If only I can

6 0 0
                                    


"C'mon, hindi naman ganun kahirap eh" paguudyok ni Ravier sakin, kanina pa kami dito sa open field kung saan lagi kaming nageensayo ni Rhea, siya na daw muna ang magtratrain sakin dahil na din sa nangyari sa hapunan kagabi.

"Iniisip mo pa din ba yung kagabi?" Dagdag pa nito. Tumango naman ako sa kaniya at umupo na lamang sa damuhan. I don't really like to train for today.

"Sa tingin mo galit padin siya?" Hindi ko naman kasi inaasahan na bigla siyang magagalit sa simpleng biro kong yun.

"Malamang, you see my sister she is ....ughm let us say the strongest amongst us all , currently. Tapos sasabihin mo na hindi siya magaling na teacher kaya di ka matuto-tuto?!" Inambahan niya pa ako ng suntok at nakakagat pa ito sa labi niya. Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa katangahang ginawa ko.

"Alam mo she is making extra effort sayo" dagdag pa ni Ravier bago umupo sa damuhan.

"Pero kasi-"

Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa pagsasalita ko, at makalipas lamang ng ilang segundo ay dumagundong ang lupa. Naging alerto naman kaming dalawa ni Ravier at inilabas niya ang kaniyang bazooka samantala ako naman ay kinuha ang kutsilyo na binigay sakin dati ni Rhea.

"Tara kailangan nating bumalik sa camp"sabi ni Ravier at pinauna ako sa paglalakad ngunit bago pa kami tuluyang makaalis ay may humarang na sa aming dadaanan. Mukha din itong tao tulad namin ngunit meron siyang malaking pakpak na parang gawa sa mga metal.

"Reiwo pali?!" Sabi ni Ravier duon sa nakaharang sa amin ,ngunit sa halip na sumagot ito ay nagbow ito samin. Tinutukan siya ng bazooka ni Ravier at muling sinabi ang sinabi niya kanina.

"Reiwo pali?!"

Tumitig lamang ang lalaki sa amin, at biglang ngumisi.

"Barilin mo na lang kasi" sabi ko dito dahil baka patayin pa kami nito. Ibinuka nito ang pakpak niya at agad kaming sinugod gamit ang mga ito. Kikilos na sana si Ravier para dumepensa ngunit biglang nagkaposas ang kaniyang dalawang kamay kaya naman tinamaan siya ng mga pakpak nung lalaki.

"Axis humingi ka ng tulong.."para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko ng paulit ulit na pinaghahampas nung lalaki si Ravier. Hindi naman makalaban si Ravier dahil nakaposas sa sahig ang kaniyang mga kamay at paa.

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako papalapit kay Ravier hawak hawak ang kutsilyo. Ngunit bago pa man ako makalapit ay nagkaruon na din ng posas ang mga kamay ko pati na ang aking mga paa. Inasar pa ako nung lalaki bago bugbugin muli si Ravier.

Hindi kagaya ng kay Ravier, mas maluwag ang pagkakaposas sa akin. Kung kaya ko lang sana mapalabas ang sandata ko o kahit bumuga ng apoy maaring makaligtas kami. If only I can, I would.

Hindi ko naman inaasahan ng biglang umulan ng mga pana sa amin, dahil dito ay nawala so konsentrasyon ang lalaki at di sinasadyang mapakawalan kaming dalawa ni Ravier.

"Tumakbo kana Axis! Iwan mo na ako bilisan mo!" Ani ni Ravier at agad niyang ikinumpas ang kamay niya patungo sa akin para naman akong nabalot ng hangin at lahat ng pana ay nasasangga nito.

"Ravier!!" Agad tumama ang mga pana sa kaniya at halatang nasaktan siya sa mga iyon ngunit patuloy padin siya sa pagprotekta sa akin.

"Tumakbo ka na!"

Para bang kusang gumalaw ang mga paa ko at nanakbo palayo sa kanila, pipigilan sana ako nung lalaki kaso ay agad siyang sinugod ni Ravier.

"Bilisan mo!"

Hindi ko na liningon kung ano man ang nangyayari dahil nadin sa takot ko. Ang tanging iniisip ko lang ay dapat akong makaabot sa kampo at makahingi agad ng tulong.

"Nasaan si Ravier?!"sabi ni Dyllan, may dala dala itong malaking kalasag .Mabuti na lamang at nakasakubong ko ito.

"Nandun siya kung saan kami laging nageensayo"

"Sumama ka sa akin, may umaatake din sa kampo at baka may makasalubong ka pang kalaban natin." Napatango na lamang ako sa kaniya at sumunod. Kung gayon lahat kami ngayon ay nanganganib ang buhay?!

Nang marating namin ang lugar kung saan ko iniwan si Ravier ay nagulat kami sa dinatnan namin, dahil nakabaon ang isang pakpak nung lalaki sa dibdib ni Ravier. Agad sumugod si Dyllan noong nakita niya iyon samantalang nanlumo naman ako sa aking nakita.

Iwinasiwas nung lalaki ang katawan ni Ravier at tumalsik ito sa mga puno. Dali dali ko namang tinakbo ang pinagbagsakan niya. This couldn't be happening.

Nang makalapit ako kay Ravier ay agad kong tinignan kung may pulso pa siya, punong puno ng sugat ang iba't ibang parte ng katawan niya lalong lalo na ang sugat na natamo niya sa pagkabaon nung pakpak nung lalaki. Wala ng malay si Ravier at mahina na din ang pulso nito.

Nilingon ko si Dyllan at patuloy itong nakikipaglaban duon sa lalaki. Sinubukan kong buhatin si Ravier at kahit papaano'y nakatayo na kami. Kailangan ko siyang madala sa kampo upang matulungan siya ni Marjorie.

Kahit mabigat ay pinilit kong akayin pabalik si Ravier, hindi na ako nagpaalam kay Dyllan at sa tingin ko'y maiintindihan naman niya iyon. Ngunit gaya nga ng sinabi ni Dyllan may nakasalubong kami na isang halimaw, gawa ito sa bakal at kumikinang ito.

Isang matinis na sigaw ang pinakawalan nito at agad na sumugod. Naiwasan ko naman agad ang pagatake nito dahil may kabagalan siyang kumilos. Isinandal ko naman si Ravier sa katabing puno upang hindi siya madamay sa laban namin. Kanina'y prinotektahan niya ako ,ngayon naman ako ang proprotekta sa kaniya.

Kinuha ko ang kutsilyo mula sa likod ko at tinutok sa halimaw. Muli itong nagpakawala ng matinis na sigaw at sumugod muli, gaya kanina'y naiwasan ko ito agad ,sinubukan ko siyang saksakin gamit ang kutsilyo ngunit hindi ito bumabaon. Dahil siguro sa parang bakal na balat nito. Patuloy lamang sa pagsugod ang halimaw sa akin at puro ilag lamang ang nagagawa ko. Kailangan kong matalo agad itog halimaw dahil hangga't tumatagal mas lalong nanganganib ang buhay ni Ravier.

Napansin naman ng halimaw si Ravier at agad niya itong sinugod. Hindi ito makakailag at tanging ako lang ang makakapagligtas sa kaniya. Tumalon ako patungo sa halimaw at nakasampa naman ako sa likod niya, sinubukan niya akong iwasiwas ngunit hinigpitan ko lamang ang kapit ko.

Naramdaman kong patuloy na umiinit ang buong katawan ko na para bang napapaso na ako sa sarili kong init. Mas lalong nagwala ang halimaw matapos niyang maramdaman ang init ko. Para bang may kung anong nagudyok sa akin nakagatin ang halimaw ,kaya naman kinagat ko ito ng buong lakas.

Bumaon ang mga pangil ko sa balat ng halimaw at napasigaw ng malakas ito. Hindi ako makapaniwala sa aking nagawa at makalipas lamang ang ilang segundo ay bumagsak na ang halimaw. Mayroon padin akong mahahabang pangil na tila nagaapoy sa init. Inakay ko ulit si Ravier na ngayon ay parang mas magaan na.

With this , I can save him.

Facing The Zodiacs(Rewriting)Where stories live. Discover now