Not all of them

95 4 0
                                    


"Brother, those attacks awhile ago.." hindi tinapos ni Rhea ang sinabi niya at mukhang malungkot siya, mukha ding hindi mapalagay si Ravier at parang may nangyari. Hindi na lamang ako nagsalita dahil wala din naman talaga akong alam sa nangyayari.

Mukha namang hindi na kami nasundan nuong mga humahabol samin kanina. Teka bakit nga pala kami hinahabol ng mga yon? Tumigil ako sa pagtakbo at napaisip ng mabuti.

Napansin kong tumigil din silang dalawa at tinignan nila ako na parang nagtataka. Kaninang kanina ko pa gustong magtanong pero di ko magawa pero mukhang magandang oras na ito para magtanong.

"Sino ba talaga kayo" sabi ko sa dalawang kaharap ko ngayon at itinutok ko sa kanila ang kutsilyo na binigay sakin ni Rhea kanina. I just can't trust this guys easily,ni hindi nga nila masabi kung sino sila at ano ba talagang nangyayari.

Akmang magsasalita na sana si Rhea pero bigla siyang tinamaan ng isang kahoy. Nabaling ang tingin ko sa direksyon na pinanggalingan nito at nakita ko ang dalawang bata na nakalutang sa ere. Isang batang lalake at isang batang babae, mukha naman silang normal na tao pero walang normal na tao ang kayang lumipad.

"Rhea!" Agad na pinuntahan ni Ravier ang walang malay na si Rhea na ngayon ay nakahiga na sa lupa. Anong gagawin ko?! Nakita kong kumampas yung batang babae at sa isang iglap ay umangat ang ibang mga punong kahoy na nakalat. Ngumiti ito at tinuro ako.

"Axis!"  Bago ako tamaan ng mga kahoy ay napaligiran na ako ng malakas na hangin, parang yung barrier na ginamit kanina ni Ravier. Napatingin ako sa kaniya at para bang galot na galit ito. Hinawakan  niya ang kanyang bazooka at pinaulanan ang dalawang bata. Ngunit ni isang bala ay walang tumama sa dalawa, bago ito makarating sa kanila ay naglalaho na ang kaniyang bala, teka yung bala niya parang bolang hangin.

"Axis, kunin mo si Rhea at tumakbo na kayo" sabi ni Ravier habang patuloy padin niyang binabaril ang dalawang bata. Tumakbo ako papalapit sa walang malay na si Rhea at tinapik ako pisnge nito. This is my fault if I didn't asked a stupid question then they could have been on guard. This is my freaking fault.

"Axis, wag mo ng sisihin ang sarili kailangan niyo ng maka alis dito, hindi ako maka laban ng maayos habang prino-protektahan ko kayo" binuhat ko si Rhea sa aking likod at agad na tumakbo papalayo ngunit hinarangan agad kami nung batang babae. Nilingon ko si Ravier na ngayon ay kinakalaban yung batang lalaki. Di ko kayang makipaglaban at tiyak na matatalo ako dito sa batang to.

"Asku maylo?"sabi nung bata at ngumiti sa akin. Anong lenggwahe yun?Nakadinig ako ng mahihinang kaluskos at sa isang iglap ay may mga dahon na lumitaw sa kaniyang likuran sa isang kumpas ng kaniyang kamay ay lumipad ang mga ito papunta sa amin. Totoo ba ito mga dahon lang naman yan eh. Pero mabuti ng mag ingat, sinubukan kong iwasan ang lahat ng dahon pero may iba pading tumama sa akin at kay Rhea.

"Hahahaha, ishke larke mapeo lakuri" sabi nung bata hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya ngunit agad akong napadaing sa hapdi. Matulis pala yung nga dahon na iyon  at para bang may lason pa , nakaramdam ako ng pagkahina at agad napaluhod sa lupa. Wala pading malay si Rhea ngunit natamaan din siya ng ibang dahon. Kinuha ko ang kutsilyo na binigay sakin ni Rhea at tinutok ito sa bata. I think I have no choice but to fight.

Facing The Zodiacs(Rewriting)Where stories live. Discover now