-k1552.jpg)