Prolouge

316 10 5
                                    

"You're expelled,you may now leave this school Mr. Canvos!! " nanggagalaiting sigaw ni Mr. Roland sakin pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Medyo nasisilaw nga ako sa kaniya kasi naaninagan ng ilaw ang kaniyang makinis na ulo. Bakit ba trip nitong magpakalbo, pero ano daw sabi niya?! Ako expelled di pwede yun!

"eh sir.. Di naman po-"He cutted me with his famous death glare at totoo palang nakakatakot si Mr. Roland.

"No buts Mr. Canvos go now and pack your things"pahabol nitong sabi bago padabog na isara ang pintuan ng kwarto ko. Talagang sinadya niya pa ko dito sa dorm ko para lang sabihin yun?! Napakalupit naman talaga ng kalbong yun. Napasalampak ako ng higa sa kama ko habang iniisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito, nakakainis.

---

"Ikaw lang Jane ang mahal ko promise,cross my heart"sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon, maganda naman siya kung tutuusin at matalino pa, kompleto rekados na nga siya kung tutuusin.

"Totoo ba yan Axis? Nako hindi ako naniniwala sayo. Ikaw pa eh-"natigilan siya ng bigla kong hawakan ang kanyang kanang kamay, nagblush sya halatang halata eh. Nginitian ko lamang siya at ngumiti din ito sakin, I've been named as a player inside the campus. Kaso hindi ko pa din maintindihan kung bakit may nagkakagusto sakin,pilit ko na ngang pinapasama ang imahe ko sa campus na ito.Pero sige padin sila sa pagkakagusto sa akin.

Binawi niya ang tingin niya sakin at nahihiyang yumuko"Oo na pumapayag na kong maging girlfriend mo Axis"sabi niya na akin na mang ikinalungkot at the same time ikinatuwa, isang babae na naman ang iiyak.

"Wow pare ang galing mo"pampupuri ng isa kong kaibigan,lumabas na sila mula sa pinagtataguan nila, nagulat naman si Jane sa biglaang pagsulpot ng mga kaibigan ko.

"Tsk tsamba oh ito 1000 pesos mo"sabi nung kapustahan ko, kaibigan ko din naman siya at ang hilig nila ay ang mambiktima ng mga babae. Kung hindi lang talaga sana ako gipit ay hindi ko ito gagawin,kaso wala eh kailangan ko ng pambayad ng tuition. Eh wala na naman akong pera, wala din akong trabaho at tanging ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko.

Paglingon ko sa likuran ko isang malutong na sampal ang inabot ko mula kay Jane."Jane sandali lang"ngunit huli na tumakbo na siya paalis ng luhaan.Tanga mo Axis

-

Hinawakan ko ang 1000 pesos sa aking kamay habang nanghihinayang, kung alam ko lang sana na anak ni Mr. Roland si Jane hindi ko na sana iyon ginawa.

Bitbit bitbit ang mga gamit ko umalis ako sa eskwelahan na naging tahanan ko simula ng mamatay ang magulang ko, pero ngayong wala na akong eskwelahan na matutuluyan saan na ako tutungo?

Facing The Zodiacs(Rewriting)Where stories live. Discover now