A stranger

143 4 0
                                    

Pagkamulat ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang mukha ng isang babaeng may kulay pink na buhok. Taimtim itong nakatitig sakin habang nakasalubong ang kilay niya.

"Ah eh, magandang umaga sa iyo ba itong duyan?" Sabi ko at tumayo na, kinuha ko na din ang gamit ko at agad humingi ng paumanhin sa babae

"Pasensya na ah, nakitulog lang" sabi ko at naglakad na papalayo. Hindi man lamang umimik yung babae sakin sungit naman niya nakitulog lang eh.

"Leo" nadinig kong sabi nung babae sa mahinang boses. Ano daw? Leo? Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit bago ako tuluyang maka alis ay sinulyapan ko muna siya. Nakatitig padin siya sakin tulad kanina na para bang kinikilatis ako, hmm weird.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng karinderya, meron pa naman akong pera kahit papaano kaya pwede akong kumain, siguro ay dapat maghanap na ako ng mapapasukang trabaho,di ko naman kayang pag aralin pa ang sarili ko maski mag apply man ako ng scholar.

"Leo!" Nadinig kong may tumawag sa likuran ko ngunit di ko iyon pinansin. Hindi naman kasi ako si Leo. Nagfocus na lamang ako sa paghahanap ng makakainan , bakit ba walang makainan man lang dito, puro kabahayan lang kaasar.

"Leo!"

Lilingunin ko na sana yung tumawag ng biglang uminit ang paligid. Tinangala ko ang kalangitan at hindi pa naman ganun ka araw, bakit kaya biglang uminit.

"Leo" agad akong napabalikwas ng maramdaman kong may bumulong sakin. Hinarap ko naman agad siya at nakita ang babae na may pink na buhok. Hinawakan niya ang ulo ko at pumikit ito. Tinabig ko naman ang kamay niya dahil sa gulat.

"S-Sino ka ba?" Sabi ko at umatras . Nababaliw na ata itong babaeng to.

"Axis, It's me Rhea."sabi nito. Hindi ko naman siya kilala at wala akong kilalang Rhea, at bakit ganun yung accent niya parang hybrid ng two native accents.

Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng palad niya. Nakakapaso. Hinila niya ako patungo sa isang pulang sasakyan. Malakas siya at di ko man lang magawang magpumiglas, napansin ko ding mas lalong umiinit ang paligid. Nakakahiya naman kung magsisigaw ako dito ng tulong. Pag nakakita na lamang ako ng pagkakataon tatakasan ko na lang siya.

"Get in"

Binitawan naman niya na ako ngunit hindi ko magawang tumakbo para bang ayaw makipagcooperate ng katawan ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya at ganun din siya sakin.

"Get inside, now" sabi nito at naglabas ng pang fencing na espada. Kanina niya pa ba yon hawak? Bakit parang ngayon ko lang yun nakita? Napalunok na lamang ako ng laway at agad na pumasok sa loob ng sasakyan.

Pumasok din naman na agad siya ngunit hindi niya na dala yung espada. Ano yun nasaan na yun?

"S-sino ka b-ba talaga?" Sa halip na sagutin ako ay binuhay niya ang makina at pinatakbo na ang kotse. Isang maling galaw ko lang ay maari niya akong saksakin nung espada niya. Pero nasaan na ba yun?at bakit espada pa pwede namang kutsilyo pero that is the least of my concern right now. I need to get away from her.

"Saan mo ko dadalhin?" Sabi ko,trying to buy some time to think of a plan. Paano ba ako makakatakas sa babaeng ito.

"You talk to much" sabi niya at may hinugot siyang isang bulaklak mula sa kaniyang bulsa, ngayon lang ako nakakita ng ganuong bulaklak. Tinapat niya iyon sa aking ilong,at sa hindi ko malamang dahilan ay bumigat ang pakiramdam ko, para bang bigla akong napagod. Sinubukan kong labanan ang pagod ko ngunit di ko kaya. Napapikit na lamang ako at nagpalamon sa pagod ko.

Ang malamig na simoy ng hangin ang gumising sakin. Paano ako napunta dito? Teka nasaan nga ba ako? Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit wala naman akong kasama.

"Nanaginip kaya ako? Pero kung nanaginip ako, bakit ako nasa dalampasigan?" Banggit ko sa sarili ko, kinalaw ko pa ang tubig dagat na nasa harapan ko, totoong tubig ito.

"Hey you there, I can't carry you so I waited for you to wake up, and now you are awake let's move on" sabi ni Rhea sa likuran ko, kung gayon di pala ako nanaginip.

Wala na akong nagawa at sumunod sa kaniya, baka mamaya'y saksakin niya ako ng espada niya.

Tumigil kami sa tapat ng isang bahay kubo. May sapak na nga ata talaga tong babaeng to. Bumaba naman siya at sinenyasan akong bumaba nadin at sumunod sa kaniya.

"El Tala" pagkabasa ko dun sa nakasulat sa karatula na nakasabit sa itaas ng kubo . Dumiretso na sa loob si Rhea at naiwan ako sa labas ,ayos ito na ang pagkakataon kong makatakas pero ano nga ba talaga itong lugar nito,bakit parang ngayon ko lang to nadinig?

/hey if you are trying to escape,I just want to tell you ,you can't. Now come inside/

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Rhea na may hawak na dalawang admission ticket. Did I just hear her inside my head? Napansin ko naman siyang tumango at sumenyas na sumunod na sa kaniya

What the hell is happening here?! First was her fencing sword, second the weird flower she just used awhile ago and lastly telepathy?! Is this even happening? For real?!

Facing The Zodiacs(Rewriting)Where stories live. Discover now