Prologue

10.8K 127 3
                                    

Kinakabahan ako at namamawis na rin ang kamay ko. Patuloy kong pinupunasan ang kamay ko gamit ang dress na suot ko. Hindi ko ma-enjoy manlang 'tong mamahaling pagkain. Hays!

"And for now, let us all welcome our very special guest! The owner of the top cosmetics industry." Pauna ng emcee.

Eto na..

"Ms. Layla Soledad! Lets all give her a round of applause!" Nagpalakpakan ang mga kilalang businessman sa paligid ko. "Ms. Soledad come here to the stage please."

Lahat sila ay businessman, investor, stock holders ng mga iba't ibang sikat na company sa buong mundo.

Tumayo na ako. Kinakabahan parin ako paakyat ng stage. Nakatutok sa akin ang spotlight kaya medyo nakakasilaw. Lahat ng tao na nandito ay nasa akin ang buong atensyon.

Huminga muna ako ng malalim. Okay self this is it.

Inayos ko ang mic bago nagsimulang magsalita.

"First of all, thank you for inviting me in this wonderful event and thank you for each and every one of you for the warm welcome. I am glad to be one of the guest here and this is my first time to speech in a crowd. I'm not really good at english so I'm kinda shy haha." Sabi ko. Narinig ko ang tawanan ng mga tao.

"Okay, I am here in front of you to share my thoughts and experience on why did I build a cosmetic business. To be honest, I am just a promdi before and undergraduate living in a province. Then someone help me to work in south korea."

I smiled. "Yes you heard that right. Even though I didn't know if that someone is bad or good person yet I came for the sake of my family specially for my mom who is diagnosed to diabetes. We didn't have enough money for her medication even if I work all day and night. I used to accept every kind of work because I don't want to ignore every opportunity to earn money."

"As being hired to work in south korea, I take that opportunity too. To my surprise, I didn't know I became a maid in one of the most popular boy group there or most commonly called as "kpop". I didn't know them because we don't have television on our home and can't even afford to buy a smart phone."

"To make the story short, I develop what I really desire. I am not used to wear make ups yet I like to be a make up artist. Well, it is not hard because south korea is known for the cosmetics."

Napatingin ako kay andrew at nakangiti siya sa akin at nag thumbs up. Napangiti din tuloy ako. Feeling ko kasi kahit magkamali man ako ngayon ay okay lang, nandyan naman siya.

"What I am trying to say is, take all the opportunity that will come to your life. I repeat, take ALL opportunity. Not every opportunity is good though, but atleast you tried. Don't leave in what if's, it might shake you. Just remember that failure makes you stronger and success will be your strength. Set aside your problems, try to focus on more important things."

What you imagine is what you will become. Life is like a wheel, sometimes you are up and sometimes you are down. You must keep going, because the wheel is circle ane it never ends, so as your dreams."

"Dream as high as you could cause its free anyway. Thank you every one! Cheers!"

Nag bow ako at nagpalakpakan ang lahat. Umakyat sa stage si Andrew at niyakap ako. Agad ko rin siyang niyakap pabalik habang naluluha ako sa saya. Sobrang overwhelming.

"Napaka strong mo, I am so proud of you lalay." Bulong sakin ni andrew.

Napangiti ako. "Thank you. Dahil sayo kaya ako nandito."

"You two should marry now!" Sabay kami napatingin ni andrew sa sumigaw ng isang mayamang matabang lalake na sa tingin ko ay nasa mid 50's na.

Napatawa tuloy ang lahat at nagkatinginan kami ni andrew. Sabay rin tuloy kaming natawa.

Pero unti unting nawala ang mga ngiti ko nang mapadako at mapako ang paningin ko sa bandang gilid, sa lalakeng nakatayo malapit sa pintuan.

Kahit na napakalayo niya ay kitang kita ko parin ang kulang tsokolate at singkit niyang mata habang seryosong nakatingin sakin.

Nananaginip ba ako?

Kumurap kurap ako kung nanaginip ako ngunit nandoon parin siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko katulad ng dati.

Lahat ng paghihirap kong kalimutan siya ay biglang nawala, lahat ng sakit at poot ay biglang bumalik sa isip ko.

Ano iyon? Hanggang ngayon ba siya parin? Hanggang ngayon ba affected parin ako?

"U-Uhm andrew.. C.R lang ako ha? Excuse me." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Napayuko ako at mabilis na bumaba sa stage.

Narinig ko pang tinatawag ako ni andrew pero di ko na iyon nilingon dahil baka tumulo ang luha ko. Dire-diretso lang ako papunta sa comfort room at nagkulong sa isang cubicle doon. Napaupo ako sa toilet bowl na nakasarado at doon na tuluyang nagbabagsakan ang mga luha ko.

Hindi ko inaasahan na sa limang taon mahigit ay makikita ko ulit siya, hindi ko inaasahan na luluha ulit ako dahil sa kaniya.

Siya lang ang taong may kayang sumira ng kaligayahan ko. Dahil hindi ko inaasahan na nararamdaman ko parin ang pagmamahal ko sa kaniya matapos ko siyang makita.

Akala ko ay okay na ako.

Bakit.. bakit ka pa nagpakita? Wala ka na bang gustong gawin kundi ang saktan ako?

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now