Chapter 4 - 1st out lesson

2.3K 57 6
                                        

Pagdating namin sa loob ng bar ay nagulat kami dahil ang daming tao pero hindi naman over crowded. Ito ang unang beses na makakapasok ako sa loob ng isang club kaya hindi ko alam kung ano ang kaibahan nito sa ibang sikat na bar, club or gimikan sa Metro Manila pero masasabi ko na maganda ito, above average ang interior design at medyo malaki ang space kaya kahit maraming tao ay kaya mong kumilos ng normal maganda rin ang mga naka- install na lightning at spotlights maraming color combination na hindi masakit sa mata.

Ang mga table and chair naman ay first class ang design at mukhang mamahalin talaga I think this is not a typical club dahil kahit ang mga guest ay mukhang galing din sa hindi normal na pamilya. May mga class ang mga tao, which I guess from a wealthy family.

" Jessie dun tayo" dinig kong tawag ni Heidee kasabay noon ang pagturo nya sa isang bakanteng upuan malapit sa may dance floor

Sumunod ako sa kanila habang hindi ko binibitiwan ang kamay ni Orly na akala mo isa akong bata na takot mapahiwalay sa magulang.

Paglapit namin doon ay agad kaming umupo sa I think designer's couch. Kitang kita ko sa mga kasama ko na natutuwa sila sa nakikita nila sa paligid

" Oh my gosh ang daming boys dito." dinig kong sabi ni Orly

" Oo nga and I saw a couple of celebrity and politician din" sabi naman ni Heidee

" So pano lets order something to drink?" tanong ni Orly

" Mabuti pa nga para hindi tayo magmukhang eng-eng dito" sagot naman ni Tricia

Nakita kong kumaway si Orly sa isang Server ng club na agad naman lumapit para kunin ang mga order namin at dahil hindi ako pamilyar sa menu ng isang bar hinayaan ko na lang na sila Orly. Omorder sila ng pizza and chips at ang drinks namin Cosmos and I have no idea sa iba pa. Noong una Nagmamasid lang ako sa mga kasama ko tini- take down notes ko lahat ng ginagawa nila mula sa pagtingin sa ibang guest na nasa bar. Pinag-aaralan ko kung paano sila kumikilos. Lihim din akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila at kung ano mga topic na gusto nila lahat yun nilalagay ko sa notepad sa CP ko. 

" I love this bar ang daming cuties " dinig kong sabi ni Orly

" Oo nga come on let's dance 30 minutes na tayong naka upo " yaya naman ni Trcia sa amin 

" Sige, lets go! I love that song pa naman" sagot naman ni Orly tumayo narin sya at excited

Nakita ko rin na tumayo na si Heidee at Tricia 

" Tara na Jessie" yaya ni Heidee sa akin

" Ah sige dito na lang muna ako. babantayan ko mga gamit nyo" sabi ko naman ang totoo ayokong sumayaw dahil hindi ko alam kung paano

" Ano ka ba ang manang mo. This is a high class club hindi mawawala yung mga gamit natin dito kaya tara na" pilit na sabi naman ni Tricia sabay hatak nila sa akin ni Orly kaya wala na akong nagawa dahil nagtuloy-tuloy na kami sa dance floor kung saan ang dami ng taong nagsasayaw.

Sumiksik kami ng mga kasama ko sa middle ng dance floor pagdating namin doon ay nagsimula ng umindak sila Tricia, Orly at Heidee sa magandang music samantalang nanatiling lang akong nakatayo dahil pakiramdam ko naninigas ang mga paa ko

" Jess just move gayahin mo lang kami"

" I can't dance with these shoes" sabi ko 

" Of course, you can. Just move your body and let your feet take the rest."

 Nahihiya akong gumalaw yun ang totoo

Playing with the PlayerWhere stories live. Discover now