Kabanata III

2.6K 47 3
                                    

KABANATA III - a quick note. the wedding is over. let's move on a fast and smooth pace.

Mabilis na natapos ang kasal at ngayon ay nandito na ako sa sasakyan. Pauwi na kami sa tutuluyan namin ni Mr. Gusford at hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok nang puso ko. Natatakot ako sa aura ni Mr. Gusford at umabot na sa punto na kapag tinitingnan niya ako ay hindi na ako humihinga.

"Fvck it. Why does it have to be you?" Hinampas niya ang pinto nang sasakyan kaya napahawak ako nang mahigpit sa gown na suot ko.

"B-bakit?"

"Tinatanong mo ba talaga 'kung bakit? Don't you think that I know you? Pokpok ka! I saw you at the bar last month, bitch." Saglit na tumigil ang mundo ko nang maalala ko ang panahon noong na sa bar ako. Hindi ko na kailanman gugustuhin pang bumalik doon. Natrauma na ako at kahit kailan ay ayaw ko nang maalala iyon. Walang nangyaring iba sa akin doon pero ang naging karanasan ko sa pagtatrabaho doon ang problema ko.

"Hindi ako pokpok. May kuwento-"

"Just fvcking shut up! Wala akong pake sa kuwento mo o kahit sa anong bagay tungkol sa 'yo dahil kahit kailan ay hindi ako magiging interesado. Madumi ka at hindi ako makapaniwalang ikaw ang napili ni mommy na ipakasal sa akin." Masyado niya akong tinatapakan. Hindi ko din naman ito ginusto.

"'Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan ay hindi na ako tututol." Nag-iwas ako nang tingin at pinipigilan ko pa rin ang pag-iyak.

"Just admit it. You're a bitch." Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam 'kong magkakaron lang ng gulo pag sumagot pa ako.

Nang makarating kami sa bahay niya ay namangha ako sa laki nito. Isa ito sa mga patunay na mayayaman talaga ang mga Wiese. "Wow."

"Tsk. I know you've been to many mansion." Anong gusto niyang sabihin doon?

Nang maibaba na ang mga bag namin ay umalis na ang sasakyan. Naglakad na si Mr. Gusford papasok nang bahay niya kaya naalerto ako. "Teka! Paano ang mga bagahe ko?" Lumingon siya sa akin habang ang kaniyang isang kamay ay na sa kaniyang bulsa. Iba talaga ang lahi ng Wiese.

"Pake ko sa mga luggages mo? You carry them alone." Pumasok na siya sa loob nang bahay at naiwan naman akong nakatulala. Ga'nun na lang 'yun?

"Nakalimutan ko 'yatang siya ang pinakawalang puso sa pamilyang Wiese." Bumuntong hininga na lang ako at dinala na ang mga bag ko sa loob.

Nang makapasok na ako ay mas lalo akong namangha. Napakaganda nang bahay niya. Bahay pa lang ni Mr. Gusford ay sumisigaw na nang karangyaan. Paano pa kaya ang mansion ng pamilyang Wiese? Ang pinanggalingan ni Mr. Gusford.

"Saan ang kwarto ko?" Napangisi siya sa tanong ko. Niluwagan niya ang necktie niya at hinubad ang tuxedo.

"Where do you think do you belong?" Napaisip naman ako. Sa totoo lang hindi naman ako kabilang sa pamilyang Wiese para matawag na isa. Napakalayo kasi nang estado ko sa kanila.

"Sa maid's quarter?" Wala naman akong ibang alam na malulugaran ko dito maliban sa kwarto nang mga katulong.

"That's right. Doon ka nababagay." Umupo siya sa sofa at binuksan ang TV.

"Hindi ba magtataka ang mga katulong 'kung doon ako matutulog?"

"May magtataka ba?" Kumurap ako nang dalawang beses. Ang ibig niya bang sabihin wala siyang katulong dito sa napakalaking bahay na ito?

"Wala ka bang katulong dito?" Tumawa siya bago niya ako lingunin para sagutin.

"Now I have one. You." Napalunok ako. Ito ba ang kapalit nang pagiging asawa niya? Nararamdaman ko na 'yata ang kalupitan sa impyernong pinasok ko.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon