Tanghali na noong magising ako at bahagya pa akong nagulat noong mapagtanto ko na nasa ibang bahay pala ako. Agad akong napatingin sa paligid at doon ko lang naalala ang mga nangyari sumama nga pala ako sa pambansang playboy ng Pilipinas at nandito ako sa Penthouse nya dahil naiwan ko yung susi ng unit ko kay Orly.
" Yung susi ko!" bigla akong napabangon noong maalala ko iyon. Kailangan kong tawagan si Orly. Kinuha ko ang bag ko para kunin doon ang CP ko noong bigla iyong tumunog at nag flash sa screen ang pangalan ni Orly. Sa isip ko right on time.
" Hello?" pabulong kong sabi
" Thank God sinagot mo rin. I'm so worried about you." Sabi ng boses sa kabilang linya
" I'm sorry Orly kakagising ko lang " halos pabulong kong sabi sa kanya habang naglalakad ako papasok sa bathroom ayoko kasing magising si Gabriel.
"Asan ka nandito ko sa harap ng unit mo " ani Orly sa kabilang linya
" Ano? Ah.. kasi nasa...nasa bahay ako umuwi "
" San sa parents house mo?"
" Oo kasi nakalimutan ko yung keycard ng unit ko sa kotse mo kaya..."
" About that kaya nga ako nagpunta dito sa condo mo para isauli iyon akala ko kasi pinapasok ka ng security nyo pero sabi nila hindi ka naman daw humingi ng tulong kaya worried agad ako. Kanina pa kita tinatawagan pero ring lang ng ring yung phone mo"
" Sorry kakagising ko lang. anyway Orly can you leave my key on the reception area kukunin ko nalang mamaya"
" It's okay I can bring it to you , on the way naman yung parent house mo sa pupuntahan ko eh drop by ko nalang sayo"
" Ha? No!" biglang sabi ko hindi sya pweding pumunta dun dahil mabubuko ako baka kung ano pa ang isipin ng magulang ko
" Bakit? At parang bumubulong ka kanina pa?"
"Huh? Ano kasi... Hindi ako bumubulong mahina lang ang boses ko at isa pa paalis na rin kasi ako. Hindi na kita mahihintay kaya iwan mo nalang dyan sa reception ha. Orly sige na I have to go. I'll call you when I get home Okay bye" sabi ko bago ko i-end ang call nya hindi ko na sya hinintay na magsalita pa.
Paglabas ko ng CR muli kong inilagay sa bag ang phone ko tapos ay huminga ako ng malalim kilala ko si Orly mausisa yun at sure ako na mangungulit iyon kung bakit ako biglang nawala kagabi at sa oras na malaman nya na nagpalipas ako ng gabi sa bahay ng isang sikat na playboy sigurado ako na lalo nila akong kukulitin kaya kahit anong mangyari hindi nila dapat malaman.
Tumayo na ako dahan-dahan akong lumapit sa kama ni Gabby para siguraduhin na hindi ko sya magising pero paglapit ko doon ay wala sya doon. Hala asan na yung lalaking iyon alam ko kanina nandito pa sya at tulog na tulog hindi kaya nahulog sya sa kama? Pagkaisip ko noon ay pumihit ako sa kabilang gilid para silipin kung nahulog nga sya pero wala sya doon
YOU ARE READING
Playing with the Player
RomanceA true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace-sin Kin Matured content please be guided
