Kabanata XIII

2.3K 48 0
                                    

KABANATA XIII

Third Person's POV

Sa sasakyan ay kinuha nina Amede at Eryk ang kanilang mga pamalit dahil pupunta naman sila sa mall para ipagpatuloy ang kanilang date. Suot ang Alexander Wang na set at Hermes set nina Amede at Eryk ay dumiretso na sila sa mall.

"Nakakatuwa ka ngayong araw. Hindi ko kasi akalain na magkakasundo pala tayo. Nakakatuwa. Ang saya saya ng puso ko." Hindi sumagot si Eryk at nagfocus lang sa pagmamaneho.

'Nang makarating na sa mall na kanilang papasyalan ay pinagbuksan ulit ni Eryk si Amede ng pinto.

Pumasok na sila sa loob ng mall at habang naghihintay sila sa time na pwede na silang pumasok sa sinehan ay bumili muna sila ng makakain.

"Kahit tubig na lang. Ayos na ako doon."

"Are you sure?" Tumango si Amede. "Ayaw mo ba ng shake? Milk tea? Coffee?"

"Hindi na. Mas masarap pa rin ang tubig." Namangha naman si Eryk sa sinagot ni Amede. That's my girl.

'Nang pwede na silang pumasok ay dumiretso na sila sa loob ng cinema. Habang nanonood si Amede ay nakatitig lang si Eryk sa kaniya. Tinititigan ang kaniyang mga ngiti, pinapakinggan ang kaniyang mga tawa. I hope this will never fade.

'Nang matapos na nila ang palabas ay mabilis na nag-aya si Eryk umuwi. Sa bahay ay mabilis na naghanda sina Amede at Eryk para sa date night nila.

Sa sasakyan ay masayang nagkukwento si Amede sa mga nangyari sa kanila kanina. "Hindi ko talaga akalain na nangyari ang araw na 'to. Imagine mo patapos na ang araw na 'to pero 'di pa nagtatapos ang araw natin. Nakakatuwa." Nilingon ni Eryk si Amede at hindi na siya nagdalawang isip pa para hawakan ang kamay ng dalaga.

"I wish this day never comes to an end." Malungkot na sambit ng binata. Nagtaka naman si Amede.

"Ano bang meron? Napansin ko kasi na kanina mo pa sinasabi yan." Ngumiti naman si Eryk.

"Wala. It's just that ang lungkot lang dahil lumubog na ang araw at patapos na ang date natin." Napalunok si Eryk sa naisip niya.

"Hindi naman siguro ito ang last day natin, hindi ba?" Napalunok si Eryk at tumango.

"We will always see each other. I promise." Ngumiti ng matamis si Amede habang nag-iwas naman ng tingin si Eryk dahil nasasaktan siya sa sarili niyang naiisip.

'Nang makarating sila sa isang resort 'kung saan nagpabook si Eryk ay namangha si Amede.

A table for two and exclusive band just for them.

'Nang makita ni Amede ang set-up ay nagningning ang mga mata niya. "Ang ganda!" Damang dama nila ang malamig na simoy ng hangin pati na rin ang mga bituin sa kalangitan.

"Nagustuhan mo ba dito?" Tumango 'nang tumango si Amede at talagang ipinakita niyang masaya siya. Tinulungan ni Eryk na makaupo si Amede at 'nang makaupo na ang dalaga ay siya naman ang umupo sa upuan niya. "You look very beautiful tonight. Today." Nahiya naman bigla si Amede.

"Salamat." Nakangiti lang si Amede kaya naman nagtanong si Eryk 'kung ano sa mga ginawa nila ang talagang naenjoy ni Amede.

"Lahat naman na-enjoy ko. Bihira lang 'tong mangyari sa buhay ko at bihira lang na mangyari 'to sa atin. Nakakataba ng puso." Ngumiti si Eryk sa narinig.

"I really like how you answer. You answer pure innocent and genuine." Yumuko naman si Amede dahil nakaramdam siya ng hiya.

"Wala namang dahilan para malungkot ako. Ang saya saya ko ngayong araw lalo na't kasama kita." Natahimik naman si Eryk.

"Lets start eating." Nagsimula na silang kumain at masayang nagkukwento si Amede tungkol sa mga ginawa nila ngayong araw.

Pagkatapos kumain ay tinitigan ni Eryk si Amede. "I have something to tell you." Anong sasabihin niya? Gusto niya na rin ba ako? Sa isip ni Amede.

