A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl.
This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace-sin Kin
Matured content please be guided
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
" Nagising ko kaya sya?"
" Anong sinisilip mo dyan?" biglang tanong nya kaya bigla akong nagulat
" Ay!Halimaw!" biglang sabi ko sa sobrang gulat
" What?" inis na sabi nya
" Wala. Bakit ba kasi bigla kang nanggugulat?"
" Ano ba kasing hinahanap mo at nagkakandahaba na yung leeg mo sa kakasilip sa sulok"
" Ikaw. Akala ko kasi nahulog ka sa kama" wala sa sariling sabi ko
" What do you think of me some stupid drunk?"
"Hindi ba?" tanong ko ulit out of nowhere at nakita ko na pinandilatan nya ako tapos ay agad na tinalikuran " Sorry" habol ko naman noong napagtanto ko na nagalit sya sa sinabi ko " Uy! Sorry na hindi ko naman sinasadyang tanungin yun." Pagpapaliwanag ko nasa kitchen na kami ng unit nya kaya biglang nahati ang atensyon ko ang ganda kasi pala talaga ng tirahan nya kaya agad akong namangha
" Hindi ko akalain na matapos kitang tulungan ay babastusin mo pa pala ako sa sarili kong bahay" dinig kong sabi nito pero wala na doon ang atensyon ko dahil tuluyan ng inagaw ng kapaligiran naming ang atensyon ko
" Wow! Ang ganda pala ng bahay mo" wala sa sariling sabi ko
" What?" inis na sabi ni Gabby siguro naguguluhan na sya sa akin.
" Sorry. Natuwa lang kasi ako. I just moved here.. I mean sa building na ito tapos ako yung nag design ng interior ng unit ko kaya natuwa lang akong makakita ng ibang design at itong design ng unit mo I mean penthouse ay talagang maganda" Lumapit ako sa may glass window at namangha ako sa nakita ko sa labas "may sarili ka pang swimming pool at garden sa labas" Nakita kong bumuntong hininga sya na parang suko na sya sa akin
"You're so weird" aniya. Nilapitan nya ang ref at kumuha doon ng beer in can at agad iyong binuksan.
" Ano ka ba!" sigaw ko sa kanya kaya bigla syang natigilan sa pag-inum ng beer na hawak nya