Introductions and questions

90 4 0
                                    


Nagising ako ng maramdaman ko ang isang karayom na itinusok sa akin. Agad akong napabalikwas ng bangon at umamba ng suntok sa nagturok sa akin. Nagulat naman siya sa inasta ko at mukhang gusto niyang magsorry.

"Tamie" sabi nito sa mahinang boses, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko ito naintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo? At bakit mo ko tinurukan? Lason ba yun?" Sabi ko at napahawak sa braso kong tinurukan niya kanina, nakaramdam ako bigla ng pagkahina at muli akong napahiga sa kama. Ahhh ang sakit ng katawan ko .

Napansin kong nakitingin lamang sakin yung babae at nakakunot din ang noo nito. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinignan ko lamang ito, anong gagawin ko sa kamay niya may hinihingi ba siya? Nakalahad padin ang kamay niya na para bang nanghihingi ng pahintulot sa akin.

Ilang segundo din ang lumipas at bahagya niyan itinikom ang kaniyang palad at halatang nalungkot siya, akmang ibaba na niya ang kaniyang kamay ng hawakan ko ito at inilagay sa aking noo. Ganun din ang ginawa ni Rhea at Ravier kaya baka iyon ang nais niyang gawin. Napansin kong namula ang pisngi niya at biglang napaiwas ng tingin sa akin.

"Paumanhin" sabi nito matapos niyang alisin ang kamay niya sa aking noo. Lumabas naman agad siya ng tent bago pa man ako makapagsalita.

Sinubukan kong tumayo muli ngunit hindi pa kaya ng katawan ko kaya hanggang upo lamang muna ako. Nasaan na kaya ako, ang huling pagkakatanda ko ay pasan pasan ako ni Ravier. Tama si Ravier ar Rhea! Nasaan na kaya sila kailangan ko silang makita.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong lumabas ng tent.Nagugutom na din ako dahil halos isang araw na akong walang kain,kaya siguro nanghihina padin ako ay dahil na din sa gutom ko.

"Oh gising ka na pala tara kumain muna tayo"bungad sa akin ni Ravier ng makita niya akong lumabas ng tent,inalalayan naman niya ako at pumunta agad kami sa tapat ng apoy,nanduon din ang iba nilang kasamahan pati si Rhea at yung babae kaninang nagturok sa akin.

"Togaei, Ish Axis, aru Leo" sabi ni Ravier duon sa mga kasamahan niya, awtomatiko naman akong ngumiti at tumango sa kanila dahil mukhang ipinakilala ako ni Ravier, ano bang lenggwahe iyon? Isa-isang lumapit yung nga kasamahan nila at nagpakilala

"Ish Ethiope,aru Libra"sabi nung isang babae, may kasingkitan ang mata nito at maputi din ang kutis, para siyang japanese. Tinanguan ko naman at kakamayan ko sana siya pero hinawakan niya bigla ang noo ko, ano bang meron sa noo ko?

"You look weak"sabi nito magkatapos niyang hawakan ang noo ko at bumalik na din siya kinauupuan niya. Aba't ng asar pa.

Sumunod naman ang isang lalaki na may kalakihan ang pangangatawan, nakakatakot nga siya dahil sa body built niya na para bang bigla ka na lang uupakan

"Ako si Dylan, Tauros pre" sabi nito, nagulat naman ako dahil bigla siyang nagfilipino ,tinawanan naman niya ako at bumalik na sa pwesto niya kanina.

"Oliver, Sagittarius"sabi nung isang lalaki na nakaupo lamang dun ,kumaway naman ako sa kaniya ngunit hindi niya na ito pinansin.

"Ah, ako nga pala si Marjorie,nagkita na tayo kanina,scorpio ang bloodline ko"sabi nung babaeng may tinurok sa akin kanina, nakayuko ito at mukhang nahihiya sa akin,tinanguan ko naman siya at bumalik na din siya sa pwesto niya kanina.

Tinignan ko muna silang lahat bago humugot ng lakas na magtanong, mukha namang expected na nilang magtatanong ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Okay, so ngayon nasaan ako, sino kayo at bakit ako nandito"

Facing The Zodiacs(Rewriting)Where stories live. Discover now