"Ano 'yun?" Bumuntong hininga si Eryk.

"I'm sorry."

"Huh? Bakit?"

"I am going..." Bumuntong hininga ulit si Eryk.

"You are going to?"

"I am going to leave you." Natahimik si Amede at napatitig lang siya sa asawa.

"I am going to Canada. Dianne needs me. I cannot leave her side. Kaya ko tinapos lahat ng gawain ko kasi kailangan 'kong umalis ng Pinas. I need to leave as soon as possible."

"Bakit ka pa nandito?" Umiiyak na sa loob si Amede pero hindi niya ito ipinakita. Ngumiti siya kahit na hindi ito umaabot sa kaniyang mga mata. "Sa wakas magkakasama na ulit kayo ni Dianne."

"Are you sure it's fine with you?" Siyempre hindi.

"Ayos lang sa akin. Kailangan ka niya ngayon saka sapat na sa akin ang isang araw na magkasama tayo. Kahit ngayon lang mangyayari 'to. Salamat pa rin ng marami." I fucking hate this. Sa isip ni Eryk.

"Are you sure you're okay?" Ngumiti si Amede.

"Wala naman tayong magagawa 'kung okay ako o hindi basta okay ka, ayos na 'yun."

"I'm sorry." Umiling si Amede.

"Wala 'yun. Anong oras pala ang flight mo? Mukhang nagmamadali ka na e."

"12AM." Tinignan ni Amede ang orasan sa kaniyang telepono.

"10:43PM na. Baka malate ka sa flight mo. Kaya ko naman 'nang umuwi mag-isa."

"No. I will send you home." Umiling si Amede at tumayo.

"Gusto ko muna magpahangin. Pwede ka 'nang umalis." Tumayo si Eryk at hinawakan sa kamay ang asawa. "Oo nga pala. Huwag mo hahayaang may makaalam ng relasyong meron tayo ha? Pinapangalagaan ng mabuti ng pamilyang Wiese ang relasyon natin. Wala ako sa tabi mo para protektahan ka at ito lang ang kaya 'kong gawin. Ang paalalahanan ka. Hindi din naman ako gagawa ng gulo dito. Iiwasan ko si tito Loewe at tito Kin pati na rin si Duke. Mag-iingat ka." Umalis na si Amede sa harap ni Eryk dahil hindi niya na kayang pigilan ang mga luha na kanina pang gustong kumawala.

'Nang makalayo na ay doon na ibinuhos ni Amede ang lahat. Umupo siya sa buhangin at sumandal sa bato na nakaharap sa dagat. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod at doon na siya humagulhol. "Bakit kailangang ako na lang lagi ang masasaktan?" Umiyak lang siya ng umiyak at 'nang mahimasmasan na ay natawa siya sa sarili. "T-tanga ka kasi..." Napipiyok niyang sambit. "Ba't kasi sa lahat ng tao siya pa 'yung minahal mo? 'Yan tuloy ikaw ang nasasaktan."

Tumitig lang si Amede sa dagat at pinakiramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin. Bigla na naman siyang naluha at this time tahimik na lang siyang umiiyak.

"Miss?" Agad na pinunasan ni Amede ang kaniyang luha at tinignan ang lalaking tumawag sa kaniya.

"B-bakit?" Nagulat siya 'nang mag-abot ng panyo ang lalaki.

"Akala ko kanina may multong umiiyak kaya hinanap ko 'kung saan nanggagaling 'yung tunog. May isang binibini pala ang lumuluha." Tinitigan lang ni Amede ang lalaki at natawa naman ang lalaki rito. Tumabi ito kay Amede kaya umurong si Amede.

"I'm harmless. Hindi kita sasaktan. Promise." Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Amede at siya na mismo ang nag-abot kay Amede ng panyo. "Here. Wipe of your tears. Ang mga babae hindi dapat umiiyak. So stop crying already. Shh na." Pinunasan ni Amede ang kaniyang luha at 'nang tignan niya ang panyo ay may nakaburda doon na pangngalan.

Rocco Mason.

Nanlaki ang mga mata ni Amede at nilingon niya ang lalaki. "Rocco?!" Ngumiti naman si Rocco.

"Yes. It's me, Rocco. Nice meeting you again Tala. My long lost best friend." Agad na niyakap ni Amede si Rocco at doon na siya muling umiyak.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon