Chapter 13 - Hero to Zero

941 23 0
                                    

JESSIE

Tumakbo ako sa drug store para bumili ng mga panggamot sa sugat at ilang paracetamol at pain killer just in case na kailanganin. Pagkatapos kong mabili ang mga iyon ay nagmadali na akong bumalik sa condo unit kung saan ko iniwan si Gabrielle . Nagtuloy-tuloy agad ako sa kwarto nya pero naabutan ko na syang nakatulog na.

" Gabriel gising ka" marahan ko syang tinapik sa balikat " Sige na gumising ka muna kailangan nating gamutin yang mga sugat mo.

Hindi sya nagsalita o dumilat pero iniiling nya ang ulo nya

" Hindi pwede. Alam ko na masakit na yung katawan mo pero tumayo ka muna lilinisan ko yung mga sugat mo baka magka infection pa yan"

" Ayaw... umalis ka na sabi" mahina nyang sabi pero hindi parin sya dumidilat

" Oo aalis naman ako pero pagkatapos kong linisin yang sugat mo kaya sige na bangon na" medyo naiinis na ako sa kanya tama bang pagtabuyan ako.

. . . . . . . . 



" Oy ! Gabriel tayo na"





. . . . . . . .


" Hay ang tigas ng ulo. Pag hindi ka tumayo dyan mapipilitan akong gamutin ang sugat mo kahit tulog ka at hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan."



. . . . . . . . .



" Okay madali naman akong kausap eh" Pumunta ako sa kitchen nya at kumuha doon ng malalagyan ng tubig para malinisan ko yung sugat nya pero wala akong makita kaya yung bowl nalang ang ginamit ko at nilagyan ko ng tubig tapos ay binalikan ko na agad si Gabriel sa kwarto nya na tulog parin.

Umupo ako sa gilid ng kama. Tapos ay kinuha ko na yung bulak at binasa iyon ng tubig. Sa buong buhay ko ito ang palang ang pangalawang beses na gagawin kong manggamot ng sugat ng iba kaya kinakabahan ako. Pati tuloy kamay ko hindi ko mapigilan na wag manginig.

Pero napasubo na ako kaya huminga muna ako ng malalim at noong naramdaman ko na medyo relax na ako ay inabot ko ang kamay ni Gabrielle na may sugat at ipinatong iyon sa kandungan ko at dahan-dahan kong nilinis ang mga natamong sugat noon hanggang wala na ang mga dugo tapos pinunasan ko iyon ng gauze cloth para matuyo, noong tuyo na ang kamay nya ay binuksan ko na ang antibiotic cream at nilagyan ng konti ang index finger ko. Muli akong huminga ng malalim dahil alam ko na medyo mahapdi ang cream at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya pero naisip ko rin nakailangan nya iyon.

" Mahapdi yung cream na ipapahid ko pero tiisin mo lang ng konti ha" bulong ko sa natutulog na si Gabriel 

Maingat kong ipinahid ang cream sa mga sugat nya. Pagkatapos ng isang kamay nya isinunod ko naman yung braso nya tapos yung isa pa nyang kamay then finaly ang mukha nya. May sugat sya sa gilid ng labi pati sa kanang pisngi malapit sa may chick bone at sigurado ako na pag hindi ko nalapatan ng yelo ang mga iyon ay magkakaroon doon ng mga pasa. Pagkatapos kong linisan ang sugat gamit ang bulak na may tubig ay maingat ko ring pinahiran ng cream ang mga iyon. Hinuli ko yung sugat nya sa may gilid ng labi dahil sure ako na yun ang masakit.

" Sorry Gabriel tiisin mo lang ulit last na 'to promise" bulong ko pinahid ko ang cream sa sugat na malapit sa bibig nya at naramdaman ko syang napangiwi agad kaya ang ginawa ko hinipan ko ang sugat nya para mabawasan ang sakit. "Sorry" bulong ko

Kasalukuyan kong hinihipan ang sugat nya sa may labi noong bigla syang dumilat kaya natigilan ako. doon ko lang napagtanto na halos kalahating dangkal lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya kaya noong dumilat sya ay saglit akong nabato but what shocks me more is his lips landed on mine.

Playing with the PlayerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu