Lumabas ako sa dorm at umupo dun sa damuhan tsaka pumikit.


I was thinking of another solution pero napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis. Tumingin agad ako sa back door nung bumukas ito at lumabas si Jun. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko. Umupo siya sa tabi ko kaya bahagya akong umusog at tumingin nalang ako paligid. I bit my lip, tapped my fingers on my knees and breathed low.


"This is not real, right? Maybe another test for you?"
Tanong niya kaya tiningnan ko siya na nakatingin lang sa akin. Ngumiti nalang ako at hinawakan ang pisngi niya.


"Don't you ever die again."
Mahina siyang natawa sa sinabi ko at hinawakan na ang kamay ko. He was holding my hand while he was looking at the ring that he gave me. Nakatingin lang siya sa kamay ko hanggang sa naramdaman kong may pumatak na doon at napapikit nalang ako nung tuluyang nang tumulo ang mga luha niya. Jun kissed my hand and brought it to his cheeks.

He's crying. He's crying because he already knows about my decision.


"X-Xin.. not again."
Tuluyan nang nadurog ang puso ko dahil sa boses niya. Humarap na ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya pero yumuko lang siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. "N-Not again.. don't leave me again." Tears started forming in my eyes hearing Jun's voice crack. Niyakap ko nalang siya at tinapik-tapik ang likod niya.


"It's okay. Shh. It's okay. It'll be okay, Jun."
Lumingo-lingo lang siya sa sinabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.


"N-No. I can give up Xavier's energy in my body. You could've just given it to the Queen. My life is nothing compared to yours."
Napapikit nalang ako at lumingo-lingo dahil sa sinabi niya at hinagod na ang likod niya.


"Your life is more valuable than mine. A-At tsaka hindi ko hawak ang buhay ko."
Sinubukan kong magbiro pero mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan na ang mga luha ko nung rinig ko ang tawag nina Seth sa akin mula sa loob. Jun just looked away at tumayo tsaka biglang nawala sa harap ko.

Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at pinatuyo ang mga luha ko. I calmed myself for ten seconds at tumayo na tsaka bumalik sa dorm.


"Where were we?"
Kalmado kong tanong at umupo muli sa sofa.


"Ba't ka umiyak?"
Tanong agad ni Seth kahit kakaupo ko pa. Nag-iwas nalang ako ng tingin at tumingin kay Storm na nakatingin lang sa akin. Everybody was looking at me as well. Tumingin nalang ako kay Hoshi na nakatingin narin sa akin. "How long can the Queen wait?" Kalmado kong tanong at nakita kong nagtiim-bagang lang siya at tumingin pa sa team tsaka tumingin sa akin.


"A day."
Aniya kaya halo-halong reaksiyon ang natanggap niya mula sa team.


"Just a day? How bad has Star Kingdom fallen into?"
Tanong ni Milo kaya agad na itinaas ni Hoshi ang kamay niya. He projected to us what happened at the Star Kingdom. The ruins of the place were indescribable. Napasapo nalang sa noo nila nung iba dahil sa nakita nila. I just looked at Storm who was also looking at the Kingdom. Nung matapos nang ipakita ni Hoshi ang nangyari sa Kingdom ay binalik nila ang tingin nila sa akin.


"I think one day is enough to say good bye, right?"
Tanong ko sa kanila pero walang umimik sa kanila ni isa. Tiningnan lang nila ako at may mga nag-iwas pa ng tingin.


"Alam mo, napakawaley mong magjoke. Minsan ka na nga lang nagbibiro, waley pa."
Natatawang sabi ni Baxter sa akin at tumingin sa iba pero walang natawa sa kanila dahil nakatingin lang sila sa akin. Tipid lang akong ngumiti at tiningnan ang alpha ring sa kamay ko. "I'm not kidding." Tipid kong sambit at tumingin sa kanila. Team Alpha was still processing what I said when Walter was already pissed at my words.

Team AlphaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant