Chapter 11 - Date or date

1.1K 25 0
                                        

JESSIE

Nasa bahay si Jessie nakauwi na sya galing sa trabaho at nakasuot na ng pambahay, gumawa sya ng coffee at habang iniintay nga magdrip sa coffee maker ang kape nya ay napatitig lang sya doon. 


Flashback JESSIE - 4th Year in High School


Jessie!" dinig kong tawag sa akin ni Lois ang bestfriend ko kaya huminto ako sa paglalakad para hintayin sya

" Hello Lois." bati ko sa kanya noong nakaabot na sya sa akin

" Ang bilis mo maglakad, grabe hiningal ako kakahabol sayo"

" Sorry, bakit mo ba kasi ako hinahabol?"

" Wait let me take a sit for a while" sabi nya kaya inalalayan ko sya hanggang makalapit kami sa isang stone bench na malapit sa amin

" Mukhang kailangan mo na ulit bumalik sa paglalaro ng volleyball kasi ang bilis mo na hingalin" sabi ko " O uminom ka muna ng water" sabi ko kasabay noon ay inabot ko na sa kanya ang hawak kong bottled water na kinuha ko sa cafetery ng school

" Ok na, Hello naman kasi kanina pa kaya ako lakad takbo sa buong quad kakahanap sayo"

" Bakit? anong problema?"

" Here" sabi nya " read it page five bilis"

" Ano ba to?" tanong ko pero kinuha ko rin ang magazine na ibinigay nya sa akin at binasa ang pinapabasa nya sa akin

Nakita ko agad ang familiar na mukha na nasa magazine sya si Yuri "Ryder" Gonzaga ang kababata ko at ang nag-iisang ultimate crush ko since we were 5 years old. Pero nagkahiwalay kami noong freshmen high school kami kasi nag migrate na sila sa ibang bansa pero after a year nalaman ko na gumagawa sya ng pangalan sa car racing sa ibang bansa kaya naging busy na sya at tuluyan na nawala ang communication namin at wala na akong narinig na kahit anong balita sa kanya until now.

" Si Yuri " yun lang ang nasabi ko sa sarili ko

" Oo Jessie si Yuri or Ryder na ngayon babalik na saya dito"

" Ano!" gulat sa sabi ko kaya bigla akong nabitawan ang hawak kong mga libro at nag focus ako sa pagbabasa ng magazine na hawak ko

" Oh excited much?" ani Lois at isa-isa nyang dinampot ang mga libro ko pero wala na sa kanya ang atensyon ko dahil tuluyan na iyong inagaw ng mga nababasa ko

Nakalagay doon na disqualify sya sa isang competition dahil nakipagsuntukan sya sa isang bar sa isang kalaban nya na naging dahilan para maospital at magkaroon ng broken rib.

" Oh em. No. It cant be. This article is a lie!" reaction ko. "Kilala ko si Yuri hindi sya takaw gulo Hindi nya rin ilalagay sa isang alanganin ang sarili nya"

"Well hindi sa news na yan dahil according sa Mag na yan babalik sya dito sa bansa para takasan ang mga issues nya sa ibang bansa at para na rin siguro mag soul searching"

" Hindi parin ako naniniwala. I know he has a good explanation for all of this. Kilala ko ang Yuri na umalis dito at hindi sya ang mga nakasulat sa article na yan" sa inis ko ay pinunit- punit ko ang magazine

" Hey Jessie! that not mine!" awat nya sa akin

" I don't care! Ito ang bagay sayo" sabi ko pa tapos ay inapak-apakan ko pa ang magazine pero inawat ako ni Lois at kinuha iyon sa lupa para iiwas sa akin

" Grabe ka! bakit ba pinagdidiskitahan mo itong magazine wala naman syang atraso sayo ha"

" Dahil hindi totoo ang nakasulat dyan! Akin na nga yan!" sabi ko tapos ay inagaw ko iyon ulit at tinapon ko sa basurahan

Playing with the PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