" What's your problem?" inis na sabi nya pero hindi ko sya sinagot basta lumapit lang ako sa kanya
" Ang aga-aga pa yan na agad ang iniinom mo"
" Ano bang pakialam mo?" inis na sabi naman nya
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya
" Who cares?"
" I care. Kung gusto mong patayin agad ang sarili mo dapat uminom ka nalang ng lason mas mabilis yun" sabi ko tapos ay walang sabi-sabi kinuha sa kanya ang hawak nya at itinapon ko agad iyon sa basurahan
"Who do you think you are? " Dinig kong sabi nya habang binuksan ko ang ref nya at naghanap ng pweding kainin doon
" I told you last night my name is Jessie" sagot ko sa kanya habang nagpatuloy ang tingin ko sa loob ng ref na wala manlang matinong pagkain puro beer at energy drink lang ang laman ni wala man lang laman kahit na tubig.
" Wala ka man lang bang pagkain dito?" tanong ko sa kanya, nilapitan ko sya sa kitchen counter top at doon ko nakita ang isang tray ng eggs na may laman na dalawang piraso
" I don't cook " simpling sabi nya. Muli ko syang tinignan ewan ko ba curiosity is eating me.
" Pano ka kumakain puro order take out?"
" Ano naman sayo yun? kung nagugutom ka ayun yung phone magpa-deliver ka na lang."
" Ayoko" sabi ko bitbit ko na ang tray ng eggs " magluluto ako ng breakfast natin"
" At sino naman may sabi sayo na pwede kang makialam sa kusina na ito?" tanong nya kaya natigilan ako at hinarap sya
" May bread ka ba?"
"Meron pa yata dyan sa cabinet." Sagot naman nya " Teka. Nakikinig ka ba?"
" Asan yung kawali mo? Tanong ko ulit
" Sa left cabinet" sagot ulit nya " Wait.. Ano ba! Hindi mo ba ako narinig?" naiinis na nyang sabi
" Naririnig, dito sa cabinet na ito diba?" tanong ko ulit
" Ang sabi ko" bumuntong hininga muna sya pakiramdam ko pinapakalma nya ang sarili nya " Ang sabi ko bawal kang magluto"
" Bakit pipigilan mo ba ako?" sabi ko kaya sya naman ang natigilan at hindi nakapagsalita
YOU ARE READING
Playing with the Player
RomanceA true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace-sin Kin Matured content please be guided
Chapter 5 - Something or Something?
Start from the beginning
