Chapter 34 - Make or Break

25 0 0
                                        


Jessie's POV 

Wala na si Gabriel. Kanina pa nawala 'yung tunog ng motor niya, pero weird kasi parang naririnig pa rin ni Jessie yung tunog ng motor na iyon noong pinaandar ito ni Gabriel upang umalis. O baka tunog lang talaga 'yung naiwan.

By the time Jessie blinked back the last of her tears, the sun had already set—slipping quietly beneath the sea the moment he walked away.

The sky painted with orange, purple, and just a hint of blue turning into night.

Jessie wasn't sure kung giniginaw ba siya o kung emptiness lang 'yun' ng space na iniwan ni Gabriel sa puso niya.

And still, she stayed. Still waiting. Kahit tapos na ang araw. Kahit wala na siya. 

For a long moment, Jessie remained still, her chest tight, her arms hugging herself. The reality of being left there—completely alone—hit her like a wave. Then she smile.

"Seryoso? Of all people... bakit siya pa? Yung pambansang playboy pa talaga Jessie?. Literal walking red flag. Yung tipong hindi mo alam kung girlfriend ba o buong fan club ang kasama niya every time he walks into a room. Out of seven billion people, sa kanya pa talaga ako nadapa? Bravo, Jessie. Ang talino mo. Pure genius."

"At hindi pa doon nagtatapos ako pa mismo ang nag-volunteer maging love coach. Ako pa yung nagbigay ng speech na parang alam ko lahat tungkol sa closure at moving on. "Sige, harapin mo si Neah, para finally free ka na." may pa strong independent woman moment... pero guess what? Siya ang liberated, ako ang lutang. Siya ang moved on, ako ang naiwang hurting, crying, starring in my own tragic rebound queen story."

"Wow. Clap clap. Pang-best supporting character award. Congratulations, Jessie. Ikaw na ang kontrabida sa sarili mong love story."

Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang dibdib. Napayuko siya, pilit tinatago ang luha habang naglalakad malapit sa railing ng cliff. Pero hindi niya napansin ang railing, luma at kalawangin, at may naputol sa isang gilid.

Isang maling tapak at bumitaw ang metal.

"Ahhh!" malakas ang sigaw niya habang nahulog ang paa niya sa hangin.

Parang slow motion ang lahat: nanlaki ang mga mata ni Jessie, kumakapa sa ere ang mga kamay niya dahil desperadong siyang may mahawakan. At doon, sa ilalim ng bangin, isang nakausling bato ang sumalo sa kanya. Saktong kinaya nitong pasanin ang bigat niya.

"Ouch! Shit!" napabulalas siya, nangingilid ang luha sa kirot ng mga galos niya. Hindi lamang iyon dahil agad niyang naramdaman ang sakit sa balakang at likod, pero nakaligtas siya.

Napangiwi siya at huminga nang malalim, halos maiyak siya sa takot, pero mapait na tawa rin ang lumabas sa bibig niya.

"Perfect," bulong niya, tinutulak ng hangin palayo ang boses niya. "Brokenhearted ako... tapos ngayon, halos mamatay pa sa sariling katangahan. Universe, seryoso ka ba?"

Nakatingin siya sa alon sa ibaba, ramdam ang bigat ng katotohanan: kung kanina broken lang ang puso niya, ngayon pati katawan, sinubok na rin. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon dahil kung hindi siguradong hindi siya bubuhayin ng malalakas na alon na bumabangga sa mga matutulis, malalaki at magagaspang na mga bato na nasa ibaba niya. 

" Saklolo! Please Help! Tulungan nyo ako! Nandito ako!" sigaw ni Jessie pero ang buong lugar ay tahimik at wala nang katao-tao at kahit hindi niya aminin alam niya na walang kahit sinong makakarinig sa kanya sa lugar na ito.

Playing with the PlayerМесто, где живут истории. Откройте их для себя